Chapter 70

1.4K 82 20
                                    

3rd Person's POV

"That is the bullet, isn't it?"

Natigil si Sisa at nahigpit ang hawak n'ya sa laylayan ng apron n'ya. "H-hindi p--" Hindi naituloy ni Sisa ang sasabihin n'ya nang bigla syang hilahin at itulak ni Elizar sa sulok ng elevator saka ikinulong gamit ang mga kanang braso nito. Ang kaliwang kamay ni Elizar ay ipinasok n'ya sa bulsa n'ya at masidhing tinitigan sa mukha ni Sisa.

Hindi makagalaw si Sisa dahil sa sikip ng pagkakakulong n'ya sa bisig ni Elizar. Puno ng kaba at pagtataka ang mukha niya habang tinititigan din sa nang-aakit na mukha ni Elizar. "When did you learn to lie, Sisa?" Inilapit ni Elizar ang mukha at katawan n'ya kay Sisa kaya mas na-estatwa si Sisa. Inilapit ni Elizar ang mukha n'ya sa leeg ni Sisa kaya naiangat ni Sisa ang baba n'ya. "Your scent. It's..." Bahagyang suminghot si Elizar. "It's fascinating...."

Nagsimulang gumapang ang kaliwang kamay ni Elizar papasok sa bulsa ng apron ni Sisa at kinuha ang plastic bag. Dahil sa posisyon nila ay hindi makapalag si Sisa habang kinukuha ni Elizar ang plastic bag. Sunod-sunod ang mga paglunok ni Sisa. Nang mailabas ni Elizar ang plastic bag mula sa bulsa ni Sisa ay ngumisi ito at binigyan ng mabilis na halik ang leeg ni Sisa.

Umalis si Elizar sa posisyon n'ya at bumalik sa kaninang pwesto n'yang tuwid na nakatayo saka binuksan ang plastic bag.

Nakahinga nang maluwag si Sisa at napahawak sa leeg n'yang hinalikan ni Elizar. Nanatili syang nasa sulok at hindi maialis ang tingin kay Elizar. Kay Elizar na nakangiti at pinagmamasdan ang laman ng plastic bag. "Eliazora...." Mahina lang iyon ngunit sapat na upang marinig ni Sisa. Nilingon ni Elizar si Sisa at nginitian. "I know that you have your reasons so I will spare you. But in return, you must promise me that you will never lie to me again. You promise?" Hindi makasagot si Sisa. Nanatili silang magkatitig ng ilang segundo bago nilapitan ni Elizar si Sisa at hinawi ang kulot na buhok nito saka inipit sa likod ng tenga ng dalaga. Hindi pa rin makasagot si Sisa at nakatingin lang sa mga mata ni Elizar. "Cecilia?"

Nabalik si Sisa sa wisyo nang tawagin sya ni Elizar sa totoong pangalan n'ya.  "H-ha?"

"You promise?"

"A-ang ano--Ahh O-oo, Oo."

"Good."

Tinalikuran ni Elizar si Sisa at pinisil ang isang button. Maya-maya ay bumukas ang elevator at lumabas si Elizar. Naiwang nakatulala si Sisa at nakatayo sa sulok ng elevator. Hindi maiproseso ni Sisa ang mga nangyari. Sobrang daming katanungan sa isip n'ya.

'Anong meron sa balang iyon? Bakit ganun sya kung umakto? Bakit parang hindi si Elizar iyon?Bakit n'ya hinalikan ang leeg ko? Sinong Eliazora? Sandali.'

Napatakip si Sisa ng bibig at nanlaki ang mga mata nang may maalala. "Hindi maaring mangyari iyon, imposible. Mali lang ako ng dinig at hinala. Hindi si Miss Zora iyon..."

Cathleya's POV

"Is it good?" Elias asked while chewing a piece of pancake.

'No! It's not just good. It's heavenly good.'

Tumango ako nang hindi s'ya tinitignan at isinubo ang piraso ng pancake na nakatusok sa tinidor. Bago kami magsimulang kumain ay talagang wala akong ganang kumain. Pero nang subuan ako ni Elias ng kapirasong pancake ay bigla-bigla akong ginutom. Naubos ko ang tatlong piraso ng pancake at isang baso ng juice.

Napa-burp ako dahil sa sobrang kabusugan. Mahinang natawa si Elias kaya agad ko syang nalingon. "Bakit?"  Nakatingin sya sa kinakain n'ya na may ngiti sa mukha.

Kindled Heartbeat || Completed || VileR4ven||Where stories live. Discover now