Chapter 47

1.4K 86 12
                                    

Nabitawan ko ang make up brush at lumingon sa kanya. Halos magdikit ang mga mukha namin dahil sa lapit nya.

"Let's go?" he said right in front of my face.

'His voice is nice.'

"Ano?! Saan nyoko dadalhin?! Teka lang! Sandali! Kasandra!" nilingon ko si Rap-Rap nang bigla syang sumigaw. Hawak s'ya ng dalawang lalaking naka black suit sa magkabilang braso at itinayo s'ya.

Nagpapanic kong ibinalik ang tingin kay Elias "S-saan nila s'ya dadalhin?!"

Inalis ni Elias ang tingin sakin at tumingin sa direksyon ni Rap-Rap. Sumenyas s'ya gamit ang ulo n'ya.

"Ano ba! Hoy, bitawan n'yo akong mga hindot kayo! Teka lang!" binalik ko ang tingin ko kay Rap-Rap. Palabas na sila ng pinto!

Sinubukan kong tumayo ngunit malakas na hinawakan ni Elias ang magkabilang balikat ko at malakas iyon idiniin dahilan para maupo ulit ako.

Naibalik ko sa kaharap kong salamin ang tingin ko. Kitang-kita ko kung pano n'ya amoyin ang leeg ko. Ramdam ko rin ang init ng hininga nya.

"He's noisy," he whispered.

Napalunok ako dahil sa tono ng boses n'ya.

'Damn! How can his voice alone be that sexy?!'

"Who is he? Why is he with you?" Dagdag n'ya.

Iginala ko ang mga mata ko nang hindi iginagalaw ang ulo ko. It looks like we are alone. Napapikit ako dahil sa panginginig ng mga tuhod ko.

Nakaramdaman ako ng mainit na hanggin sa tainga ko. "Why aren't you answering? Is he something to you?" hindi ko pa rin s'ya sinagot. Ikinuyom ko ang mga kamay ko saka idinilat ang mga mata ko. "Hmm..." tiningnan ko ang repleksyon n'ya sa salamin at nakatapat nga ang ilong n'ya sa tainga ko. "...you want me to kill him?"

Mas naiyukom ko ang mga kamay ko dahil sa sinabi n'ya! "W-wag mo syang sasaktan! Kaibigan ko lang sya."

Masama ko syang tinignan sa repleksyon ng salamin nang bigla rin syang tumingin sa salamin at mag tama ang mga tingin namin!

'Those eyes....'

He smirked. "Really? Good." Umayos s'ya ng tayo at inalis ang pagkakapatong ng mga kamay n'ya sa magkabilang braso ko nang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. "Let's go?" he smile.

'That smile...'

Napakurapkurap ako nang ilahad n'ya ang isang kamay n'ya mula sa likod ko!

"I'm an impatient person, Cathleya." dagdag n'ya na hindi inaalis ang ngiti.

Nanginginig man ang mga tuhod ko ay pinilit kong tumayo mula sa pagkakaupo at humarap sa kanya. Nakalahad pa rin ang isang kamay n'ya at nakangiti pa rin s'ya. His smile is sweet and seems genuine. It's making me nervous.

Tiningnan ko s'ya mula ulo hanggang paa. His hair is kinda wet but looks good on him. His biceps are flexing with his black tight tuxedo paired with black leather shoes. It suits him.

'That posture...'

He's handsome.

"Cathleya..." nabalik ako sa wisyo ng tawagin n'ya ako."Are you going to keep staring at me the whole night?"

Nanginginig kong Inabot ang kamay nyang nakalahad at hinawakan ang kanang side ng sumasayad kong gown para itinaas.

Nang maabot ko ang kamay n'ya ay agad nya iyon hinila at inilipat sa braso n'ya ang kamay ko.

Kindled Heartbeat || Completed || VileR4ven||Where stories live. Discover now