Chapter 92

1.3K 65 5
                                    

Kiano's POV

Maaga pa at tulog pa si Nanay. Malalim na ang gabi nang matapos ang kasiyahan kagabi. Pagbalik ko rito ay tulog na si Nanay kaya hindi ko na s'ya nakausap. Ilang oras lang din ang tulog ko dahil masyado akong nababahala at hindi mapakali sa nangyari kagabi. Sigurado akong may hindi magandang nangyari. 

Nang hilahin nung may katandaang lalaki si Kasandra palabas, ilang minuto lang ay sinundan sila ni Elias. Habang hinihila nung lalaki si Kasandra palabas ay kitang-kita ko sa mukha n'ya ang gulat at lungkot. May kalayuan man sila sa amin ay pansin ko pa rin iyon sa mukha ni Kasandra.

Ilang minuto pa ang lumipas simula nang sumunod si Elias kila Kasandra ay pumasok din ulit yung lalaking humila kay Kasandra at bumalik sa mga kausap nito kanina. Simula nun ay hindi ko na maalis doon sa lalaki ang tingin ko. May hawig sila ni Kasandra.

'Hindi kaya Ama sya ni Kasandra? Kaya s'ya niyakap ni Kasandra bago sila lumabas?'

Mas nadagdagan ang pagkalito ko dahil lumapit pa yung lalaki sa amin at at umakyat ng entablado saka nakipag-usap kay Elkhart. Habang nag-uusap pa sila kagabi ay basang-basa ko ang inis sa mukha nung lalaki. Hindi ko marinig ang usapan nila dahil sa hina ng mga boses nila.

Lumipas ang halos isang oras nang biglang may tawag na sinagot ang lalaking nakatayo sa gilid ng entablado. Naaagaw n'ya ang atensyon ko dahil sa napalakas ang boses n'ya nang sabihin nyang "Ms. Salvero?" na sa pagkaka-alala ko ay apilyedo ni Kasandra. Mabilis din n'yang ibinaba ang tawag at sumenyas sa mga lalaking nasa baba ng entablado at nagmamadali silang  lumabas. 

Sigurado akong hindi lang ako ang nakapansin ng biglaang pag-alis nilang iyon. Kahit sila Elkhart at ang ibang pang mga nandoon ay nalingon silang palabas ng kwarto.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" Mabilis kong nalingon ang nagsalita sa bandang pinto. Si Elkhart. May dala s'yang pagkain.

Tinalikuran ko s'ya. Nasa kabilang banda ako ng kama kaya nakatalikod talaga ako sa pinto. "Ilapag mo na lang dyan sa lamesa." Malamig kong sabi.

Narinig ko ang paglapag nya ng dala nya sa lamesang malapit sa kama. 

"I have something to talk to you about, Elijah."

'Kinasusuklaman kong pangalan.'

"Ano?" Hindi s'ya sumagot. Dinig ko ang paghila nya sa isa sa mga upuan sa lamesa at pag-upo nya roon. "Sabihin mo na. Baka magising pa si Nanay."

"Sit here." Nilingon ko s'ya. Naka-upo na nga s'ya sa isa sa mga upuan sa lamesa. Sa upuang nakaharap sa amin sya umupo.

Tumayo ako at umupo sa isang upuan na nakatalikod sa kama. Magkaharap na kami ngunit wala pa rin s'yang imik. "Anong kailangan mo?" Mahinang tanong ko. Masyado pang maaga kaya tulog na tulog pa si Nanay.

"You must accept the fact, Elijah. Anak kita. You're mine. You're a Revas." Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin lang sa kanya. "Someday, you will take over my throne, Elijah."

"Hindi ko kailangan ng kahit na anong meron ka. Ibigay mo na lang yan sa mga tunay mong anak."

"Ikaw lang ang tunay kong anak, Elijah."

Nangunot ang noo ko sa sinabi n'ya. "A-anong ibig mong sabihin?"

Bumuntong-hininga s'ya at ipinatong ang mga siko sa lamesa saka pinagtiklop ang mga kamay. "You want to protect you mother and brother, don't you?" Hindi ako sumagot. "Imagine the power you can have, Son. Take my place. Accept me. In that way, you can protect Maria and your other love ones."

Kindled Heartbeat || Completed || VileR4ven||Where stories live. Discover now