Chapter 96

1.2K 71 57
                                    

Kiano's POV

Nang maka-uwi ang lahat ng bisita ay sumakay kami ni Elkhart sa isang yate. Kasunod namin ang dalawang yate na lulan ang iilang mga tauhan nya.

"Saan tayo pupunta?" Nalilitong tanong ko kay Elkhart na kalmadong naka-upo. Nasa loob kami ng kwarto ng yateng sinasakyan namin. Maya-maya pa ay nagsimulang umandar ang yate. "B-bakit--anong nangyayari?!"

Binalingan nya ako ng tingin at ngumisi. Naka de kwatro syang may hawak na baso ng alak. "Are you nervous?" Nangunot ang noo ko sa tono ng boses nya. Parang walang nangyayari. Napaka kalmado nya. "Sit." Turo nya sa sofang kaharap nya. 

May dalawang magkaharap na hindi kalakihang sofa na may maliit na lamesa sa gitna. Nasa tabi ng bintanang sofa naka-upo si Elkhart. Katabi ng mga sofa ay may kalakihang kama. Para talaga itong kwarto sa isang bahay.

Umupo ako sa kaharap nyang sofa nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "A-ano ba t-talaga ang nangyayari? Nasaan sila Elias at Kas--C-Cathleya?!"

"What's your thing with her?" Natigil ako sa tanong nya. "Hindi ako tanga para hindi mapansin, Anak." Naiyukom ko ang mga kamay ko dahil sa itinawag nya sa akin. "You like her, don't you?" Hindi ako sumagot at umiwas ng tingin. Mahina syang tumawa. "You can have her."

Mabilis ko syang nalingon. Nilalagyan nya ng alak ang basong hawak nya. "Hindi--"

"You can pretend, but you can't lie. From the way she look at you when we had dinner  to when she lost her baby. Akala mo ba ay hindi ko alam na sa kwarto ka nya dinala ni Sisa?" Nanigas ang buong katawan ko. Hindi ako makasagot. "I know there's something going on between the two of you." Nagkaroon ng panandaliang katahimikan. "But don't worry, wala akong tutol sa kung ano man iyon." Inilapag nya ang baso nya at ipinatong ang magkabilang braso sa mga kamay ng sofa saka sumandal. "In fact, tutulungan pa kitang makuha sya."

"Anong sinasabi mo? W-wala akong gusto kay Cathleya."

Humigop sya ng alak sa basong hawak nya. "So, you like Ms. Salvero?"

"Hindi--"

"I didn't mention her name but you assume that she is what I'm talking about." Tinitigan nya ako sa mga mata. "You can't lie to me, Elijah."

Napalunok ako. Malakas na kumakabog ang dibdib ko. Naguguluhan ako. Biglang sumagi sa isip ko ang nakangiting mukha ni Kasandra nung unang gabi ng ball. Matamis ang ngiti nyang kabulungan si Elias at naglalakad sa gitna ng hawi ng mga tao. Napakagat ako ng ibabang labi. Mabilis na pumalit ang ekspresyon ng mukha nya nung ihatid ko sya pababa ng entablado at lingunin nya ako. Walang bahid ng kahit anong saya sa tingin nya nun. Napabuntong-hininga ako.

"Inaamin ko, may gusto ako sa kanya."

"Of cour--"

"Pero hindi ko kailangan ng tulong mo. Hindi porque may gusto ako sa kanya ay dapat magustuhan nya na rin ako. Oo, gusto ko sya--hindi, mahal ko sya. Pero kung saan sya masaya ay...susuportahan ko sya."

Mabilis na nawala ang ngiti sa mukha nya. "Stupid. I can't believe na anak kita. The only thing you got from me is your looks. Such a waste."

Napangiti ako sa loob-loob ko. 

'Mabuti at hindi ko nakuha ang ugaling meron ka. Sagad hanggang buto ang kasamaan mo.'

"Anyway," Nabaling sa kanya ang tingin ko. "You will receive your first and last mission tonight."

Nangunot ang noo ko. "Anong misyon ang sinasabi mo? Ayoko!"

"Well, you have no choice. Nakasalalay sa misyong ito ang buhay ng nanay mo at ang kapatid mong si...Kiko."

Kindled Heartbeat || Completed || VileR4ven||Where stories live. Discover now