Chapter 46

1.5K 78 6
                                    

3rd PERSON'S POV

Kate grab her phone and dialed Elizar's phone number. "Babe, can you come over?"

Nangunot ang noo ni Sisa habang isinusuot ang pang limang dress na ipinasuot sa kanya ni Kate.

"Yes. At my room. Yes. like, right now... Okie dokie!" itinapon ni Kate ang cellphone n'ya sa kama at tumingin kay Sisa. "I can't decide, eh. Kaya I called him. Is that okay lang ba sa'yo?"

Umiling si Sisa. "P-pwede namang tayo lang--"

"But why?! You know, it's a good chance para ma broke yung awkwardness na nafi-feel mo whenever he's around."

"Pero ang sabi mo ay iwasan ko--"

Lumapit si Kate kay Sisa at tumulong sa pag ayos ng suot ni Sisa "Sisa, you just need to show him that you don't have feelings for him. In that way, he can stop giving signs and you can start forgetting and vanishing your feelings towards him. You get me?" pinatalikod ni Kate si Sisa at hinarap sa salamin. "You are gorgeous and kind and sweet and everything! See your value. Elizar is not worth it for your love. Ako na ang nagasasabi sa'yo, Sisa. You both are no good for each." bumakas ang lungkot sa mukha ni Sisa "Please bear that in mind--"

Hindi pa man natatapos magsalita si Kate nang may kumatok. "Ohh! He's here na! Wait here Sisa, okay?" tumango si Sisa kahit bagsak ang mga balikat n'ya.

'You both are no good for each other.'

Bumuntong-hininga ulit si Sisa.

'Tama ang lahat ng sinabi ni Kate. Walang maidudulot na maganda ang kung ano mang nararamdaman ko.'

"Sit there, Babe! Sisa, turn around!" masayang utos ni Kate.

Mula sa repleksyon ng salamin ay kitang-kita ni sisa kung paano titigan ni Elizar ang likod n'ya. Black backless and sleeveless dress ang suot n'ya. Hanggang tuhod ang dress kaya kitang-kita ang mapuputi nyang binti. Nakatali ang kulot na buhok ni Sisa kaya lantad na lantad ang likod n'ya.

Nakaupo si Elizar sa gilid ng kama at tutok sa kanya.

Huminga nang malalim si Sisa at saka nilakasan ang loob. She slowly turns around.

Nang makita nila Kate at Elizar ang kabuoan ni Sisa ay parang may dumaang anghel at biglang natahimik ang dalawa. Pareho silang nakatingin sa nakatayong si Sisa.

Punong-puno ng excitement at pagkamangha ang mga mata ni Kate habang hindi mabasa ang ekspresyon ng mukha ni Elizar.  "What do you think, babe?" Kate ask. Hindi sumagot si Elizar at nanatiling nakatingin kay Sisa. "Does it look nice ba--"

"You're always surprising me, Sisa." hindi naituloy ni Kate ang sasabihin nya dahil sa bulong ni Elizar.

Natahimik si Kate at hindi nakapag salita. Si sisa naman ay walang nagbago sa ekspresyon ng mukha n'ya. Pinipilit nyang walang magbago. Gusto nyang ngumiti dahil sa sinabing iyon ni Elizar pero hindi pwede.

"Salamat." Normal at walang kahit anong saya ang mababakas sa salitang iyon ni Sisa.

Bahagyang nagulat si Elizar sa naging sagot na iyon ni Sisa. Wala kang mababasang kung ano sa naging sagot ni Sisa. Masyado iyong casual para kay Elizar. At hindi s'ya sanay na gaanong pagsagot ng dalaga.

Ilang minutong katahimikan ang namayani bago lapitan ni Kate si Sisa at nakangiting tumingin kay Elizar. "What do you think, babe? Will this dress look good on me?" nakangiting tanong ni Kate.

Natauhan si Elizar at ibinaling ang tingin kay Kate. "Y-yes, i-it will..."

"Good! There's a three more dresses pa! Sisa, please remove that dress and wear this." kumuha ng isang hanger si Kate sa loob ng malaking aparador at ibinigay kay Sisa.

Agad naman iyong kinuha ni Sisa at tinalikuran sila.

Pahakbang na sana si Sisa nang biglang marinig n'ya ang halinghing ni Elizar. Nilingon n'ya iyon at nakahawak na sa ulo si Elizar na para bang sumasakit iyon. Sumalubong ang mga kilay ni Sisa at akmang lalapitan si Elizar ngunit naunahan s'ya ni Kate.

"Babe, are you okay?" pilit na inaalis ni Kate ang kamay ni Elizar na nakahawak sa ulo. "What is happening to you? Sisa, call someone--"

"No!" Natigil si Kate dahil sa sigaw na iyon ni Elizar! "W-what time is it?"

Tiningnan ni Kate ang wall clock "it's 6:54 pm already---"

"Fuck! You should have told me!" agad na tumayo si Elizar at tumakbo palabas ng kwarto.

Agad syang sinundan nila Kate at Sisa palabas ngunit nang pareho silang makalabas at makita si Elizar ay nilingon sila ng binata nang may malademonyong ekspresyon.

"Wag n'yo akong sundan..." mahina lang ang pagkakasabing iyon ni Elizar pero dinig na dinig nila Kate at Sisa.

Cathleya's POV

"Ano ba yang nilalagay mo?! Hoy, Gagi, lipstick ba yan?! Hindi ako bakla! Ayoko nyan!" Malakas na reklamo ni Rap-Rap na katabi ko.

Pareho kaming nilalagyan ng make up. Naka suot ako ng black fitted gown. Si Rap-Rap naman ay naka black suit.

Hanggang ngayon ay naguguluhan pa din ako sa mga nangyayari at hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko.

'Dinner?! Para saan ang dinner?!'

Mas lalo akong kinakabahan dahil sa mga nangyayari. Hindi ko alam ang mga susunod na mangyayari. Hindi ko mabasa ang mga gagawin at ginagawa nila.

'Bakit may ganito?!'

Hindi ito ang ine-expect kong madadatnan. Naguguluhan ako! Sobrang naguguluhan! Naikuyom ko ang mga kamay ko!

'Kailangan mong maging handa, Cathleya.'

Luminga-linga ako sa paligid ko.

'Kung may mahahanap lang sana akong maliit at matulis na bagay'.

"Please stay still, Miss." nabalik ako sa ulirat nang mahinang ibalik ng make up artist ang tingin ko sa kaharap kong salamin.

Inilibot ko ang mga mata ko. Napangiti ako nang may makita akong maliit na make up brush.

'Matulis ang kabilang parte ng brush at maliit din! Pwede na!'

Hinintay kong mahawi ang tingin nung make up artist sa mga gamit n'ya bago dahan-dahang iginapang ang kamay papunta sa maliit na brush na nakapatong sa kaharap kong lamesa.

Nang mahawakan ko iyon ay dahan-dahang inalis ko ang kamay ko sa lamesa.

Nanlaki ang mga mata ko nang may biglang humawak sa kamay ko. Tumingin ako sa kaharap kong salamin at mas nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nasa likod ko.

"What are you trying to do, Darling??" his voice is still the same!

"E-Elias..."

Kindled Heartbeat || Completed || VileR4ven||Where stories live. Discover now