Chapter 36

1.6K 103 8
                                    

Cathleya's POV

"Ate, tara na!" Malakas na sigaw sakin ni Kiko.

Kararating lang nila Nanay Maria at tanghali na. Mabuti at hindi nila kami naabutan ni Kiano. Mangunguha kami nila Kiko at Kiano ng tahong na ibebenta sa bayan mamayang hapon.

Ganito na ang routine namin sa araw-araw. Sa umaga ay mag-iigib ng tubig mula sa talon. Sa tanghali ay mangunguha ng tahon. At sa hapon ay magbebenta ng tahong sa bayan. Mas marami kasing tao kapag hapon. Eksaktong pagdating namin sa bahay ay pagabi na.

"Sandali!" Nagmamadali kong sagot habang isinusuot ang tsinelas ko.

Lumabas na ako at nadatnan ko si Kiko at Kiano na maghihintay sa labas ng pinto.

"Wag ka nalang kayang sumama, Kasandra? Masyadong tirik ang araw ngayon. Sa ibang araw ka na." Bungad ni Kiano sa akin.

Binalingan ko s'ya ng tingin kaya agad na nagtama ang mga mata namin.

Nginitian ko s'ya. "Sasama ako." Tipid kong sagot.

Hindi s'ya sumagot at tumitig lang sa akin. Hindi ako nagpadaig sa pagtitig n'ya.

"Aalis ba kayo o hindi? Naku, sabi ko naman kasi sa inyong bukas na kayo manguha at sobrang init ng araw. Kiko, wag ka nang sumama, pati ikaw, Kasandra. Napaka init oh." Sabay-sabay kaming tumingin kay Nanay Maria na nakasilip sa pinto.

"Nay, gusto kong sumama, eh! Ikaw ate kasandra ang wag sumama. Di ba po mahihina ang mga babae? Baka mapano ka pa po doon dahil sa init. Kami nalang po ni Kuya Kiano kasi mga lalaki kami." Natawa ako sa pagiging maangas ng boses n'ya. Bata pa lang ay kakikitaan na ng katapangan.

'I envy him.'

Tumingin ako kay Kiko at ginulo ang buhok nito."Babae man ako ngunit kaya ko ring gawin lahat ng ginagawa ng mga lalaki."

"Oh, s'ya. Bago pa kayo mag-away, Kiko, ikaw na ang wag sumama. Lagi ka rin namang sumama. Kiano at Kasandra, humayo na kayo....Oh, eto nga pala, tubig." Inabot sa akin ni Nanay Maria ang maliit na galon na may lamang tubig.

"Salamat po." Baling ko kay Nanay Maria.

"Tara na." Nabaling ang tingin ko kay Kiano.

Tumango ako at sumunod na sa ka'nya. Naririnig ko pa ang pagmamaktol ni Kiko dahilan para medyo matawa ako. Sumakay kami sa isang maliit na bangka. Ito yung bangkang sinakyan namin nung nahanap ako nila Kiano. Ilang beses na akong nakakasakay dito kaya medyo nasasanay na.

"Doon din ba tayo sa isla de Paraiso?" Tanong ko.

Nagsimulang magsagwan si Kiano. "Sa Antalia tayo. Wala gaanong tao roon ngayon dahil Lunes. Lunes at Huwebes ang araw ng pangunguha namin ng tahong sa Antalia."

Tumango-tango ako at hindi na sumagot. Nagpatuloy sa pagsagwan si Kiano. Tuluyan na kaming nakakalayo sa pang-pang. Mabilis ang pagsagwan ni Kiano kaya mabilis din kaming nakalayo.

'Kaya naman pala magaling bumayo. Nahasa na.'

Napangiti ako. Nababaliw na ako.

"Bakit?" natapon kay Kiano ang tingin ko.

"Ha?"

"Bakit napapangiti ka? Anong nasa isip mo?"

Mas napangiti ako. "Naalala ko lang yung ginawa natin kaninang umaga."

Agad syang napa-iwas  ng tingin. Napalunok s'ya at namula.

"K-kailangan pa ba n-nating pag usapan yan?"

Kindled Heartbeat || Completed || VileR4ven||Where stories live. Discover now