Chapter 62

1.4K 85 12
                                    

Rap-Rap's POV

"Ang galing mo naman. Mabuti't dumating ka."

Napalunok ako dahil sa tono ng boses n'ya. Babae s'ya pero may kung ano sa boses n'ya na makakaramdam ka ng kaba.

'Shet! Sino na naman 'to?!'

"S-sino ka?" Sinubukan kong mas ilapit ang lampara sa mukha n'ya para makita ko kahit ang mga mata lang n'ya. "M-multo ka ba?! Ba't naka-i-itim ka?!"

'Kung multo man 'to, ang sexy namang multo ne'to.'

Natawa s'ya at humakbang papalapit sa akin. "Hoy, teka! B-bat ka lumalapit?! 'Wag kang lalapit. Ihahampas ko sa'yo itong lampara ko. Sige subukan mo ako." kinakabahan ako sa mga tingin nya punyemas!

"Tinatakot mo ako?" Mas humakbang pa s'ya papalapit kaya napahigpit ang hawak ko sa lampara. "Sa tingin mo matatakot ako sa maliit mong lampara?"

"A-ano bang kailangan mo? Ikaw ba ang nagpapunta sakin d-dito?!"

Mahina syang tumawa at mas lumapit sa akin. "Ano sa tingin mo?"

'Hala, tanga. Kaya ko nga tinatanong kasi hindi ko alam.'

"Ewan ko. Kaya ko nga tinatanong, di ba?"

Tumigil s'ya sa harap ko. Hindi s'ya ganun kalapit at hindi rin ganoon kalayo. Natatamaan na ng sinag ng lampara ko ang buong katawan n'ya.

Ang sexy talaga ng katawan n'ya. Halatang babae. Hindi katabaan. Hindi rin masyadong payatot. Mga ka height ko lang din. Nakasuot s'ya ng masikip na damit kung saan nababalutan ang buong katawan n'ya. Hanggang sa ulo n'ya. Mukha syang ninja dahil sa suot n'ya.

"Alam mo bang kaya kitang patayin sa loob ng limang segundo?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. "T-teka, b-baka pwede pa nating pag-usapan? Galit ka agad, eh." medyo  humakbang ako patalikod para makalayo sa kanya. "Ewan ko nga kasi. Hindi ko alam kung ikaw ba ang nagpapunta sakin dito o hindi. Malay ko rin kung anong kailangan mo sakin. Nagbabanta ka agad."

"Oo. Ako ang nagpapunta sa'yo rito."

"Sinasabi ko na nga ba! Ang hirap nung mga salitang ibinigay mo! Alam mo ba na---"

Natahimik ako nang bigla n'ya akong tutukan ng kutsilyo.  "Tatahimik ka o bubutasan ko ang leeg mo?"

Napahawak ako sa leeg ko at isinara ang bibig ko. Ibinaba n'ya ang kutsilyo at isinuklip sa binti n'ya. "Pinapunta kita rito dahil kailangan ko ang tulong mo at kailangan mo ang tulong ko." Lumapit s'ya at kinuha ang lamparang hawak ko saka itinapat sa pinanggalingan kong pinto. "Alam kong bihag nila ang mga kasamahan mo."

"Oo! Si Kiano at Nanay--" Nilingon n'ya ako kaya naisara ko agad ang bibig ko.

"Kailangan kita upang mapagtagumpayan ko ang plano ko at kailangan mo naman ako para makawala kayo. Naiintindihan mo?" Tumango-tango ako. "Bumalik ka sa loob at gawin mo lahat ng sasabihin ko. Kapag napagtagumpayan ko ang plano ko ay ipinapangako kong makakalaya kayo rito."

"Sino ka ba kasi--"

"Hindi na importante kung sino ako. Ang importante ay matulungan natin ang isa't-isa."

"Ano ba ang maitutulong ng isang poging gaya ko?!"

"Kapal ng mukha mo..." bulong n'ya lang 'yun pero dinig ko.

"Hoy, dinig ko 'yon ah!"

Ibinalik n'ya ang tingin sa pintong pinanggalingan ko. "Kailangan kita para mapatay ang Hari."

"Ha? Sinong Hari? Saan 'yon?"

