CHAPTER 3 - Speechless, Sheriff

104 12 0
                                    

CHAPTER 3

Speechless, Sheriff

"YOU, shitty head! Kung hindi lang talaga kita kaibigan, hindi kita susuportahan sa ganito," Raihana mumbled as she gets off her car to follow me. Inayos ko ang suot kong denim jacket at hinayaang tangayin ng malakas na hangin ang maalon-alon kong buhok na hanggang likod lang naman ang haba.

"And if you're not my friend, I would probably let you die," biro ko dahilan para aksidente siyang matapilok. Halos matawa ako nang samaan niya ako ng tingin. Napatikhim ako at bumalik sa huwisyo. Sinimulan na naming lakarin ang napakahabang pathway ng town proper. Nadaanan pa namin ang saradong convenience store. Napapalibutan ito ng barricade tape. Goodness, I can still picture in my mind how Milady told me to be safe that night before I went out of her store. Tapos ngayon, malalaman ko na lang na siya itong napunta sa trahedya.

"This is where the victim was slaughtered," komento ni Raihana nang makalagpas kami sa pwestong iyon. Nakunot ang noo.

"S-Slaughtered?"

"Fudge, yeah. Milady Servantes was found slaughtered at the store's counter. I think someone who did that to her was totally insane. She was brutally tortured. Her index finger was missing too."

Gusto kong maduwal sa pagkukwento pa lang niya.

"Why is it not in the news?"

"I think you didn't finish watching the news. My little brother knows all the details." Natahimik na lamang ako nang maalala kong pinatay ko nga pala agad ang TV kagabi dahil sa sobrang paghe-hysterical. Hindi ko rin mapigilang makuyom ang kamao sa inis habang naglalakad. Kung tutuusin, napakalapit ng police station sa convenience store na pinagtatrabahuhan ni Milady. Bakit hindi man lang nila nalaman agad na may kakaiba na roon?

Potangena. Kaunti na lang talaga, maniniwala na akong may kinalaman silang lahat rito.

"Do you think they will entertain us?" tanong pa ni Raihana at humabol na sa paglalakad ko.

"They should," I confidently answered. Pagdating namin sa tapat ng police station, sunod-sunod ang ginawa kong pagkatok to the point na halos masira ang babasagin nilang pinto.

Ilang katok pa ang pinakawalan ko ngunit walang nagbubukas.

"Fuck, is this what they call the 24/7 duty?" I ranted as gritted my teeth. Sinusubok talaga ng mga parak na ito ang pasensya ko.

"Quit it, Mavi. I think no one will open the door for us. Let's just go back here in their available time," awat ni Rai nang simulan kong pilitin na buksan ang pintuan ng station. Nanggigigil na ako.

"Mavi!" saway pa niya. Ngunit huli na ang lahat. Nagawa ko nang mabuksan ang kinakalawang na pinto at kusa na akong pumasok dahil sa sobrang pagkairita. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod na rin sa akin.

Halos mapaawang ang bibig ko sa nakita. Wala ni isang naka-duty na police sa desk ngayon. Napakarumi ng paligid. Tambak ang ilang makakapal na folders sa mesa. Ang iba'y nalalaglag na sa sahig. May isang baso ng tubig na nakatiwangwang sa tabi ng mga papel. Nalimutan pa ng kung sinong siraulo na isarado ang gripo sa banyo. Bukas ang stand fan pero walang gumagamit. Sa madaling sabi, parang binagyo ang bawat sulok.

"Fudge. What the hell happened here?" Napaubo si Raihana kaya inabutan ko siya ng panyo. Napalunok-laway ako at muling iginala ang paningin. Bakit walang tao rito ngayon? Imposible. Nasaan ang matabang pulis na nakita ko noon sa store? Bakit hindi siya mahagilap ng mata ko?

Alam kong wala na rito sina Gloriette at Lavape dahil nasa training ang dalawang iyon para sa bago nilang posisyon sa pulisya. Pero dapat may mga naiwan para magbantay. Nasaan ang hepe? Hindi ko akalaing ganitong senaryo ang madaratnan ko. Ilang buwan rin kasi akong hindi nakabisita rito simula nang mabalitaan naming umalis na si Detective Llobrera at binitawan ang pagiging detective.

"Mavi, umalis na tayo rito. Mukhang abandonado na ito, e," giit ni Raihana. Sinubukan niyang hawakan ang braso ko para hatakin na palabas. Iwinakli ko iyon at naglakad palapit sa isang nakasaradong pintuan. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang pinto patungong basement kung saan kami laging tumatambay dahil sa kaso ng mga nawawalang kabataan noon.

"Did you hear that?" mahina kong bulong kay Rai. Nilingon ko pa siya at nakitang hindi na siya nasisiyahan sa ginagawa ko.

"Heard what? Mavi, let's go now. This is not funny anymore. Trespassing itong ginagawa natin," giit pa niya.

Sa isang iglap, nakarinig ako ng kalabog mula sa loob ng pintong nakasarado. Sa ibaba nanggagaling ang ingay. Nanlaki ang mga mata ko.

"That sounds!" I almost whispered again for fear that someone is in the basement and it could be a danger or a person who's in danger.

Napailing si Raihana. Namumutla na siya sa sobrang kaba.

"Mavi, don't even try," babala ni Raihana nang mabasa ata ang iniisip ko.

"We need to know what's the noise all about and where is it coming from?"

"Obviously, it's in the basement but don't try to go down there. I'm telling you, Maria Aviva."

Mayamaya'y nakarinig na ako ng pagsinghap. Hindi ito galing sa kung ano. Parang galing ito mula sa isang tao.

"There's someone down there," I muttered as I look at Raihana who's convincing me now not to follow my instinct.

Napangiwi siya habang naiiling.

"Oh, no. Not again. Mavi, wait!"

Bago pa niya ako hatakin palayo sa pintuan, kinuha ko na ang isang napakatigas na upuan sa gilid ko at siyang pinanghampas sa padlock ng pinto. Paulit-ulit ko itong ginawa hanggang sa masira ang lock nito. Kasabay noon ang pwersahan kong pagpadyak sa pintuang hindi naman katibayan kaya madali kong nawasak. Tumambad ang malamlam na ilaw ng lumang bumbilya patungo sa basement. Hingal na hingal akong napasandal sa pader at sinilip ang dulo nito. May pigura ng tao sa sulok. May naririnig akong paghikbi at hindi ako pwedeng magkamali rito.

"Fuck," mura ko at natutop ang bibig. Bawat paghakbang ko pababa ay siyang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nasa likod ko lamang si Raihana na binuksan na ang flashlight ng dala niyang cellphone.

"Oh, shit." Narinig ko na rin ang boses ni Rai na umiiyak dahil sa kaba. Gusto kong mabuwal sa pagkakatayo ngunit minabuti kong lapitan ang pulis na nakaupo sa sulok ng madilim na kwarto. Nakatali ang paa at kamay. Naliligo sa malapit na matuyot na dugo. Saka ko lamang namasdan nang mabuti kung sino ito. Ito iyong pulis na nakita ko sa convenience store dati.

"Sheriff, who did this to you?" alinlangan kong tanong at naluluhang pinagmasdan ang kalagayan niya. Halos lumuwa ang mga matang tinitigan niya ako.

Sa puntong iyon, ibinuka niya ang kanyang bibig para sumagot ngunit walang lumabas ni isang salita. Isang pag-ungol ang itinugon niya bilang sagot. Doon na ako halos manigas sa napagtanto. Wala na siyang dila.

***

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon