CHAPTER 8 - No-Harm List

66 10 0
                                    

CHAPTER 8

No-Harm List


HINDI na ako nakapalag pa nang itali na ako ng lalaki sa isang silya at binusalan muli ang bibig. Masyado nang masakit ang katawan ko kanina pa para magpumiglas. Ang tanging magagawa ko na lamang sa ngayon ay samaan sila ng tingin sa pag-asang mamamatay silang lahat sa pamamagitan nito.

"Dad, don't be cruel to her. I told you before that she's not bad!" sigaw muli ng bata na sumunod pala sa tatlong lalaki. Kanina pa ako pinagpapawisan rito kahit ramdam ko naman ang aircon na nagmumula sa sulok ng bahay.

"And I told you before not to talk to strangers because Pinecrest people are not persons that you can't trust!" Dinuro-duro siya ng lalaki kaya halos mahintakutan ang bata. Gusto ko siyang awatin sa paninigaw sa kanyang anak pero dahil nakabusal ako, hindi ko magawang sumigaw. Nakita ko naman ang isa pa niyang anak sa tapat ng pintuan. Nakasandal lamang ito sa pader at pinagmamasdan ang mag-ama. Wala siyang balak awatin ang mga ito. Bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga tingin namin.

"Dad, please let go of her. I'm gonna hate you to death if you kill her." Nagsimula na namang humikbi ang bata. Katahimikan muli ang namayani. Napatikhim ang ama at sinenyasan ang lalaking kanina pa nasa tabi ko.

"Bring her to the basement. It's not good to see a victim here in the sala. Mas paghihinalaan tayo ng lahat," utos nito kaya tumango lamang ang lalaki.

"Jenis, please ilayo mo sa akin ang batang ito at baka ito pa ang mapatay ko ng hindi oras. Give him a clean bath and put him in bed. It's already late. Bukas ko na pagagalitan ang isang iyan," mahaba niyang litanya at sa akin naman humarap.

"No! I won't go to bed unless you let go of her!" rinig ko pang sigaw ng bata habang binuhat na siya ng kuya niya paakyat ng hagdan. Napaiwas ako ng tingin. Halos manlambot ang mga tuhod ko. Ayokong makakita ng batang umiiyak. Lalo na at siya pa mismo ang nagmamakaawa para lang huwag akong patayin ng ama niya. Hindi ko alam kung anong utak meron siya. Pero isa lang ang nasisiguro ko. Lalaki siyang matalino at mabuti ang puso.






IPINIKIT ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang paligid. Marami akong naririnig na huni ng daga, ipis at kung ano-ano pang insekto. Bukod roon, hindi rin maganda sa pang-amoy ang pinaghalo-halong kemikal na naka-stock rito sa basement. Para akong mahihimatay. Hindi ko na kinakaya. Rinig ko rin ang pagpatak ng tubig mula sa tumatagas na tubo. Nakaupo ako sa silya. Sa ulunan ko'y isang bumbilya na malamlam lamang ang liwanag.

Napakagat-labi ako upang pigilan ang nagbabadyang hikbi.

I badly want to go home now. I am not sure if my friends are waiting for me but I really want to escape from this right away. Malapit na ang madaling-araw. Ipinangako ko kay Ken na mag-te-text ako oras na makauwi ako pero hindi ko na nagawa 'yon. Sina Rai, Makoy, Via, Maui, at Ryan. Hindi ko man lang nagawang makapagpaalam sa kanila dahil hindi ko naman alam na mangyayari ito. At si Cherus Ann, may kasalanan pa sa amin ang gagang iyon dahil sa panloloob niya. Wala sa loob na napasinghot ako.

"Miyembro ba kayo ng kulto?"

"No, we're not. But my daddy is a serial killer."

Hindi ko na mapigilang maiyak nang maalala ang mga salitang narinig ko kanina. Kung totoo man ang mga iyon, kailangan ko nang makagawa ng paraan para makatakas rito ngayon rin. Hindi ko akalaing makakaharap ko sa personal ang mamamatay-taong kinatatakutan ng Pinecrest. Ngayon na ako dapat maniwalang totoo siya dahil nasa hukay na ang kabilang paa ko.

Isang mababagal na yabag ang humigit sa hininga ko at otomatikong nagpamulat sa mga aking mga mata. May paparating. Sandali lamang at nasa harapan ko na ang lalaking may kulay tangerine na buhok. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang ilapag niya ang plato ng pagkain at baso ng tubig sa aking paanan pagkuwa'y lumapit sa akin.

Sa sobrang lapit niya sa mukha ko, gusto ko nang sumigaw. Napapikit ako upang iwasan ang mga tingin niya. Kung hindi lang ako nakagapos, nasipa ko na siya palayo.

Napasinghap ako nang alisin niya ang busal sa aking bibig. Sunod niyang tinanggal ang lubid na nakatali sa akin. Feeling ko nakalaya na ako kaya hindi ko mapigilang mapangiti.

"Don't smile. You look like an idiot," aniya sa iritadong boses kaya nawala ang ngisi ko. "Eat the food or else, you'll be the food of our dog Buffa," dagdag pa niya kaya halos umurong ang dila ko sa sobrang kaba.

Alinlangan akong napasubo sa pagkaing dinala niya para sa akin. Napansin kong nag-indian sit siya sa tabi ko at hinihintay ata akong matapos. Naging mabagal ang pagnguya ko. Nahirapan rin akong lumunok. Parang ang sakit sa lalamunan.

"Are you not going to kill me now? It's already dawn and I bet I can't go home anymore. So why are you still forcing me to eat this? I can't bring my full tummy in the afterlife," I jokingly said. My voice cracked as I turned my head to see a small ray of sunlight from the sunrise peaking fast from the window of the basement. I heard him sigh.

"Why would you? You're not going to die anyway." Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa kanya na nakaawang ang bibig. Nagtama na naman ang tingin namin. Sobrang lalim talaga niya tumitig. Nalulunod ako.

"S-Say what?"

"My father will not kill you anymore. He put your name in the no-harm list. So by morning, you can return home. But there is one and only thing you must remember." His voice turned serious and cold.

"Don't ever talk about the serial killer of Pinecrest again. I want you to erase his name in your head, forget his voice, his face and how he act. If you violate the condition, he'll be back and kill you in an instant," he muttered while looking at me directly in the eyes. Napalunok-laway ako. Agad kong hinagilap ang isang baso ng tubig para mapawi ang panunuyo ng aking lalamunan.

"Now, finish the food and you may go home now. Clean your mess before they suspect you," aniya at kusa nang tumayo. Pinagpagan niya ang pantalon na nabahiran ng alikabok at naglakad na papalayo. Ngunit nang akma na siyang lalabas ng pinto, muli ko siyang tinawag.

"How's the kid?" Saglit siyang napatigil bago sumagot.

"He's fine. He should not see you again but, thank you for your concern."

Doon naging payapa ang utak ko kaya napatango ako. Ngunit iba ang nararamdaman ng puso ko. Hindi porket ligtas na ako, ligtas na rin ang mga kaibigan ko. Kailangan ko silang maprotektahan bago pa sila tuluyang mapunta sa listahan ng mga biktima. Ayokong dumating sa oras na pagsisisihan ko ang lahat dahil hindi ko sila nabalaan nang mas maaga.





***

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon