CHAPTER 6 - Saved, Not Safe

71 10 0
                                    

CHAPTER 6

Saved, Not Safe

WALA sa sariling naglakad ako patungo sa paradahan ng mga taxi upang makauwi na bago pa sumapit ang dilim. Pamaya't maya akong napapasulyap sa wristwatch at mas binilisan ang paglalakad. Ken insisted to take me home but I refused. Naiintindihan kong hindi pa siya dapat lumabas ngayon dahil nanganganib pa rin naman ang buhay niya kahit wala na sa kanya ang death card.

At ang walang hiyang Cherus Ann na iyon. Ano bang pumasok sa isip niya at illegal pa siyang pumasok sa kwarto ni Ken para lang kunin ang death card? Ngayon, pati siya'y nanganganib na rin. Napakapasaway talaga!

Mas nilakihan ko ang aking mga hakbang. Kaunting minuto na lamang at mararating ko na ang terminal. Hindi naman gaanong hassle ang paglalakad ng ganitong hapon. Masarap sa pakiramdam ang panggabing hangin at nakagagaan sa pakiramdam. Pero hindi ako pwedeng manatili rito sa labas. Mabuti na iyong may pag-iingat, sabi nga ni Bonagua. Wala naman kasi akong choice kundi ang makinig sa kanila.

Mayamaya'y nag-vibrate ang cellphone ko. Nakatanggap ako ng text message galing kay Ken.

Any update if you're already home? Lagot ako kay Bonagua 'pag nalaman niyang umuwi ka mag-isa niyan.

I typed a message as a reply.




LOL! OTW beech. Text yah latur.


Muli kong ibinalik ang cellphone sa bulsa ng suot na pantalon at ipinasok ang magkabilang kamay sa bulsa ng hoodie. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa may mapansin akong kakaiba. Napakunot ang noo ko pagkuwa'y saglit na tumigil at nakiramdam. Nang masigurong wala namang kahina-hinala sa paligid, naglakad na ulit ako. Ngunit iba talaga ang nararamdaman ko. Ang mabibilis na hakbang ko'y binagalan ko muna upang mapakinggan ang isang yabag na nagmumula lamang sa aking likuran.

May nakasunod sa akin. Aligaga akong napatingin sa wristwatch na suot. It's already 7:45. Nag-aagaw dilim na ang buong kalangitan. Sa hindi malamang dahilan, para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Pota. Nasa likod ko na ata ang sinasabi nilang serial killer ng Pinecrest.

Hindi ko na malaman ang dapat kong maramdaman. Ayoko rin namang lumingon dahil oras na gawin ko iyon, baka atakehin na lang ako sa puso sa makikita. Mag-aala-Naruto na sana ako nang matigilan ako sa biglaang pagsalita ng kung sino sa banda kong likuran.

"Help me." Isang munting tinig ang nagpaawang sa bibig ko at nagdesisyong lumingon sa kanya.

Sa puntong iyon ay isang pigura ng batang lalaki ang nakita ko. Nakasuot ito ng puting bonnet habang inosenteng nakatingin sa akin. Alinlangan ko siyang tinuro.

"W-Who are you?"

"Help me," paulit-ulit niyang sambit. Doon ko lamang napansin ang marungis niyang pagmumukha sa kabila ng kanyang inosenteng hitsura. Sa tingin ko, nasa edad na limang taon pa lamang ito. Wala akong nagawa kundi ang maglakad palapit sa pwesto niya upang mas makausap siya lalo.

"Nasaan ang Mama at Papa mo? Bakit mag-isa ka lang?" usisa ko. Iniluhod ko na ang kabila kong tuhod upang mas maging magkapantay kami. Tinitigan lamang niya ako. Wala siyang reaksyon. Ang matangos niyang ilong ay nababahiran ng putik. Napangiwi ako dahil amoy imburnal na rin siya.

"And you smell bad. Saan ka nagsuot na bata ka?" nakangiwi ko pang tanong.

"Help me," aniya pa.

"Kiddo, are you aware that there's a serial killer roaming around here in Pinecrest? You should not stay away from your parents this too late at night," mahinahon kong sambit at inililis ang suot niyang long sleeve. Basang-basa na ito ng pinaghalong putik at tubig. Tumambad sa akin ang munti niyang mga braso at napaka-cute na mga kamay. Pinahid pa niya ang ilang putik sa mukha niya kaya hindi ko mapigilang matawa.

Why do I remember Ryan Bonagua with this kid? Pota, pareho silang dugyutin. Napailing na lamang ako at pinunasan ang marungis niyang pagmumukha gamit ang manggas ng suot niyang damit.

"Tell me where your parents are or where do you live? I'll take you home. It's already late." Nawala na sa isip kong uuwi na rin pala ako dapat kanina pa. Hinawakan ko na ang kabila niyang kamay at nagpalinga-linga sa paligid nagbabakasakaling darating ang nagbabantay sa kanya. Ngunit wala. Paano na ito? Hindi ko naman siya pwedeng pabayaan na lang. Konsensya ko pa kung sakaling may mangyaring masama sa batang 'to.

"Hey, little kid. Are you lost?" Muli ko siyang tinanong pero nag-angat lamang siya ng tingin sa akin na parang siya ang pinakainosenteng bata sa buong Pinecrest.

"Why are you so cute? Iuwi na lang kaya kita?" Nanggigigil kong pinisil ang magkabila niyang pisngi.

"Come here. Sa bahay ka muna matulog. By tomorrow, iuuwi kita sa totoo mong pamilya." Akma ko na sana siyang hahatakin nang isang kamay naman ang humablot sa kabila niyang braso na naging sanhi ng kanyang pagsigaw.

"Help me!"

"Get away from him, you shit!" Siguro dala na rin ng adrenaline rush, agad kong hinila ang bata at pinagtago sa likuran ko. Isang tadyak ang pinakawalan ko sa armadong lalaki na ngayon ay halos mamilipit sa sakit dahil napuruhan ang pinakaiingatan niyang pagkalalaki. Isang tadyak pa ang ginawa ko sabay higit sa bonnet na suot niya. Pero bago ko pa tuluyang magawa iyon, sumigaw na naman ang bata. Hindi ko na malaman kung ano at sino ang uunahin ko. Napakadilim pa naman rito sa pwesto namin at wala nang tao na nagdaraanan.

"You should come with me!" asik ng isa pang boses ng lalaki. Malakas ang pakiramdam kong kasabwat ito ng lalaking nakahandusay na ngayon sa kalsada dahil sa akin.

Agad kong niyakap ang bata at sinamaan ng tingin ang lalaking may suot na ring itim na bonnet. Natatakpan ang buong mukha nito. Dalawang mata at bibig lang ang makikita.

"You stay away from this poor little boy or else I'll report you to the police," sambit ko pero hindi siya natinag. Sa halip, mas lumalapit ito sa amin. Umaatras naman kami.

"You have no idea of what you are doing, Miss. Just let go of the child and we will let you live," maotoridad nitong sagot kaya napakunot ang noo ko. Gago, ngayon lang ako naka-encounter ng mga kidnapper na Englishero.

"Who the fuck are you? Tinatakot n'yo ang bata!" singhal ko. Maging ako'y kinakabahan na rin. Wala pa naman akong dalang armas ngayon dahil akala ko, makakauwi ako nang matiwasay.

Mayamaya'y nakita ko ang pag-iling niya at napahalakhak. Mas bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ang tigas talaga ng bungo ng isang ito. Sinabi ko nang pakawalan mo na ang pasaway na 'yan at hayaan mong sumama sa amin."

"You are not the boss of me so stay away from us now!"

"Hayaan mo na ang bata!"

"Ayaw mo talagang sumunod, a."

Magsasalita pa sana ako nang maramdaman ko naman ang isang pagpalo na nagdala ng matinding kirot sa aking ulo. Kumakalat ang sakit nito hanggang sa mapahawak na ako sa sintido. Umiikot na ang paningin ko. Pinakawalan ko ang bata mula sa pagkakayakap.

Sa pagbuwal ko'y hindi ko naramdaman ang ano mang sakit ng pagbagsak. May mga kamay na sumalo pero hindi ko alam kung kanino.

"You should know not to mind someone else's business. That's what you get by interfering me," bulong ng isang tinig hanggang sa magdilim na ang paningin.

***

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon