Chapter 24

1.7K 105 5
                                    

Halos isang oras na kaming bumabyahe sa madilim at malawak na karagatan. Hindi pa rin tumitigil sa panginginig ang mga kamay at tuhod ko kahit nakaupo na ako at sinusubukang pakalmahin ang katawan ko.

Inaalala ko kung tama ba talaga ang ginagawa ko ngayon. Dahil paniguradong hahanapin ako ni Elias. Hahanapin n'ya ako at hindi impossibleng mahanap n'ya ako. At kapag nahanap n'ya ako-- Napayuko ako. Nagsimulang rumagasa ang mga luha ko na s'ya ring pagpasok ng mga posibleng mangyari. "Papatayin n'ya ako..." Wala sa katinuang bulong ko.

Naiangat ko ang ulo ko saka tumayo nang biglang tumigil ang yate. Luminga-linga ako at nasa kalagitnaan pa rin kami ng karagatan.

'May problema ba? Bakit tumigil?'

Sinubukan kong umaninag ng ilaw sa malayo pero wala akong kahit na anong maaninag. Ang yate lang na sinsakayan namin ang nagliliwanag.

Napabalikwas ako nang may humawak sa balikat ko. Nilingon ko ang humawak sa akin at may inabot s'yang cellphone. Nanginginig man ay inabot ko ang cellphone at tiningnan. Pinunas ko ang mga luhang bumababa sa pisngi ko upang mas maging klaro ang paningin ko.

Biglang bumukas ang screen ng cellphone at lumitaw ang imahe ni Elizar. "If you are watching this, it means my plan worked." Nangunot ang noo ko dahil sa tono ng boses n'ya at sa ngiti n'ya. "Goodbye Miss Cathleya Salvero. Thank you for making everything easy and for completing my mission." He smirked like a devil.

Mas nanginig ang mg kamay ko at nablangko ang isip ko. Klaro ang pagkakasabi n'ya pero bakit parang hindi ko naintidihan?

'A-anong ibigsabihin n'yang sabihin?!'

Nawala ang imahe ni Elizar at pumalit ang number 30

'30'

'29'

Nagsimula itong magbilang pababa.

Nabitawan ko ang cellphone nang mapagtanto ko ang countdown. "It's a bomb..." Nilingon ko ang mga kasama kong lalaki pero wala na sila!

'26'

'25'

Hindi ko alam ang gagawin ko. Nagsisimula na akong magpanic. Tanging paglinga-linga at pag-iyak ang nagagawa ko dahil walang kahit na anong ideya ang pumapasok sa utak ko.

Pinulot ko ang cellphone at tumakbo sa likod ng yate nang maalala ko ang sinabi ni Mom about sa mga emergency life vest na nasa likod ng mga yate. Naghalungkat ako hanggang sa may lumang life vest akong nakita! Halos magtatalon ako sa tuwa habang isinusuot ang life vest.

'15'

'14'

'13'

'12'

Itinapon ko ang cellphone at tumalon ng yate saka sinimulang lumangoy nang mabilis. Lumangoy ako nang lumangoy hanggang sa marinig ko ang malakas na pagsabog. Nilingon ko ang pinagmulan kong yate at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang napakalaking alon na paparating dulot ng pagsabog!

'I'm gonna die...'


3rd Person's POV

Dahan-dahang iminulat ni Elias ang mga mata n'ya. Asul na langit ang unang sumalubong sa kanya. Nakahilata s'ya sa buhangin at nananakit pa ang ulo dahil sa pag-inom nila kagabi.

Masyadong naparami ang inom n'ya ng alak kagabi kaya hindi na n'ya namalayang sa buhangin na pala s'ya nakahilata.

Masakit man ang ulo ay bumangon s'ya. Luminga-linga s'ya at nakita n'ya sila Kate, Sisa, at Elizar na nakahiga rin sa buhanginan. Lahat sila ay malalalim ang tulog dahil sa sobrang pagkalasing.

