CHAPTER 1 - KEN't Be With You Today

180 12 2
                                    


CHAPTER 1

KEN't Be With You Today

"KANINA pa kita hinihintay. Pa-VIP ka, girl?" nakangiwing bungad ni Raihana sa akin pagkalabas ko pa lamang ng bahay. Ikinandado ko ang gate bago siya hinarap. As usual, nakasandal na naman siya sa kanyang kotse habang naghihintay sa akin.

"Sorry, napa-tanghali ang gising," paumanhin ko at nagpeace-sign.

"Let's go, Mavi. Fire Breathing Rubber Duckies are waiting for us." Kapwa kami sumakay sa loob ng sasakyan na kanina pa pala buhay ang makina. Nagsimula na siyang magmaneho. Inihilig ko ang aking ulo sa salaming bintana, pinagmamasdan ang nadaraanang pine trees sa tabi ng kalsada.

"New painted fences, huh," komento niya na ang tinutukoy ay ang gate at bakuran ng bahay namin na bagong pintura na ngayon. Noong unang lipat ko roon, halos matuklap na ang kulay berdeng pintura nito. Isang taon pa lang ang lumilipas nang magdesisyon akong manatili rito. Naisipan kong i-pa-renovate ang loob pati na rin kulayan muli ang bandang labas. Sayang naman kasi ang ipundar ng mga magulang ko kung hindi ko rin lang ipapaayos muli.

"I bet you hired a talented painter for that," dagdag pa niya kaya medyo natawa ako at umayos nang upo.

"What if I say, I was the one who painted that and someone just helped me mix the paint colors?" taas-baba ang kilay na bwelta ko. Halos mabali ang leeg niya para lang makalingon sa akin kahit nagda-drive.

"What? Kailan ka pa naging artistic?" hindi niya makapaniwalang tanong. Hindi pa rin ako sumagot at humagalpak na lamang ng tawa.

"And who the fudge is your apprentice, Maria Aviva?" Sinamaan ko siya ng tingin nang banggitin ang totoo kong pangalan.

"Bonagua helped me," tipid kong sagot dahilan para lumabas ang pilyo niyang ngiti sa mga labi. Umiling-iling siya.

"That's good. At least, he know now how to color your life," she mumbled that made my eyebrows furrowed.

"Funny, Raihana." I heard her chuckled that made me roll my eyes in irritation.

"So, what's the plan today?" I asked her. Binuksan niya ang stereo ng kotse at bumungad ang awitin ng Jonas Brothers na Don't Charge Me for the Crime. Nakakabahala ang lyrics nito. Nakakainis.

"The plan was to meet the Rubber Duckies," aniya at iniliko ang sasakyan sa kabilang direksyon kung saan mas malalago ang Pine Trees.

"That's all?" tanong ko pa at parang may dapat pa siyang sabihin na gusto kong marinig. Hindi kasi ako kumbinsido sa naging sagot niya. Bakas sa kanyang boses ang kakaibang tono. Parang may mali.

"Why would we meet each other in the first place today? We all know that our squad is always busy during weekdays. You forget that today is Sunday," sambit ko pa. Nakakapagtakang magpapatawag siya ngayon ng meet up para sa amin. Maui, Ryan, Makoy, Ken, Via, Rai, Cherus Ann and I - we respect each other's rest day. No until Raihana called for a meeting this week.

Matagal siya bago nakasagot. Binagalan pa niya ang pagmamaneho. Napabuga siya ng hangin pagkuwa'y nagsalita.

"I already called them too last night and they will come today. Except from Ken," she answered in a serious tone of voice. My lips parted as I heard his name.

"What about him?"

"Mavi, we need to help him." Tinamaan ako ng kaba nang sabihin niya iyon.

"W-Why? What happened to him?"

Bago pa siya makasagot, pinatay na niya ang stereo at ipinarada na ang kotse sa tapat ng isang maliit na ancestral home. Naningkit ang mga mata ko. Bahay ito ni Maui.

