CHAPTER 17 -Get Away

64 9 0
                                    

CHAPTER 17

Get Away

MULI kong pinagmasdan ang batang si JC na naglalaro sa sulok nitong kwarto. Mapakla akong napangiti sa hindi malamang dahilan. Wala siyang kalaro. Hindi siya nababantayan rito nang maayos. Walang pakialam sa kanya ang lahat. Kaya siguro ninanais lagi niyang lumabas mula rito.

"Do you want to play with me?" inosente niyang alok sa akin kaya nabalik ako sa reyalidad. Nakahiga ako sa kama habang nakamasid lamang sa kanya. Hindi talaga niya ako iniiwan kanina pa.

"I'm asking you if you want to play with me," pag-uulit niya at itinaas na ang laruang dinosaur.

"No, thanks," tanggi ko kaya wala siyang nagawa kundi bumalik na lang sa paglalaro mag-isa. Nagpakawala ako ng malakas na buntonghininga at napatitig muli sa puting kisame. Hindi ko na alam ang gagawin ko rito. Ayoko namang matulog sa takot na baka tuluyan na nila akong hindi pagisingin. Knowing that I can't trust any of them, kailangan ko na talagang gumawa ng paraan para makalabas sa punyetang bahay na ito bago pa dumating ang tatay niya. Hindi ako naniniwalang kahit kabilang ang pangalan ko sa no-harm list, hindi ibig sabihin noon ay ligtas na ako. Ang katotohanan, nanganganib ako at ang buhay ng mga kaibigan ko.

"JC?" malakas kong sambit dahilan para mapatigil siya sa paglalaro.

"Can you come over here?" sambit ko. Bilang masunurin, binitawan niya ang laruang dinosaur at lumapit nga sa akin.

"Is there anything you need from me? Like food and drinks? Or medicine?" malambing niyang tanong. I can't help but to smile. Napaka-sweet talaga ng batang ito na maging kapatid. I'm having a second thought if I will still use him to escape from here.

"No, not that." Napailing ako.

"What time does your father return home from work?" tanong ko.

"From killing at night or from managing his business during the day?" Gusto kong mapangiwi dahil sa tanong niya  sa akin.

"From his business," paglilinaw ko. Nanatili akong nakatitig sa kisame at pilit hinihinaan ang boses upang hindi marinig ng kapatid niyang si Jenis.

"He was scheduled to return home by night at exactly 7:00 pm. And when he does that, he will just take a little rest and then set out for victim hunting," he answered directly that made myself shivers.

Like, potangena. Ginagawa na lang niyang pang-alis stress ang pagpatay? Demonyo talaga!

"How about your brother? Is he not going anywhere today?"

"I don't know. He's always inside his room. He has no friend, to be honest." Bigla naman akong nalungkot nang sabihin niya iyon pero napagtanto kong hindi ko na problema kung wala siyang mga kaibigan. Kasalanan na niya iyon.

"JC? When was the last time you went out for a walk?" tanong ko pa na naging dahilan na para mapaisip siya at hindi makasagot.

"I can't remember," tipid niyang sagot kaya napangisi ako. Kahit masakit pa ang tagiliran, pinilit kong bumangon para mas makaharap siya.

"Do you want to go out today?" I asked him that made him quiet for a minute. He's thinking.

"My daddy and kuya will be mad at me if I go out with you. They told me not to go out unless they said so."

Napakamasunuring bata. No wonder, kapag inutusan rin siyang pumatay, papatay talaga siya kahit sa murang edad.

"But you'll go out with me and you have nothing to worry about," pangungumbinsi ko pa.

"But. . ." Muli siyang natahimik. Waring pinag-iisipan kung sasama ba siya sa akin o hindi.

"We'll gonna buy some ice creams and play on the real playground in the park. Do you want that?" Ginulo ko ang buhok niya at ngumiti.

"Yeah, I want that." Lumawak ang ngisi niya kaya hindi ko mapigilang magdiwang ang kaloob-looban.

Mas lumapit ako sa kanya, hinawakan ang kanyang maliliit na mga kamay at pinisil-pisil ang mga ito.

"Then tell me where's the master key of your front door," bulong ko.

"I know a  way wherein we don't need a key anymore."

"Where?"

"The secret passage is in the garden," sagot ni JC na siyang nagpalawak ng ngiti sa mga labi ko.







KUMAKABOG ang puso ko nang mapatingin sa CCTV na nasa sulok lamang ng bahay. Paulit-ulit pa akong napalunok-laway at pinipilit ang sarili na kumalma. Nagpa-palpitate na ako habang hinihintay si JC. Mayamaya'y namataan ko siyang tumatakbo papalapit sa pwesto ko. Nginitian ko siya. Tulad ng una naming pagkikita, nakasuot na naman siya ng long sleeve at ang paborito niyang bonnet. Napaka-cute talaga niyang tingnan. Sayang nga lang at gagamitin ko ang inosenteng tulad niya para lang makatakas. Habang-buhay ko ata itong pagsisisihan.

"Shall we go now?" aya ko. Tumango naman siya bilang sagot. Agad kong hinawakan nang mahigpit ang kamay niya patungo sa malawak nilang hardin.

"We're here," anunsyo niya. Sa isang iglap, itinuro niya ang isang munting gate na natatakpan ng malalago nilang halaman. Napaawang ang bibig ko. Bakit hindi ko ito napansin noong una pa lang?

"Do you think your brother won't suspect us?" nangangamba kong tanong kahit alam ko sa sariling ako naman talaga ang nag-aya. I just need an assurance. I believe that he knows his brother that much and what more he can do if he caught us sneaking out.

"My brother is in a deep slumber right now inside his room."

Kahit papaano, nakaramdam ako ng kasiguraduhan na walang makakaalam sa gagawin namin ngayong hapon.

"Let's go," sambit ko at nanguna nang buksan ang maliit na gate. Yumuko pa ako para lang magkasya dahil mukhang sa kanya lang talaga fitted ang lawak at laki nitong daanan palabas.

"Who told you about this secret gate?"

"My Mom made it for me since daddy doesn't want me to go out. He always locks me in my room. But eventually, when mommy died, he never do that to me again. However, he still wants me not to go out of this house," aniya kaya pakiramdam ko napaka-boring ng childhood life niya. Hindi na ako magtatakang lalaki siya na tulad ng kapatid niyang si Jenis na parang pasan lagi ang mundo at maraming problema.

"Take my hand," utos ko nang pareho na kaming makalabas. Hindi ko mapigilang mapalanghap ng sariwang hangin mula rito sa labas. Pakiramdam ko, nakalaya na agad ako. Tipid akong napangisi ngunit sa kabila noon, naroon ang pagkabahala.

Ngunit ang ngising iyon ay panandalian lamang pala. Nawala rin iyon matapos kong matanaw sa kabilang kalsada ang paparating na kotse. Pamilyar ito dahil sa itim na kulay. Ito ang sasakyan ng gagong si Rovan na kaibigan ng antipatikong si Jenis.

Otomatiko kong hinatak  ang kamay ni JC patungo sa malalagong halamanan bago pa kami makita ng kung sino mang kampon ng demonyo ang paparating.





***

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon