Chapter 93

1.2K 67 23
                                    

Cathleya's POV

Sabay kaming napatayo ni Elias nang biglang hilain ni Elizar si Ate Sisa at suntukin yung lalaking kasayaw ni Ate Sisa na Arnold ata ang pangalan.

"I fucking told you to stay away from her!" Malakas na sigaw ni Elizar bago hilain si Ate Sisa.

"Stay here. I'll go help Arnold." Tinanguan ko si Elias at mabilis naman n'yang tinungo si Arnold.

Nahagip pa ng mga mata ko sila Elizar at Ate Sisa na papasok. Nagsilapitan na rin ang ibang mga bantay para tulungan din si Arnold. Si Kate naman ay tumakbo papasok at sinundan sila Elizar. Ang lahat ng atensyon namin ay nakila Elias at Arnold.

Naagaw ng atensyon ko ang naiwang cellphone ni Elias na nakapatong sa lamesa. Bigla iyong tumunog, may tumatawag. 

'Unknown number.'

Sinagot ko iyon at itinapat sa tenga. "Hello?"

"Are you enjoying the night?" Hindi pamilyar ang boses n'ya.

"What? Elias is-- "

"I know where your father is, Cathleya." Natigil ako at kunot-noong tinignan ang screen ng cellphone. 

"Who is this?"

"Look at your left side." Binalingan ko ng tingin ang left side ko, sa gilid ng mansyon. Madalim na gubat lang ang nakikita ko sa pinaka dulo ng mga lamesa. Nangunot ang noo ko nang may maaninag akong taong nakatayo sa tabi ng may kalakihang puno. Hindi ko makita ang mukha n'ya dahil sa dilim at dahil na rin may kalayuan iyon."If you want to see him, come here."

Pinatay n'ya ang tawag. Biglang kumalabog ang dibdib ko. Nakaramdam ako ng matinding kaba nang mapagtantong hindi ko pa nga nakikita si Papa simula nang pumunta kami rito. Kanina ko pa s'ya hinahanap pero hindi ko talaga s'ya mahanap.

Binalingan ko ng tingin sila Elias na kausap pa rin si Arnold. Napalunok ako. Ipinatong ko ulit ang cellphone ni Elias sa kaninang kinalalagyan nun at muling luminga-linga para hanapin si Papa pero wala pa rin talaga.

'Hindi kaya umuwi na si Papa? Pero sino ang lalaking iyon? Paano kung may nangyari talagang masama kay Papa?'

Sumagi sa isip ko ang nangyari sa amin kagabi. Hindi imposibleng may nangyari rin kay Papa.

 'Bahala na!'

Tinungo ko ang pinakadulo ng mga table kung saan ko naaninag ang lalaking yun na hindi na masyadong natatamaan ng liwanag, sa gilid ng mansyon. Nang marating ko ang puno kung saan ko naaninag yung lalaki ay wala na iyon. Luminga-linga ako sa madilim na gubat.

Napangiwi ako nang may maramdaman akong parang karayom na itinusok sa leeg ko. Agad na nanlabo ang paningin ko at nawalan ng balanse ang katawan ko. The last thing I know ay buhat na ako ng kung sino. Malabo na talaga ang paningin ko at umiikot na ang lahat ng nakikita ko.

Then suddenly, everything went black.

Kiano's POV

Nabaling ang tingin naming lahat sa gitnang espasyo nang biglang may nagsigawan. 

"I fucking told you to stay away from her!" Malakas na sigaw ni Elizar sa lalaking natumba. Hinila ni Elizar si Sisa papasok. Agad namang lumapit si Elias at iba pang mga lalaki doon sa lalaking natumba.

"What's happening?" Tanong ng isa sa mga lalaking katabi ni Elkhart.

Walang sumagot at nanatili ang mga tingin namin sa kumpol ng mga lalaking sa gitnang espasyo. Kausap ni Elias yung lalaki.

Kindled Heartbeat || Completed || VileR4ven||Where stories live. Discover now