CHAPTER 4 - Declined Plan

86 9 2
                                    

CHAPTER 4

Declined Plan

HINILOT ko ang sumasakit na sintido. Napayuko ako at inihilamo ang dalawang kamay sa sa buong mukha. Hindi ko inaasahan na ganoon ang mangyayari kanina. Kanina pa ako nakakarinig ng ingay rito sa pasilyo ng ospital. May nagtatakbuhan, may sumisigaw at ang iba'y kalmado lamang. Halos araw-araw ata may isinusugod rito. Kung hindi kumpirmadong sakit, mga naaksidente naman. Napakagulo na talaga ng Pinecrest ngayon.

Naiangat ko ang aking paningin nang makarinig na muli ng mga yabag. Kasabay noon ang pag-awang ng bibig ko matapos makita si Ryan na naglalakad na palapit sa akin.

"Kumusta siya?" bungad niya nang makalapit sa pwesto ko.

"Raihana decided to go home. Hinihintay ko lang ang doktor para malaman kung ano nang lagay niya at nang makauwi na rin ako," paliwanag ko na ang tinutukoy ay ang sheriff na natagpuan naming sugatan sa basement at wala nang dila.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. Hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin. Masyadong malalim ang iniisip ko.

"Hindi mo na naman kailangang pumunta rito," sambit ko na lamang. Bumuntonghininga siya.

"Sinabi sa akin ni Raihana na narito ka nga raw. Akala ko ikaw iyong na-ospital." Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya. Napangiti na lamang ako. Sa pagdaan ng mga araw, akala niya hindi ko napapansin ang pagiging maalalahanin niya sa akin. Parang noong high school lang, ako pa ang binu-bully niya. Ngayon, akala mo kung sino nang maka-protekta.

"Para kang timang riyan." Nawala ang ngisi ko sa mga labi at nag-pokerface. Muling sumagi sa isip ko ang hitsura ng matabang pulis kanina. Kaya pala hindi ito makapagsalita dahil wala na itong dila.

"We found him in the basement soaking in his own blood. He can't talk because his tongue was cut out," mahina kong sambit at tiningnan ang reaksyon ni Bonagua. Pamaya't maya siyang napapangiwi.

"Who the hell did that to a sheriff?"

I smiled bitterly.

"My deduction was wrong. They're not behind the killings. They're victims too," tukoy ko sa mga pulis na pinaghihinalaan ko noon pa sa likod ng mga nangyayaring patayan. Ang totoo'y kaya lang ako napasugod kanina sa police station para sana kumprontahin ang mga ito. Ngunit nagulat na lang kami sa aming nadatnan.

"I don't know what to do anymore. Feeling ko, ano mang oras, e ako na ang susunod." Dahil sa sinabi niya ay agad ko siyang sinapak.

"Aray ko naman, Mavi!"

"Gago ka ba? Gusto mo na bang mauna?"

"Mabuti na iyong handa. Look at Ken. He's in danger right now. There is a lot of chances that we might receive a death card too." Naging seryoso na ang tono ng boses niya.

"We can prevent it from coming if we could know who could be behind the crimes," I suggested. He just stared at me.

"Tell me what are you doing in the police station?" Tinitigan ko siya. Naging malikot ang paningin ko dahil hindi ko alam kung saan magsisimula.

Sasagot pa sana ako nang mamataan ko naman ang papalapit nang doktor. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo kaya maging si Bonagua ay napatayo na rin.

"Doc, how is he?"

Isang blangkong tingin lamang ang ipinukol sa akin ng doktor. Nagkatinginan kami ni Ryan.

"Can I talk to his wife?" aniya at isa-isa kaming tinitigan. Alinlangan akong napatingin kay Ryan bago sumagot.

"As far as I know, he has no wife. And I also don't know any member of his family," pag-amin ko.

"He's gone," sambit ng doctor sa may panghihinayang na boses. Halos mapaawang ang bibig ko sa narinig.

"HE experienced internal bleeding on the way to the hospital. Hindi niya nakayanan ang mga bugbog na natamo. Tapos pinutulan pa siya ng dila. Pota, torture talaga!" pagbabalita ni Ryan kina Maui at Via na nakanganga na at parang hindi makapaniwa sa naririnig. Sa huling pagkakataon kanina'y hinayaan kami ng doktor na tingnan ang bangkay ng pulis at halos hindi na maalis sa utak ko ang hitsura niya. Ipinilig ko ang aking ulo.

Narito kami sa pinakamalapit na park at napagpasyahang tumambay muna matapos ang nangyari. Tutal, malapit lang naman ang pinagtatrabahuhan ng dalawa na sina Maui at Via, niyaya na rin namin sila.

Umuwi na si Raihana kanina pa. Siguradong hindi niya nakayanan ang nasaksihan. Si Makoy, abala sa pagbabantay ng junk shop ng tito niya samantalang si Cherus Ann, nagre-review para sa board exam. Kaunting panahon na lang kasi at magiging nurse na ang isang iyon.

"The happenings in this town are not funny anymore. Nakakabahala na talaga," komento ni Maui at napatingin sa malayo. Pinagmasdan ko muna ang tahimik na paligid na walang katao-tao bago sumagot.

"Sino ba namang matutuwa na sa tuwing paggising mo ng umaga, ang unang bubungad sa 'yo, sariwang bangkay na ibinabalita sa TV?"

Maui chuckled. But I know it was fake. His face is too worried. Bumuntonghininga na lamang ako.

"This problem should be taken seriously. But the government was all fucked-up." Nakuyom ko ang kamao ko dahil sa sinabi ni Via. May punto siya.

"Kapag hindi sila kumilos, tayo na ang gumawa ng paraan," determinado kong suhestiyon at tinapunan sila ng tingin. Kumunot-noo sila.

"Mavi, that's not a good idea. You know what happened to us a year ago. That's traumatizing," kontra ni Maui na hindi sang-ayon sa gusto kong mangyari. Hindi ko naman sila masisisi kung bakit hindi na sila makumbinsi ngayon. Sa sobrang paghihirap namin sa loob ng bahay ni Aayi noon, halos mawalan na kami ng pag-asang mabuhay.

"She's saying that we will be the one to find the real killer of Pinecrest. Am I right, Mavi?" sumingit sa usapan si Via. Sa halip na sumagot, tumango lamang ako.

"Mavi, I agree with Maui. There could be another way around aside from your plan. After all, our safety is what we should cherish especially now that crime was rampant," paliwanag pa ni Ryan. Nakatitig siya sa mga mata ko pagkuwa'y tumingin rin kina Maui at Via. Hindi talaga sila panig sa akin.

"So, ano? Aasa na lang tayo sa gobyerno na aksyunan nila ito? Kailan pa? Kung kailan paubos na tayo?" Bakas na ang iritasyon sa boses ko.

"Pag-iingat ang kailangan ngayon, Mavi. This time, sana makinig ka sa amin. Hindi natin alam kung anong naghihintay sa atin oras na gawin mo ang binabalak mo." Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi ni Maui.

"Please be safe for us, Maria Aviva. We can't afford to lose another Rubber Ducky." Ryan Bonagua's voice crack as he said those words to me.

I felt a sudden stab in my chest as the memories of my deceased friends popped in my mind. It was tortured in the feeling. I swallowed hard as divert my gaze up to the sky avoiding not to meet their glances.

"Let's go home now. It's already dark," sambit ko na lamang, tumayo mula sa pagkakaupo at nanguna na sa paglalakad.




***

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon