Chapter 90

1.4K 76 32
                                    

Buhat-buhat pa rin ako ni Elias at hindi ako sigurado kung saan n'ya ako dadalhin. Lagpas limang minuto na kaming nakasakay ng elevator paakyat kaya hindi ko sigurado kung sa kwarto n'ya ba ako dadalhin o hindi.

Hindi rin naman ako makapag tanong dahil sa ekspresyon ng mukha n'ya. Ganyan na ganyan ang ekspresyon n'ya nung una ko s'yang makita. I was panicking that time when I realized that I was in an unfamiliar place. Papalabas s'ya ng elevator na dapat ay papasukan ko. Ganitong ganito rin ang pagkakabuhat n'ya sa akin nun.

I rest my ear on his chest, listening to the tardy beats of his heart.

"Where are we going?" I whispered while staring at his face.

He looked at me with a sweet smile. My heart skipped a beat when I saw his genuine smile.

"Somewhere we can be alone together." He answered in a mellow tone.

Medyo naguguluhan man ay hindi na ako nagtanong pa. Ilang minuto pa ang lumipas bago huminto ang elevator at bumukas. Nang bumukas ang elevator ay agad kong naramdaman ang simoy ng malamig na hangin.

Elias put me down. I looked around and I was amazed at the view that welcomed me. Nasa rooftop kami!

A small table with two outdoor rocking chairs beside it, near the concrete balustrade, caught my attention. The chairs were faced with the balustrades. Hindi gaanong kadiliman sa buong rooftop dahil sa mga post lights na nasa balustrades.

"Magpapadala nalang ako ng wine kay Arnold para kahit papaano ay may mainom tayo." Hindi ko nilingon si Elias.

Napayakap ako sa sarili nang tumama ang malamig na hangin sa balat ko. Walang kahit anong tapis ang mga braso ko at likod kaya ramdam na ramdam ko ang lamig ng hangin.

"S-Sig--" I wasn't able to finish what I'm saying when a coat was robed around my shoulders. Nilingon ko si Elias. Inaayos n'ya ang tuxedo coat n'yang isinuot n'ya sa akin. "It's okay, I'm fine. There's no need for this."

He didn't respond or even glance at me. Naglakad s'ya diretso sa maliit na lamesa at umupo sa kaliwang upuan. Nakatalikod na s'ya sa akin, facing the balustrades.

The smell of Elias' expensive perfume lingered in my nose as I took a deep breath. I subconsciously gripped my hands to his coat.

'This scent...'

"Cathleya," Nabalik ako sa wisyo nang tawagin n'ya ako. "Come and sit."

Tumalima ako at naglakad papalapit sa kanya. Umupo ako sa kanang upuan. My jaw dropped when I saw how beautiful this island is even though it is night time.

Nakaharap kami sa mismong front view ng bahay. From this far, I can barely see the pathway in which leads to entrance of the house down to the beach. May mga light posts din sa gilid ng pathway na sobrang liliwanag to the point na hanggang dito ay medyo klaro ang pathway.

Sa dulo ng pathway naman ay dagat na. May mga maliliit na mga ilaw sa dagat na satingin ko ay mga sinakyan ng mga bisita. Para silang mga bituin mula rito na nagpapadagdag sa ganda ng nakikita ko.

Ibang-iba ang makikita ritong view sa makikitang view sa glass wall ng kwarto ni Elias. Gubat at dagat ang makikita roon kung saan sumisikat ang araw. Kaya sa tingin ko ay nakaharap sa west itong bahay ni Elias dahil sa east sumisikat ang araw. Sa tingin ko rin ay nasa bandang likod ng bahay ang kwartong iyon ni Elias.

"Bring an ointment, two bottles of wine, a bottle of champagne, two drinking glasses, and some snacks here at the rooftop. Yeah." Nalingon ko si Elias na nakatingin pala sa akin. A naughty smile appeared on his face. "Tell Dad that Cathleya and I are doing something, that's why we left." Pinandilatan ko s'ya ng mga mata na mahina n'yang ikinatawa. "Yeah. Don't tell him that we are at the rooftop. Okay, thank you." Ibinaba na n'ya ang tawag kaya umikot ang mga mata kong inalis ang tingin sa kanya. "What?" Natatawa n'yang tanong.

Kindled Heartbeat || Completed || VileR4ven||Where stories live. Discover now