"Raihana? What's going on?" naguguluhan kong usisa dahil naririnig ko na ang mga boses ng iba pa naming kaibigan rito pa lamang sa tapat ng bukas na gate.

"I'll tell you later. For now, let's join the others," halos pabulong niyang giit bago pinatay ang makina.

"There you are, guys. Welcome to my hacienda!" Nakadipa ang mga kamay nang batiin kami ni Maui. Agad siyang nakatanggap ng sapak mula kay Ryan na sumunod pala sa labas para salubungin rin kami.

"Nakakarami ka na, Ryan, a. Hindi ko naman aagawin sa 'yo si Mavi. Maghunos-dili ka!" nakangiwi niyang reklamo at umatras sa amin habang nakataas ang dalawang kamay bilang pagsuko.

"Hayup ka. Mavi, huwag kang maniwala d'yan!" angal ni Ryan.

Pero wala akong panahon para sa mga biro nila ngayon. Sa halip, iwinakli ko ang mga braso nila at dire-diretsong pumasok sa bahay ni Maui. May tao akong gustong makita. Gusto ko lang makumpirma kung hindi nga talaga siya pupunta rito ngayong Linggo.

"Hey, Mavi," narinig kong bati ni Cherus Ann at Via. Iginala ko ang aking paningin sa sala. Hindi pa ako nakontento at sumilip pa sa may bandang kusina pero wala siya. Si Makoy lang ang naabutan ko roon na abala sa pagkain at hindi man lang ako napansin.

"Anong hinahanap mo?" tanong ni Ryan na sumunod na pala sa akin.

"Where's Ken?" Nababahala na ako. "Where is he?"

"He won't attend this meeting." Si Cherus Ann ang sumagot at tumayo mula sa pagkakaupo.

"Or let's just say, he can't attend today," gatong ni Via na halos pabulong na kung sumagot. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang lahat.

"Why? May nangyari ba sa kanya? Tell me," nag-aalala ko pang tanong pero walang sumagot. Kaya pala ni isang beses nitong mga nakaraang buwan, wala siyang paramdam sa amin. May kakaiba na palang nagaganap at hindi ko man lang iyon alam.

"Mavi, just please let us explain. But before that, help us close all the doors and windows. I think someone is watching us from outside," ani Raihana na balisa na sa kinatatayuan at malilikot na ang mga mata. Sa hindi malamang dahilan, kusa silang kumilos para isara ang bawat pinto at bintana. Nanatili ako sa kinatatayuan ko.

"What the hell are you doing? Are you being paranoid? Guys, alas nuebe pa lang ng umaga para umakto ng ganyan. Are you afraid that the fucking serial killer might hear us? O c'mon!" I shouted.

"No, Mavi. Hindi mo kami naiintindihan. Ken is in danger right now and he just received a death card. We need to protect him. We need to protect each other." Dahil sa sinabi ni Raihana ay napalunok-laway ako at parang bumagal ang tibok ng puso.

"She's telling the truth. Ken Rapana was in the list of his soon-to-be victims. We're so afraid to tell you the truth because among the rubber duckies, you are the brave one. We're very sure you'll do everything by yourself. But Mavi, you can't handle this all alone so we need to do this together. All we have to do is to talk about how we gonna protect each other from that unknown murderer, especially him."

"I'm worried, guys. Ken chatted me a while ago that his death is coming," halos maiyak na pagbabalita ni Via. Hindi ko mapigilang manghina ang mga tuhod.

"W-Where is he now?" my voice cracked. Bonagua stood beside me and held my hand tight.

"He's in his parent's house. Hindi na siya lumalabas ng bahay mula noong isang buwan simula nang malaman namin iyon. He's so scared for his dear life. We need to take action now."

Walang sumagot ni isa sa amin matapos iyong sabihin ni Maui. Dahil naramdaman ko nang nanghihina na ang aking mga tuhod, napaupo na ako sa sofa at binitawan ang kamay ni Ryan. Sobrang nalulunod na ako sa mga iniisip ko. Paano si Ken? Paano na ang mga kaibigan ko?

***

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon