Chapter 53

1.4K 90 10
                                    

3rd Person's POV

"I-ito ba ang h-hindi n'ya g-gusto?!"

Hindi nakasagot si sisa. Napatakip s'ya ng bibig.

'Bakit? Bakit nya nagawa ito? Paano n'ya nagawa ito?!'

Dahan-dahang pumikit si Cathleya at saka nawalan ng malay. Nanginig si Sisa at hindi n'ya alam ang gagawin.

Dalawang beses humakbang paatras si Sisa bago patakbong lumabas ng kwartong iyon. Sinundan n'ya si Elias at naabutan n'ya itong hinihintay ang pagbukas ng elevator.

"Elias!"sigaw ni Sisa habang habol-habol ang hininga.

Hindi s'ya nilingon ni Elias. "What do you want?" walang mababakas na kahit anong emosyon sa boses ni Elias.

Nanginginig man at natatakot ay pinilit ni Sisa na tumayo ng tuwid at ipakitang hindi s'ya natatakot. Hindi agad sumagot si Sisa para bawiin ang pagka-kapos ng hiniga n'ya dahil sa pagtakbo.

"N-nasaan ang susi?!" pilit-nginig na tanong ni Sisa.

Hindi rin agad sumagot si Elias. Tanging ang mabibigat na paghinga lang ni Sisa ang maririnig. "Why do you ask?"

Dahil sa sagot na iyon ni Elias ay dumaga ang galit sa dibdib ni Sisa. "Hirap na hirap na s'ya! Bakit mo ba ginagawa ito?! Bakit ganon nalang ang pagpapahirap mo kay Miss Salvero?! Hindi ko alam kung ano ang kasalanan n'ya sa'yo at kung ano ang meron sa inyo p-pero..." tumigil si Sisa at bumuntong-hininga. "Wala kang karapatang gawin sa kanya 'yon, Elias." humakbang ng dalawang beses si Sisa papalapit kay Elias. Nakatalikod pa rin si Elias sa kanya. "Hindi ikaw ito...hindi gagawin ng Elias na kilala ko ang mga ganitong bagay. Elias, nakikiusap ako. Nakikiusap ako hindi bilang katulong..." mas humakbang pa Sisa papalapit kay Elias at dahan-dahang hinawakan ang kanang kamay ni Elias. "Nakikiusap ako bilang kaibigan mo, Elias. Ibigay mo sa akin ang susi..."

Bumukas ang elevator kaya inalis ni Elias ang nakahawak na kamay ni Sisa sa kamay n'ya. Pumasok si Elias sa elevator at humarap kay Sisa. May inilabas si Elias mula sa kanyang bulsa at itinapon kay Sisa. Nasalo naman iyon ni Sisa.

"Feed her. I'll be back tomorrow. Make sure that before I enter that room, she's back the way she was." Pinindot ni Elias ang isa sa mga button at saka nag sirado ang pinto ng elevator.

Naiwan si Sisa na nakatingin sa elevator. Binalingan n'ya ng tingin ang kamay n'yang may hawak ng kung anong itinapon sa kanya ni Elias. Nang buksan nya ang kamay nya ang susi iyon.

Napansin nya ring may dugo ang kamay n'yang inihawak n'ya sa kamay ni Elias.

Agad syang tumakbo pabalik sa kwartong pinagkadenahan kay Cathleya at agad na lumapit sa walang malay na dalaga saka sinusian ni Sisa ang kadena.

Parang lantang gulay na natumba si Cathleya nang maalis ang mga kamay n'ya sa kadena. Agad din naman syang nasalo ni Sisa.

Inihiga n'ya si Cathleya sa sahig at hinanap ang switch ng ilaw sa tabi ng pinto at Pinindot iyon. Agad namang nag liwanag ang buong kwarto.

Tanging ding-ding at isang maliit na kama ang makikita loob ng kwartong iyon.Walang ka-dise-disenyo ang kwartong iyon. Mababa ang ceiling at hindi din kalawakan.

Kinuha ni sisa ang first aid kit n'ya na naiwan n'ya sa harap ng pinto at tinungo si Cathleya. Agad nyang inilabas ang mga gagamitin nyang gamot para gamutin ang mga sugat ng dalaga.

Nang matapos nyang gamutin si Cathleya ay tinawagan n'ya si Arnold para magpatulong na buhatin si Cathleya at ilipat sa kamang nasa kwartong iyon.

Agad namang dumating si Arnold at binuhat si Cathleya pahiga sa kama. "Ano ba ang nangyayari sa mga Revas?! Masyado na silang wirdo." reklamo ni Arnold pagkalapag n'ya kay Cathleya sa kama.

Mahina naman syang pinalo ni Sisa at masamang tinignan. "H'wag ka na ngang magsalita d'yan! Baka magising mo si Miss Salvero, eh. Kailangan n'ya pang mag pahinga." bulong ni Sisa habang inaayos ang kumot sa katawan ni Cathleya. Umupo si Arnold sa gilid ng kama kaya agad syang pinalo ulit ni Sisa. "Ikaw, napaka ano mo talaga! Ang liit-liit na nga ng kama tapos uupuan mo pa. Doon ka! Doon!" dagdag na bulong ni Sisa sabay turo sa gilid ng kwarto.

Sumimangot naman si Arnold at lumipat sa kabilang side ng kama. "Ang sama talaga naman ng ugali mo sa akin." parang batang bulong ni Arnold.

"Mahal kita, eh."

Agad na nagbago ang ekspresyon ni Arnold at gulat na tumingin kay Sisa. "A-anong sabi mo?"

Mahinang natawa si Sisa "Umakyat ka na roon. Baka hanapin ka."

Rap-Rap's POV

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa labas.

'Nice, walang tao!'

Lumabas ako at luminga-linga. Hindi ko alam kung saan pupunta dahil parehong mahahaba ang pasilyo sa magkabilang banda.

'Nakakaurat naman kasi ang laki ng bahay na'to sa laki!'

Sa kaliwang pasilyo ako dumaan. Inililibot ko ang tingin ko habang naglalakad.

Noong sundaan ko sila Kasandra at yung lalaking bumuhat sa kanya ay may mga lalaking dumampot sa akin at dinala ako sa malaking kwarto na iyon.

'Mga wala silang utak. Nakalimutan nilang i-lock yung pinto kaya madali akong naka labas.'

Natatawa ako habang naglalakad. Kita ko mula sa matataas na bintana na gabing-gabi na talaga.

"Ouch!" nawala ang atensyon ko ssa mg bintana nang may nakabangga sakin. "Why are you not looking sa way mo?!" malakas na dagdag nung babaeng nakabangga sakin.

Nangunot ang noo akong tumingin sa kanya. "Luh. Gagi ka ba?! Ikaw na nga ang nakabangga sa akin tapos ikaw pa ang may ganang sigawan ako?!"  malakas ding sigaw ko sa kanya.

Parang hindi makapaniwala syang suminghal. "Ha! Who do you think you are ba?! Ha?--"

"Hotdog."

Nagsimulang mamula na ang mukha n'ya. "W-what?!"

"What-what'in mo mukha mo. D'yan ka na nga!" Nag tuloy ako sa paglalakad at iniwan s'ya.

'Baliw na babaeng yon. S'ya pa ang may ganang magalit eh sya na nga ang nakabangga!'

"Pero ang ganda n'ya." iiling-iling ako natatawa.

Kindled Heartbeat || Completed || VileR4ven||Where stories live. Discover now