Chapter 58

1.7K 85 6
                                    

'Mabuti.

Mabuti.

Mabuti.'

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sagot na iyon ni Kiano.

'Bakit? Bakit ganoon ang sagot n'ya? Baka may ginawa si Tito Elkhart sa kanya? O baka dahil sa isa na rin syang Revas??'

Napayakap ako sa sarili ko at hindi napigilan ang pag-unahan ng mga luha ko. Pakiramdaman ko ay tinalukuran na ako ng lahat ng taong inaasahan kong tutulong sakin.

For the second time, I've lost my baby! I can't help but tighten my self-hug.

"Why does it have to be me? Why me?"  Another tear has fallen. "Alam ko namang hindi ako naging mabuting tao p-pero..." I can't stop myself from crying.

Nag-uunahan ang mga luha ko at wala akong magawa kung hindi ang yakapin lang ang sarili. Ilang minuto akong humagugol. Niyukom ko ang mga kamay ko at nagsalubong ang mga kilay ko.

"This has to be end!" Lumuwag ako sa pagkakayakap sa sarili ko at pinigil ang mga luha ko. "You want a baby? I'll give you a baby!" Umayos ako at umupo. "Because of you, Elias! Dahil sa'yo kaya dinadanas ko lahat ng ito! Pagbabayaran mo ito! Sa oras na makalaya ako rito ay gagantihan kita! Itaga mo yan sa matigas mong puso!" Gigil na hinawakan ko ang laylayan ng kama.


3rd Person's POV

"How is she?" Walang emosyong tanong ni Elias kay Sisa.

"N-nagpapahinga na p-po s'ya."

"Where is she?"

"S-sa guest room p-po."

"Guest room? Why there? What did I tell you? I told you to call me as soon as she---"

"B-Boss, dalawang araw po syang walang malay. Pagkatapos syang gamutin ay dalawang araw syang tulog kaya n-nakikiusap ako sayong pagpahingahin mo muna s'ya." Naikuyom ni Sisa ang mga kamay n'ya "Masyado pa po syang mahina para makita po kayo. Baka may hindi magandang mangyari kapag nagkita kayo ngayon sa kalagayan n'ya. Dalawang araw na po syang walang kain."

Mula ulo hanggang paa ni Sisa ay dinaanan ng tingin ni Elias. "You're getting braver, huh?" Elias smirked. "Couple of days. I'm giving you couple of days. After that, I'll take her to my room. You understand?" tumango-tango si Sisa at lumabas ng opisina ni Elias.

Pagka sirado n'ya ng pinto ay para syang  nabunutan ng tinik sa dibdib at nakahinga nang maluwag. Naglakad palayo si Sisa at bumagsak ang mga balikat.

Dalawang araw na ang nakakalipas pero hindi nya pa rin makalimutan ang nagawa nya. "Hay buhay..." bulong n'ya.

Agad nyang nalingon ang likod n'ya dahil sa may kumalabit sa kaliwang balikat n'ya.

Si Arnold.

"Pagod?" tanong ni Arnold saka sinabayan si Sisa.

Tumango si Sisa. "Sobra." Agad na napansin ni Arnold ang bagsak na mga balikat ni Sisa at lungkot sa mukha ng dalaga.

Nanliit ang mga mata ni Arnold na para bang nag-iisip. "Uhm..."

Tumaas ang kaliwang kilay ni Sisa. "Bakit?"

"Nakalimutan mo na ata, eh." Parang batang sumimangot si Arnold.

"Ang alin? Arnold, 'wag ngayon. Saka mo na ako kulitin kapag tapos na ang mga problema ko."

"Nag-aya-aya ka na kakain tayo nang sabay tapos makakalimutan mo lang..." Mahinang bulong ni Arnold.

Kindled Heartbeat || Completed || VileR4ven||Where stories live. Discover now