"Si Elkhart King Revas. Ang hari ng mga Revas."

Cathleya's POV

"Saan n'yo ba ako dadalhin?" Hindi pa rin nagsasalita ang mga lalaking nakahawak sa magkabilang sa braso ko.

Ilang minuto kaming naglakad hanggang sa marating namin ang isang malaking kulay puting pinto. Ipinasok nila ako sa pintong iyon at si Ate Sisa agad ang sumalubong sa akin.

Mabilis n'ya akong kinuha sa mga dalawang lalaking iyon.

"Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba nya? May masakit ba sa'yo?" Tulirong tanong ni Ate Sisa habang sinusuri ang buong katawan ko.

Umiling ako. "Wala naman. Maayos ako."

Huminga s'ya nang malalim saka ibinuga. "Mabuti na lang...."

Inilibot ko ang tingin ko sa kwartong pinasukan nila sa akin. Malaki at malawak ito. May malaking bathtub din sa gitna. Mga kandila ang lamang ang nagbibigay liwang dito. Kulay jade ang sahig. Parang nasa banyo ako ng isang palasyo. "Nasaan tayo, Ate Sisa?"

Nilibot n'ya rin ang tingin nya sa buong kwarto. "Nasa north wing special room ka."

"Saan?"

"Ang kwartong ito ay hindi nagpapasukan ng sino man maliban sa akin at kay Boss Elias." Inalalayan n'ya akong maglakad. Nagsimula kaming maglakad papunta sa malaking octagonal shape na bathtub. "Dito madalas magrelax si Boss sa tuwing stress s'ya. Nagbababad s'ya sa bathtub na 'yan ng ilang oras."

"Eh bakit n'ya ako pinadala rito?"

Nagkibit-balikat si Ate Sisa. "Hindi ko alam. Ang sabi n'ya lang sa akin ay bihisan ka at mamaya ay susunod s'ya rito."

"Teka, hindi kaya gusto nyang maligo kami nang sabay?!"

Napakagat-labi si Ate Sisa at dahan-dahang tumango. "Sa tingin ko rin, eh."

'Maliligo kami nang sabay? Sa lahat ng ginawa n'ya ay may gana pa syang sumabay sa pagligo sakin?? Ang kapal talaga ng mukha ng hayop na 'yun!'

Naiyukom ko ang mga kamay ko.

Pinaupo ako ni Ate Sisa sa maliit na upuan sa tabi ng bathtub. Hinubaran n'ya ako at underwear lang ang itinira. Itinali n'ya ang buhok ko at pinunasan ang buong katawan ko gamit ang basa at mabangong panyo. Maging ang mga paa ko ay pinunasan n'ya rin. Ginupit n'ya rin ang mga mahahabang kuko ko. Inayos ang mukha ko at saka ako pinasuot ng bathrobe.

Napansin kong sobrang bango rito at relaxing talaga ang ambiance. Wala akong makitang bulb na ilaw. Puro mga magkakaibang kulay na kandila. Mukhang scented candles ata ang lahat ng kandila rito.

Pagkatapos akong bihisan ni Ate Sisa ay pinasulong n'ya ako sa malaking octagonal shaped bathtub. Umuusok ang bathtub pero hindi ganoon ka-usok. Hindi rin gaanong mainit at hindi rin gaanong malamig, sakto lang. May mga bulaklak din nakakalat sa surface ng tubig.

"Kung ano man ang mangyari. Nasa labas lang ako. Naiintindihan mo?"

Tumango ako. Nagulat ako nang biglang halikan ako ni Ate Sisa sa noo bago s'ya lumabas. I felt her love.

Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Sa ilang linggong pagkakakilala ko kay Elias ay hindi ko pa rin mabasa ang mga gagawin n'ya. Ano ang purpose nitong pagsabay naming maligo sa deal namin?

Nakatalikod ako sa pinto at ilang minuto akong naghintay bago biglang bumukas ang pinto na syang umagaw ng atensyon ko. Nilingon ko ang pinto at nanginig ang mga kamay ko nang makita kung sino ang nasa pinto.

Si Kiano.

Kindled Heartbeat || Completed || VileR4ven||Where stories live. Discover now