Chapter 74

1.3K 85 29
                                    


Rap-Rap's POV

"Ano na naman ba kasi ito?" Napakamot ako ng ulo nang makita ang ipinadala nung babae sa garden na nagpakilalang Zora. Matapos kong gawin ang pinapagawa n'ya ay agad din n'ya akong pinabalik dito sa kwartong pinagkulungan nila sakin. Muntikan pa nga akong mamatay sa pinagawa nyang iyon kaya ganun nalang ang pagbagsak ng balikat ko nang makita ang papel.

Sinabihan n'ya akong itago ang susi at ang pang-pormal na damit na ibinigay n'ya dahil magpapadala raw ulit sya ng sulat. Gamitin ko rin daw ang mga iyon kapag nagpadala ulit sya ng sulat.

Tatlong beses akong dinadalhan ng pagkain araw-araw. Minsan nga kulang pa. Pero bumabawi naman sa lasa. Kingina, ang sasarap ng mga pagkaing hinahatid nila. Pakiramdam ko nga ay hari ako dahil bukod sa pagkain at pagtulog ay wala na akong ibang ginagawa. Kaso boring. Miss na miss ko na rin si Inay.

'Kamusta na kaya sya, sila ni Kiko?

Napabuntong-hininga ako saka kinuha ang papel na nakasuklip sa ilalim ng maliit na plato.

"Garden."

Nangunot ang noo ko nang makita ang nakasulat. "Pinapapunta na naman n'ya ako sa madilim at nakakatakot na garden na 'yun? Aish punyemas naman oh!" Itinapon ko sa kung saan ang papel at kinuha ang ihinatid nilang pagkain. "Bahala sya sa buhay n'ya. Maghintay sya roon. Kakain muna ako. Hindi ako ang mag-a-adjust 'no."  Sinimulan ko nang kumain at namnamin ang sarap ng kinakain ko.

'Kung nandito lang sana si Inay, sigurado magugustuhan n'ya ito.'

Pagkatapos kong kumain ay agad kong itinabi ang tray ng pagkain at saka nagpalit ng pang-pormal na ibinigay nung si Zora. Kinuha ko rin ang susing itinago ko sa ilalim ng kama.

Sinusian ko ang pinto at dahan-dahang binuksan. Sumilip muna ako at kinumpirmang walang tao. Nang masiguro kong walang tao ay agad akong lumabas.

Tinungo ko ang elevator. Nang nasa harap na ako ng elevator ay napahawak ako sa ulo ko nang maalalang sasakay na naman ako sa walang hiyang elevator na ito. "Kingina naman oh! Elevator na naman. Bakit kasi walang ibang daan pababa rito?!" Inis kong sinipa ang pinto ng elevator. Napatalon ako nang bigla iyong nagbukas at iniluwa ang lalaking naka-pormal na suot din gaya ko.

Tinanguan n'ya ako at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Pogi mo ah? Bago ka rito?" Hinawakan at hinimas-himas n'ya ang balikat ko kaya agad akong lumayo.

Salubong ang kilay ko syang tiningnan saka dahan-dahang niyakap ang sarili. "Luh, Pre. Di tayo talo." Nakanguso kong sagot.

Natawa 'yung lalaki. "Gago. Madalang lang kasi kumuha ng mga ganyang edad mo ang mga Revas para gawing tagapag-bantay dito. Ang gwapo mo pa namang binata. Sayang ka."

'Alam kong gwapo ako. Matagal na.'

Naluwag ang yakap ko sa katawan ko at napalitan ng pagtataka ang eksperesyon ng mukha ko. "Bakit sayang?"

"Hindi importante ang buhay ng tao rito, Bata. Kung ako sayo, hanggang kaya mo pa, umalis ka na."

Nakaramdam ako ng takot. Hindi ko alam pero biglang tumibok-tibok ng sobrang bilis ang puso ko. Kinakabahan ako.

Tumunog ang elevator, senyales na magsisirado na iyon. Bago pa man magsirado ang elevator ay agad akong pumasok. "Sige, Pre, una na ako. Salamat." Tinanguan ako nung lalaki bago n'ya ako talikuran. Pinindot ko na ang button pababa sa pinakababang palapag.

''Hindi importante ang buhay ng tao rito, Bata. Kung ako sayo, hanggang kaya mo pa, umalis ka na.''

Hindi ko maalis sa isipan ko 'yung sinabi nung lalaki. Kinakabahan ako hindi para sa sarili ko, para kila Kasandra at Kiano. Lalong-lalo na si Nanay Maria na wala na akong ideya kung nasaan.

Kindled Heartbeat || Completed || VileR4ven||Where stories live. Discover now