Tumayo si Elias at nakahawak sa ulong naglakad papunta sa tent nila ni Cathleya. Binuksan n'ya ang zipper at nakahinga  sya nang maluwag nang makita si Cathleya na nakabalot ng kumot.

Humiga s'ya katabi nun at niyakap ang akala n'yang si Cathleya. Napabangon s'ya nang maramadamang sobrang lambot ng niyakap n'ya. Inalis n'ya ang kumot at nanlaki ang mga mata n'ya nang makitang unan ang laman nun.

Dali-dali syang lumabas ng tent at bumalik sa bone fire. Nanlilisik na matang lumapit s'ya kay Elizar at mabilis na binunot ang maliit na kutsilyong nakatago sa tagiliran n'ya.

Itinutok n'ya ang kutsilyo sa leeg ng natutulog nyang kuya. "Where is she?!" Malakas na sigaw ni Elias.

Agad na nagising ang lahat at napabangon. Napatili ang dalawang babae dahil sa  senaryong tumambad sa kanila.

"Elias, what is happening?" Nalilitong tanong ni Kate.

"I am asking you, Elizar. Where is she?!" Sinubukang bumangon ni Elizar ngunit mas idiniin ni Elias ang kutsilyo sa leeg ng kuya n'ya dahilan para magsimula iyong dumugo.

"Elizar, what is he talking about?! Elias, calm down! " Kate screamed.

Bumakas ang takot sa mga mata ni Elizar dahil alam n'yang hindi magdadalawang-isip si Elias na itarak ang kutsilyo sa leeg n'ya at gumawa ng butas doon.

Naitataas ni Elizar ang leeg n'ya dahil habang tumatagal ay mas idinidiin ni Elias ang kutsilyo sa leeg n'ya. Bumigat ang mga paghinga ng magkapatid nang walang nagsalita. Nagsimulang bumalot ang takot sa buong katawan ni Elizar nang magtama ang tingin nila ng kapatid n'ya.

"H-hindi ko ala--Argh!" Hindi naituloy ni Elizar ang sasabihin nya nang maramdaman n'ya ang isa pang kutsilyo sa tagiliran n'ya.

"Elias, stop! You will kill him!" Patakbong lumapit si Kate kila Elias at Elizar nang makita nyang may dumadaloy ng dugo mula sa leeg at tagiliran ni Elizar. Itinulak n'ya si Elias papalayo sa kuya n'ya. "Fuck! Papatayin mo ang kapatid mo for a woman?! Are you out of your mind, Elias?!"

Lumapit si Sisa kay Elizar para tignan ang sugat nito bago itayo at alisin sa paningin ni Elias.

Naupo si Elias sa buhangin na agad naman syang nilapitan ni Kate. Masama ang tingin ni Elias sa kuya n'yang palayo at naka-akbay kay Sisa. Gustuhin mang tumayo at sumugod ni Elias ay hindi s'ya makagalaw dahil kay Kate. Nakahawak si Kate sa dalawang braso ni Elias kaya hindi s'ya makagamit ng pwesa.

"Elias, I'm begging you. Stop this!" Galit na tumingin si Elias sa mga mata ni Kate.

Ilang segundo n'yang tinitigan ang mga nagmamaka-awang mga mata ni Kate bago bumuntong-hininha at umiwas ng tingin.

Maingat n'yang Inalis ang mga kamay ni Kate sa mga braso n'ya at'saka s'ya tumayo. Muli nyang tinignan ang direksyon ng  kuya nya at sumeryoso ang mukha.

"Sa oras na malaman kong may alam ka rito ay hindi ako nagdadalawang isip na ilibing ka nang buhay!" Matigas na sigaw ni Elias bago naglakad palayo roon.

Inilabas n'ya ang cellphone n'ya at nag dial saka itinapat sa tainga n'ya.

"Arnold, she escaped. Suyurin n'yo ang lahat ng islang malapit dito at wag na wag kayong titigil hanggang hindi n'yo s'ya nahahanap."

'You're a dead meat, Cathleya!'

His hands fold tightly as he remembers everything they did last night.

Kindled Heartbeat || Completed || VileR4ven||Where stories live. Discover now