Chapter 20

2K 118 12
                                    

Napabalikwas si Sisa at napabangon. Tumalikod s'ya sa nakahigang binata habang hawak-hawak ang kumakalabog n'yang dibdib, kagat-kagat ang ibabang labi dahil sa kaba. Namamawis na rin ang mga palad n'ya.

'Narinig n'ya ba ang mga sinabi ko? Paano kung narinig nga n'ya? Kasi naman eh!'

"W-water..." Nalingon ni Sisa ang kanyang kagigising palang na amo.

Agad na kumilos si Sisa para kumuha ng tubig. Inalalayan nyang umupo si Elizar saka pinainom. Muli na naman nyang naramdaman ang kuryenteng dumaloy sa buong katawan n'ya nang mahawakan ni Elizar ang kamay niyang na nakahawak sa baso.

Pinapainom ni Sisa si Elizar habang ang mga kamay naman ni Elizar ay nakabalot sa kamay ni Sisa na nakahawak sa baso. Uhaw na uhaw si Elizar kaya hindi na nya napansin ang pagkakahawak n'ya sa kamay ni Sisa. Nakatitig lamang si Sisa sa amo n'yang hindi na namamalayan ang ginagawa.

Nang matapos uminom ni Elizar ay inalis n'ya ang pagkakahawak sa kamay ni Sisa at bahagya iyong itinulak. "K-kamusta po kayo, Boss." Nanginginig na tanong ni Sisa.

Nakakunot noong tumingin si Elizar kay Sisa. "How many times do I have to tell you that you don't have to call me 'boss'? I'm only five years older than you."

Napayuko si Sisa dahil doon "S-sorry po"

"And that 'po and opo'  thing! drop that!"

"Mas matanda kayo sa a-akin at amo ko p-po kayo." Nakayukong sabi ni Sisa.

"If I tell you to stop doing something, you must stop doing it, you understand me?"

"Opo--S-sorry..."

"You're always saying sorry...tss..." Naiinis na inalis ni Elizar ang tingin kay Sisa. "T-thank you...by the way.."

Naiangat ni Sisa ang tingin n'ya. "P-po?"

Galit na namang tumingin si Elizar kay Sisa "I told you to stop that!" Parang batang maktol ni Elizar sabay mahinang hampas sa kama. Mahinang natawa si sisa dahil sa inasta ni Elizar. "What?" Dagdag ni Elizar.

"Ang cute mo." Nanlaki ang mga mata ni Sisa dahil hindi n'ya inakalang masasabi n'ya iyon! Sa harap pa ni Elizar.

Namumulang inalis ni Elizar ang tingin kay Sisa. "A-as I was saying, thank you for taking care of me. For always taking care of me."

Napatungo si Sisa dahil sa narinig n'ya. She felt the butterflies inside of her stomach. "W-walang anuman...ginagampanan ko lamang ang tungkulin ko sa iyo." Nahihiyang sagot ni Sisa.

Elizar cleared his throat "Go get my breakfast." Hindi na sumagot Sisa at tumalikod nalang.

Maglalakad na sana s'ya nang maramdaman nyang may humila sa palapulsuhan n'ya. Tumingin s'ya sa pupulsuhan n'ya at kamay ni Elizar ang nakita n'ya. Binalingan n'ya ng tingin si Elizar na nakatingin din pala sa kanya. Malakas na kumalabog ang dibdib n'ya nang magtama ang mga tingin nila.

Naningas ang katawan n'ya dahil sa muli na namang dumaloy ang kuryenteng lagi nyang nararamdaman sa tuwing hahawakan n'ya o hahawakan s'ya ni Elizar. "Get your breakfast as well," Hindi inalis ni Elizar ang tingin n'ya sa mga mata ni Sisa kaya hindi rin maalis ni Sisa ang tingin n'ya sa mga mata ni Elizar. "Let's eat together."


Elias' POV

"How was your mission?" Dad asked.

"Everything's going well. It's all under my control." I looked at him coldly. "She's now under my control."

Dad smirked "Good. I'm counting on you, Elias."


***

Please support my story(ies) by recommending it and commenting your thoughts! Thank you! Your read alone is very much appreciated!

Kindled Heartbeat || Completed || VileR4ven||Where stories live. Discover now