CHAPTER 18 - Entangled

58 10 2
                                    

CHAPTER 18

Entangled Again

MASYADO nang madilim nang marating namin ang park na tinutukoy ko kay JC. Wala nang tao. Napakatahimik ng paligid. Ayaw paawat ng pagkabog ng puso ko dahil sa napakadaming bagay na sumasagi sa aking isip.

Ilang oras na lang at alam kong darating na ang tatay ng batang kasama ko. Paano kung malaman niyang wala na kami roon? Paano kung malaman niyang tinulungan ako ng mismong anak niya para makatakas? Hindi ko pwedeng ibalik ang bata sa puder ng hangal na tulad niya. Magsama sila ng panganay niyang anak.

"It's so sad that we were late for the ice cream vendor," I said in a low tone of voice and looked up to the stars above. There were few of them in the sky.

"It's okay. But my dad will be mad at us now. It's already dark and we aren't home yet," giit ng bata na tila natatakot na sa pwedeng maging reaksyon ng tatay niyang mamamatay-tao.

Paano ko ba sasabihin sa kanya na hindi na kami babalik roon? Na hindi ko na siya ibabalik sa totoo niyang pamilya? Na isasama ko na siya pauwi? Hindi ko alam.

"Don't you want to witness the moon tonight?" sambit ko na lamang at hindi inaalis ang tingin sa kalangitan.

"Let's go home." Hinatak na niya ang dulo ng T-shirt ko. Hindi ko siya pinansin. Sa gilid ng mga mata ko'y nakita ko ang pagbabadya ng iyak niyang kanina pa niya pinipigilan. Halatang takot na takot siya sa sarili niyang ama.

"Shhh, don't cry," pang-aalo ko sa kanya at hinawakan nang mahigpit ang kamay niya.

"Do you love your dad so much? Why are you scared of him?" sunod-sunod kong tanong.

"I promised to stay by his side until he gets old. In that way, me and my kuya will never die," sagot niya kaya halos mapipi ako nang marinig iyon.

"W-Why would you die in the hands of your father? You are his son. He can't kill you like that," palusot ko upang may mas malaman pa. Alam kong sa edad niya, hindi pa niya maintindihan lahat pero ang gusto ko lang ay may mapiga. Hindi magsisinungaling ang batang tulad niya.

"I know what my father can do. He even killed mommy. I am afraid that we will be the next."

"He's a psychopath," komento ko. Napatingin siya sa akin.

"No. He kills for a reason. That's why we should not trigger him," pagtatanggol niya. Nakuyom ko ang kamao ko.

"You're so pure to be his son, JC. Let me take you away from him. C'mon, we're going home now," aya ko at desidido nang hindi siya ibalik roon. Kung kaya ko siyang itago mula sa kanyang ama at kapatid, gagawin ko.

"Where are we going?"

"Home," tipid kong sabi. Iika-ika akong naglakad upang pulutin na ang laruan niyang dinosaur. Uuwi na ako kasama siya. Hindi na ako makapaghintay na makita muli ang Fire Breathing Rubber Duckies.

"JC?"

Agad akong napalingon nang hindi na ako muling nakatanggap pa ng sagot sa kanya. Ngunit saktong paglingon ko'y wala na siya sa pwesto niya kanina.

"JC?!" tawag ko pa. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.

Sisigaw pa sana ako upang tawagin ang bata nang makaramdam na ako ng malamig na talim ng metal sa bandang leeg ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"Napakatigas talaga ng ulo mo, babae. Hindi porket nasa listahan ka ng hindi papatayin, aabusuhin mo na ang pribilehiyong iyon." Isang pamilyar na boses ang bumulong sa tenga ko. Sa sobrang lapit nito'y ramdam ko ang init ng hininga niya na siyang nagdala ng kilabot sa akin.

"JC!" tili ko matapos marinig ang iyak niya. Nakita ko siyang marahas na ipinasok sa loob ng van. Mas humigpit ang hawak niya sa akin. Hindi na ako nakapalag pa nang itakip niya sa akin ang isang panyo. Naging dahilan iyon upang hindi ako makahinga. Nanlalabo na rin ang paningin ko. Sa hindi malamang dahilan, naramdaman ko na rin ang biglaang pagkahilo kasabay noon ang pagbigat ng dalawang talukap ng aking mga mata.








ISANG malutong na sampal ang nagpagising sa natutulog kong diwa. Otomatiko akong napasinghap at nagmulat ng mga mata. Hindi gaya ng paggising ko noon, narito muli ako ngayon sa basement, nakagapos at nakaupo na naman sa silya. Nangangatal akong napatingin sa lalaking sumampal sa akin na siyang ikinagising ko.

Ang tatay ni JC. Nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. Mas lalo akong nangilabot nang maaninaw ko mula sa malamlam na liwanag ng bumbilya ang bahid ng mga dugo sa kanyang damit, braso at mukha.

Kung sino mang pinatay niya ay wala akong ideya. Ngunit nananalangin ako na sana wala sa mga kaibigan ko ang pinuntirya niya. Tuluyan na akong napaiyak dahil sa nararamdamang kaba.

Isang sigaw ang pinakawalan niya. Umalingawngaw ito sa apat na sulok ng basement na kinaroroonan namin. Galit na galit siya. Halos mapaigtad ako sa upuan kahit nakatali ang braso't paa. Ngunit minabuti kong huwag ipakita ang pagkatakot. Kusang umurong ang mga luha ko at sinamaan ko rin siya ng titig.

I've been through this before. Those days that I spent inside Aayi's house was worst than staying inside this mansion. That was more than a torture but I survived. Then I must survive this too.

"Napakalakas ng loob mong babae ka! Hindi mo ako kinatatakutan? Hindi mo ba ako kilala?!" Malakas niyang hinila ang buhok ko. Napangiwi ako sa sobrang sakit. Pakiramdam ko'y matutuklap na ang anit ko. Sa kabila noon, mas pinili kong ngumisi at pagak na natawa.

"Why would I feel scared? It's an honor to meet the legendary serial killer of this town. You frightened a lot of Pinecrest people, but you can't petrified me."

Sa muli kong pagsagot, agad niya akong sinalubong ng isa pang sampal. Halos maging manhid na ang mukha ko sa sobrang lakas ng ginawa niya. Iyak-tawa ang ginawa ko. Akala ko doon na matatapos ang lahat. Hindi pa siya nakontento at inundayan pa ako ng suntok sa sikmura. Napaubo ako. May dugo nang lumalabas sa bibig ko. Pakiramdam ko, pati mga bituka ko ay nadamay na. Ang tahi sa banda kong tagiliran, nararamdaman ko nang unti-unti nang bumubuka. Halos mamilipit na ako sa sobrang paghihirap.

Sa sobrang galit niya sa akin, hinugot na niya ang de kalibreng baril at kinasa iyon. Doon ako kinabahan. Isang sigaw ang pinakawalan ko nang iputok niya iyon sa ulunan ko.

Nabasag ang bumbilya. Lumikha iyon ng pagsabog at tuluyang dumilim ang paligid.


***

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon