Chapter 82

1.2K 83 29
                                    

09 hours before the ball.

[11:01 am]

3rd Person's POV

"Sisa, where you na?! Oh my God, Oh my God! I'm so freaking excited! This is the day!! Yiee!!" Hindi mapigilang mailayo ni Sisa ang cellphone n'ya dahil sa mga tili ni Kate sa kabilang linya.

"Paakyat na ako sa kwarto mo. Hinatid ko lang ang pagkain nila Boss Elijah at chineck lahat ng dapat icheck para sa ball."

"Okay, okay! Faster!"

Ibinaba ni Kate ang tawag kaya itinago na ni Sisa ang cellphone n'ya. Hindi pang-katulong ang suot n'ya dahil bukod kay Elizar ay sinabihan din s'ya ni Elkhart na dumalo sa grand ball at isiping day off n'ya ang dalawang gabing iyon.

Nang marating ni Sisa ang kwarto ni Kate ay kumatok muna s'ya bago pumasok. Hindi pa man s'ya nakakapasok nang tuluyan ay mabilis s'yang hinila ni Kate at itinapat ang mga gown at dresses na napili ng dalaga sa katawan ni Sisa. "Oh my God. You look stunning on this." Isang dress na naman ang itinapat n'ya sa katawan ni Sisa. "But you look good in this too--Ugh! How can you be so beautiful in every dresses and gowns that I chose?!" Umikot ang mga mata ni Kate at itinapon sa kanyang kama ang mga gown at dress na kanina'y hawak n'ya.

Tinungo n'ya ang closet n'ya at naghalungkat.

Mahinang natawa si Sisa dahil bakas na bakas ang excitement kay Kate. "Kumalma ka kasi muna."

"How can I? Hours from now ay magsisimula na ang ball." Naupo sila sa kama. Nilingon ni Kate si Sisa at hinawakan sa magkabilang braso. "God, what if may mas maganda sa akin doon? Mas maganda sa atin. Hell no! Hindi ako papayag!"

"Mga business man and woman, board members, and group members ang mga dadalo. Kung may mga dalaga man na kasing edad natin ay hindi pa rin nila matatalbugan ang ganda mo. At saka eight pm pa na naman ang dating ng mga bisita, eh. Kumalma ka lang. "

Napabuntong-hininga si Kate. "What if may mas magandang makita si Elizar doon? I'm scared na baka--you know?" Nakangusong tanong ni Kate na bumagsak ang mga balikat.

Napalunok si Sisa at napa-iwas ng tingin. "H-hindi naman siguro..."

"How can you be so sure?" Nalingon ni Sisa ang dalaga at mas kumabog ang dibdib n'ya nang makitang nakatingin din sa kanya si Kate.

"K-kase ano...uhmm..."

"What's the problem, Sisa?" Sumasalubong na ang mga kilay ni Kate. "Sisa?" Namamawis ang mga kamay ni Sisa sa kaba. "Are you okay?" Salubong na talaga ang mga kilay ni Kate. "Sisa, I'm asking you--"

"Hindi ganong klaseng lalaki si Elizar!" Natahimik si Kate dahil medyo pasigaw ang pagkakasabing iyon ni Sisa. "O-Oo...kasi h-hindi ganoong klaseng lalaki si Elizar."

Sandaling tinitigan ni Kate si Sisa bago bumuntong-hininga at bumalik ang ekspresyon ng mukha. "Yeah, you're right. He will meet a gorgeous woman but he won't trade our three years and five months relationship with any woman on this planet. So I better trust him."

Nakaramdam ng matinding kalungkutan si Sisa. Ilang araw nang walang paramdam ang binata sa kanya. Kahit alam n'yang may inaasikaso si Elizar ay hindi pa rin nawawala ang pangaba sa dibdib n'ya.

Muling tumayo si Kate at kalamadong naghalukat sa closet n'ya.

"K-kamusta na pala s'ya? Ilang araw ko na s'yang di nakikita." Kahit alam ni Sisa na may ginagawa si Elizar ay gusto pa rin n'yang malaman ang side ni Kate.

Kindled Heartbeat || Completed || VileR4ven||Where stories live. Discover now