CHAPTER 23 - She's Home

68 9 0
                                    


CHAPTER 23

She's Home

THIRD PERSON'S POV


TULALANG nakaupo si Ryan sa sofa habang nakatitig sa malakas na buhos ng ulan mula sa labas. Kitang-kita niya ang pagguhit ng napakalakas na kidlat sa kalangitan. Maya't maya siyang napapatakip sa tenga dahil dumadagundong ang kulog. Umaagos sa salaming bintana ang patak ng ulan na nagmumula sa bubong. Humigop lamang siya ng kaunti sa mainit na tasa ng kape pagkatapos ay inihilig ang ulo sa sofa. Hindi niya alam kung matatagalan pa niya ang ganitong buhay.

"Ilang araw pa ba tayong mamamalagi rito sa bahay ni Mavi?" Isang tinig ang nagpaangat ng tingin niya. Si Maui ito. Naka-jacket na ito at may bitbit na ring tasa ng umuusok-usok pang kape.

"Hangga't hindi siya bumabalik," malamig nitong tugon sa kaibigan.

"Rye, what if you're just wasting chances?" Imbes na sagutin ang tanong pa ng kaibigan, ipinikit na lang niya ang mga mata niya at napabuntong-hininga.

"You're a friend of her but you consider her as a dead already. How come?" Napaiwas ng tingin si Maui at humalukipkip.

"I'm a friend. And I'm not talking about Mavi. I'm talking about you." Walang narinig na tugon si Maui mula sa binata na nakapikit pa rin hanggang ngayon at tila hinahayaan siyang magsalita.

"It's been weeks since that incident and you haven't come back to your senses yet. What's wrong? Ryan, hindi naman hangga't hindi siya bumabalik, magmumukmok ka rito. Mula noong umuwi ka, hindi ka na rito umalis. You have your own life too, bro," mahabang paliwanag pa ni Maui.

"What about Mavi? Are you not worried about her? It's cold outside. It's raining. What if she has no shelter today? What about her food? How does she survive every fucking day? It's a torture to her. And that should be me," may pighati at hinanakit sa sariling ganti ni Ryan. Bakas roon ang paninisi sa sarili. Walang masabi si Maui kundi ang malalim na buntong-hininga. Hindi niya malaman kung paanong pagpapaliwanag pa ang sasabihin sa kaibigan. Hanggang ngayon kasi ay sinisisi pa rin nito ang sarili sa hindi pagbabalik ni Maria Aviva.

"You should go home," sambit pa ni Ryan na siyang ikinaawang ng bibig ni Maui. Tiningan niya si Ryan na parang hindi makapaniwala sa narinig.

"No. Ikaw ang dapat umuwi sa inyo, Bonagua. Kapag umuwi ka, uuwi na rin ako, kami. Ikaw lang ang dahilan kung bakit lagi kami rito bukod sa paghihintay kay Mavi. Kailangan ka rin namin bantayan."

Halos sumakit ang dibdib ni Ryan sa narinig ngunit hindi niya ito ipinahalata. Sa halip, mas ipinikit niya ang mga mata at nagkunwaring tulog. Hanggang sa maramdaman niyang tumayo na rin si Maui at naglakad na palayo. Doon lamang niya inilabas ang luha na kanina pa pinipigilan. Kasabay ng pagbuhos ng ulan at pagdagundong ng kulog, napakagat-labi siya at pinahid ang tumulong luha.





"WHERE was Raihana all this time?"

"Marami siyang inaasikaso nitong mga nakaraang araw kaya hindi na muna namin pinapunta rito. At isa pa, delikado na rin ngayon. Mas lumalakas ang ulan. Mapanganib pa sa daan knowing na gumagala pa rin ang serial killer nang hindi natin alam," sagot ni Ken at pinaglaruan ang isang kutsarita na napulot sa dining table. Napatango na lamang si Maui.

"E, si Makoy?" usisa pa nito.

"Sabi niya diretso raw siya rito pagkatapos dumaan sa sementeryo. Pero hanggang ngayon, wala pa rin. Anong oras na, o?" ani Ken sabay sulyap sa wristwatch niya.

"Uuwi ka na ba?"

"Oo, sasabay na raw si Via sa akin."

"Much better. You guys shouldn't go outside alone. It's risky," pagsang-ayon ni Maui at tinapik ang balikat ni Ken. Tinanguan naman siya nito. Kapwa sila napatingin kay Via na handa na ring umalis.

"Paano, Maui? Ikaw na muna ang bahala kay Ryan, a. Mukhang wala pa rin ata kasi siyang balak umalis rito hangga't walang balita kay Mavi, e," bungad ni Via. Wala namang nagawa si Maui kundi ang tumango kahit maging siya ay uwing-uwi na rin sa sarili niyang bahay.

"I think he's going home too," kontra ni Ken nang makita si Ryan na pababa na ng hagdanan at sukbit na rin ang sarili niyang bag. Kapwa napatingin sina Via at Maui sa kanya. Bakas ang gulat sa mga mata nito.

"Pwedeng sumabay?" walang emosyong tanong ni Ryan. Blangko rin ang ekspresyon ng binata.

"Sure. Sumabay ka na sa amin ni Via," sagot ng nataranta bigla na si Ken at inilabas ang susi ng kotse niya. "Let's go."

Nagkatinginan sina Via at Maui. Rumehistro roon ang pagiging payapa ng nararamdaman nila. Mabuti naman at napagdesisyunan nitong uuwi muna pansamantala kahit wala pang balita kay Mavi.

"What about you, Maui? Are you not going home?" pansin ni Via bago tuluyang lumabas ng bahay.

"Uuwi na rin. But I have to fix things here first. Bahay pa rin ito ni Mavi at magagalit iyon kung sakaling malaman niyang iniwan natin itong magulo. By the way, just send a message to Makoy. Pakisabing huwag na siyang tumuloy rito if ever kasi wala naman na siyang daratnan rito mamaya. Uuwi na kasi lahat," pahabol ni Maui sa dalaga.

"Copy!"

Hatid-tanaw ni Maui sina Ken, Via at Ryan na nakasakay na sa kotse. Mayamaya'y umandar na ang makina nito. Saka lamang niya iniwas ang tingin nang makalayo na ang sasakyan.

"Mavi, when will you come back? We're already suffering," bulong niya na may lungkot sa mga mata. Medyo tumitila na ang ulan ngunit nanatili pa ring madilim ang paligid dahil papagabi na rin. Akma na niyang isasarado ang pintuan nang may maaninaw siyang dalawang pigura ng tao na naglalakad papalapit sa nakasarado na ring gate. Naningkit ang mga mata niya.

"Via? Ken?" tawag niya. Aligaga niyang hinagilap ang flashlight at itinutok ito sa direksyon ng gate. Halos lumuwa ang mga mata niya nang mapagtanto kung sino ang mga paparating. Kumabog ang puso niya at hindi makakilos.

"M-Makoy?"

"Maui? Maui! Help us! It's me! Mavi's with me!"

Sa puntong iyon ay halos mabitawan ni Maui ang bitbit na flashlight at wala nang pakialam kung nakapaa siyang tumakbo para mapagbuksan ng gate ang dalawang kaibigan na dumating.



***

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon