Chapter 76

1.5K 87 22
                                    

Cathleya's POV

Naalimpungatan ako nang maramdaman ang mainit na kung anong dumidikit sa katawan ko. Ramdam ko rin ang kamay na nakapatong sa bewang ko.

Marahan kong iminulat ang mga mata ko at agad nangunot ang noo ko nang sumalubong sa akin ang maputi at maskuladong dibdib. Nakapatong ang ulo ko sa braso n'ya habang ang kamay naman n'ya ay nakapatong sa bewang ko.

Ramdam ko ang mainit nyang hininga na tumatama sa noo ko. Hindi ko man kita ay kilala ko na kung sino ang nakayakap sa akin na ito.

Si Elias!

Marahan kong inalis ang kamay nyang nakapatong sa bewang ko. Tatayo na dapat ako nang bigla nyang hawakan ang bewang ko at muling ihiga ang ulo ko sa braso n'ya, dahilan upang mapasubsob ulit ako sa dibdib n'ya. "E-Elias..." Hindi ako makagalaw dahil humigpit ang pagkakayakap n'ya sa balikat ko. Inangat ko ang tingin ko para makita ang mukha n'ya.

'His eyes are closed as if he is sleeping."

Sinubukan kong alisin ang kamay n'ya sa bewang ko pero hindi ko kinaya. Mas pumupulupot ang kamay n'ya kaya mas dumidikit ang katawan ko sa katawan."E-Elias, umaga na..."

"Shh, let me sleep for a while. I didn't have a good sleep last night."

'Yun ba yung pag-iyak n'ya kagabi? Did he cry the whole night?'

"Let me go at least." Sinubukan kong umalis ulit pero hindi ko kaya ang lakas n'ya.

"You'll stay or I'll make you stay?" I hopelessly rolled my eyes.

Hinayaan ko syang matulog at yakapin ako ng ilang minuto. Dahil hindi ako makaalis ay sinuri ko nalang ang katawan n'ya at ang mga small details ng face features n'ya.

Naka-top less sya at suot ang black silk pajamas n'ya. Ang bango at ang fresh din n'ya. Mainit at matigas naman ang katawan n'ya.

Nilibot ko ang tingin sa dibdib n'ya paakyat sa mga balikat n'ya. Napansin kong may peklat sya sa kaliwang balikat na sa tingin ko ay dahil sa kutsilyo. Pahaba ang peklat at nasa mga three inches ang haba. Gusto kong hawakan iyong pero baka magising s'ya at sabihin pinagpapantasyahan ko s'ya.

Umakyat ang tingin ko sa mukha n'ya. Napalunok ako dahil sa tulog nyang mukha. Mukha syang literal na anghel na nakikita ko sa mga sine. Sobrang nakaka-amaze ang kagwapuhan n'ya. Walang kahit anong mababakas na peklat o kahit pimple man lang.

'What soap is he using? Magamit nga rin, baka sakaling mas gumanda pa ako.'

Bumaba ang tingin ko sa leeg n'ya.

'Shit, I want to mark his neck. Ang kinis.'

Nabalik ako sa wisyo nang bahagya syang lumunok. Ibinalik ko ang tingin ko sa dibdib n'ya at sinubukang ipikit ang mga mata ko.

Ilang minuto akong pumikit pero hindi talaga ako makatulog. Maya-maya pa ay may biglang tumunog na cellphone. Agad na ngunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung saan galing ang tunog.

"Who the fuck is calling at this early morning?!" Napapikit ako dahil sa mukhang galit ang tono ng boses n'ya.

Nagkunwari akong tulog. Lumuwag ang pagkakayakap n'ya sa bewang ko at marahang inilipat ang ulo ko sa unan. Naramadaman ko ang pag-upo n'ya sa gilid ng kama at pagtalikod n'ya sa akin. Bahagya kong binuksan ang mga mata ko.

Kinuha n'ya ang cellphone n'yang tumutunog sa side table na katabi n'ya. Nagsalubong ang mga kilay ko dahil doon.

'The eff? Paanong hindi ko nakita ang Cellphone n'ya? Shit! Chance ko nang matawagan si Yaya Selma, eh!'

Kindled Heartbeat || Completed || VileR4ven||Where stories live. Discover now