Chapter 84

1.2K 81 18
                                    

[8:15 pm]

Sisa's POV

"You ready?" Kabado kong nilingon si Kate na nakatayo malapit sa nakabukas na pinto. "Come," Inilahad n'ya ang kaliwang kamay n'ya. Dahan-dahan akong lumapit sa kan'ya at inabot ang kamay n'ya. "Chill. You look super kabado." Mahina kaming natawa.

"Unang beses ko kasi. Maraming beses na silang dumaos ng ganitong pagdiriwang pero unang beses na naimbintahan ako."

Nginitian n'ya ako at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "Let's go? I'm sure, there's a lot of people na sa ballroom."

Tumango ako at eksakto namang bumukas ang pinto at may pumasok si Rino, isa sa mga tagabantay dito. "The ball is about to start, Miss Katelynn and Miss Cecilia."

Nginitian namin si Rino bago kami sumunod sa kan'ya palabas ng kwarto. Mas kinabahan ako nang magsimula kaming maglakad papunta sa elevator. Madalas kong balingan ng tingin si Kate at hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa ganda n'ya. May maliit na pouch bag s'yang hawak na nagpadagdag sa pagiging galante ng hitsura at awra n'ya.

Sa tuwing pagmamasdan ko si Kate ay hindi ko maiwasang maalala si Elizar. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Kate kanina. Pagkatapos n'yang sabihin ang mga iyon ay parang walang nagyari. Naiilang akong makipag-usap sa kan'ya pero parang sa kanya ay wala lang.

'Bakit parang ang dali lang sa kan'ya ang desisyon n'yong iyon? Kakaibang babae nga talaga s'ya. Napakagaling n'yang magtago ng nararamdaman n'ya.'


3rd Person's POV

Tanging itim, puti at gintong kulay lang ang makikita sa buong kwarto na talagang napaka galante kung tignan. Pinagsamang romantikong orkestra at mga nag-uusap ang maririnig sa buong kwarto. Mahahalata ang pagiging galante ng bawat isa dahil sa mga suot nilang naggagandahang mga itim na kasuotan. Ang bawat isa ay may hawak ring baso ng mamahaling alak.

Bilang lamang ang mga dalaga at binatang makikita dahil ang karamihan ay mga may edad na. Mga businessman at woman, board members, at Revas group members ang mga dumalo.

Agaw-atensyon din ang kulay puti at gintong entablado na may apat na mga mistulang mga trono ng hari at mga prinsepe. Ang kulay gintong trono na nasa gitna ng entablado ang talagang nakakamangha sa ganda. Idagdag pa ang tatlong medyo maliliit na mga itim na trono sa magkabila ng mala-haring trono. Dalawa sa kanan at isa sa kaliwa.

Maya't-maya ay may dumarating na mga bisita kaya naman abalang-abala ang mga katulong at mga nagbabantay. Kalat ang mga lalaking may dalang mga baso ng wine at naglilibot sa buong kwarto. Makalipas ang halos kalahating oras na paghihintay ng mga bisita ay may lalaking umakyat sa gilid ng entablado. May hawak-hawak s'yang mikropono at lutang ang kagwapuhan n'ya sa ngiti n'ya. Mabilis n'yang naagaw ang atensyon ng mga kababaihan.

"Greetings, Ladies and Gentlemen." Naagaw niya ang atensyon ng lahat. "I am Arnold Leonel Cruz, and I will be the one who will host this event. I would like to start by thanking each and every one of you for putting your presence at this event. Just a few more minutes and Revas will join us. May all of you enjoy this night. Thank you."

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto na s'yang umagaw sa atensyon ng lahat. Mala-haring pumasok si Elkhart katabi si Kiano na walang mababasang emosyon sa mukha. Mabilis na nahawi ang mga bisita upang bigyan ng daan papunta sa entablado sila Elkhart. Kasunod nila ang mga lalaking nakapang pormal na suot.

Habang naglalakad sila sa hawi ng mga bisita ay hindi nakaligtas sa mga mata ng kababaihan si Kiano. Matikas ang tindig ng mag-ama at kitang-kita ang pagkakapareho nila. Itim na may mumunting pulang disenyo ang tuxedo at bow tie na unang mapapansin sa suot ni Kiano. Nakaayos ang buhok n'ya sa kanang banda ng mukha n'ya na medyo tumatama sa kanang mata n'ya.

Kindled Heartbeat || Completed || VileR4ven||Where stories live. Discover now