CHAPTER 21 - Endless

65 8 2
                                    

CHAPTER 21

Endless



MARAHAS niya akong kinaladkad kaya halos mapangiwi ako sa sobrang sakit ng pagkakahawak niya sa akin. Mayamaya'y sumuko na rin siya at binitawan ang braso ko. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtantong ito ang kaibigan ni Jenis na si Rovan. Nakasuot lang ito ng facemask at bonnet pero alam kong siya rin ito. Wala siyang sinabi ni isang salita nang magkatitigan kami. Sa isang iglap, muli niya akong hinatak kaya nag-atubili na akong sumama sa kanya.

"Where will you take me?" luhaan kong tanong at nangangatal na sa sakit ng mga sugat sa katawan. Lalo naman ang sikmura kong nauubusan na ata ng dugo kanina pa.

Hindi pa rin siya umimik. Sa ikatlong pagkakataon, sinubukan niya akong hilahin pero iwinakli ko na ang kamay niya at napaatras.

"Where are you taking me?!" sigaw ko na naging dahilan upang umalingawngaw ang basag kong boses sa buong sala. Lumalapit siya sa akin.

"Don't attempt to touch me again. Just go back to your friend and save him from his asshole father!" tili ko at mayamaya'y hinugot sa bulsa ang naitabi kong cutter. Nagulat siya nang mapagtantong baon ko pa ito mula kahapon. Ngunit ang reaksyon na iyon ay pansamantala lamang. Mas lumalapit siya. Nararamdaman kong may binabalak rin siyang masama.

"I said don't touch me!" Akma ko na sana siyang susugatan ngunit mas naging mabilis ang kilos niya't agad sinipa ang hawak kong cutter. Tumalsik ito sa hindi kalayuan. Muli niya akong hinawakan sa magkabilang braso at sa puntong iyon, hindi na ako makahinga lalo na nang takpan na naman niya ako ng panyo sa ilong.

Ang pabangong iyon ang nagdulot ng mas lalo kong pagkahilo. Gusto kong imulat ang mga mata ko ngunit kahit ikurap-kurap ko pa ang mga ito, wala na ring bisa. Hindi na ito basta hilo kundi kinakain na naman ang sistema ko ng kadiliman.





NAGISING ako sa paulit-ulit na pag-alog. Kahit napakabigat ng talukap, pinilit kong imulat ang mga mata ko. Doon ko napagtantong nasa loob ako ng sasakyan ng kung sino. Napabalikwas ako ng bangon. Katabi ko ngayon ang nagmamanehong si Rovan. Wala siyang imik at diretso ang tingin sa kalsadang binabagtas namin. Pasimple akong napasilip sa bintana. Naningkit ang mga mata ko. Napakadami pa ring pine trees. Ibig sabihin, narito pa rin kami sa gubat at hindi pa rin nakakalabas. Saan ba niya ako balak dalhin?

"Stop the car," nanghihina kong utos dahilan para mas lalo niyang bilisan ang pagmamaneho. Halos mapangiwi ako dahil kumikirot na naman ang butas ko nang sikmura. Gusto nang tumulo ng mga luha ko sa sobrang paghihirap na nararamdaman.

Wala akong nagawa kundi ang hayaan siyang magmaneho. Napakapit na lamang ako nang mahigpit sa suot kong seatbelt at napapikit.

"Kung hindi ka sana pasaway, mabubuhay ka sa loob ng bahay na iyon kahit hostage lang. E, dahil makapal ang mukha mo, tutugisin ka niya hanggang kamatayan," tiim-bagang niyang sambit at sinulyapan ako gamit ang matalim na tingin.

Hindi na lang ako sumagot. Sa halip, ipinikit kong muli ang aking mga mata dahil sa panghihina. Pakiramdam ko, ubos na ubos na ang aking dugo dulot ng sugat sa sikmura. Kanina pa ako walang ginagawa para pigilan ang pagdurugo. Napakagat-labi na lamang ako.

Sandali lamang at naramdaman ko ang pagbagal ng sasakyan na minamaneho ni Rovan.

"Saang impyerno mo ba ako dadalhin?" walang emosyon kong tanong. Pagod na akong magpumilit na makatakas. Hindi na kaya ng katawan ko ngayon. Siguro, hahayaan ko na lang kung saan naman ako makakarating mayamaya lamang. Alam ko namang kahit saan ako mapadpad, hindi nila ako tatantanan hangga't hindi nila naililibing ang bangkay ko sa hukay.

"What did you do to Jenis? Why does he keep choosing you over his loyalty to his father?" aniya pa na naging dahilan para mahigit ko ang aking hininga at mapaayos nang upo habang sapo pa rin ang sikmura. Blangko akong napatitig sa kanya.

"Just because you are kind to JC, does it mean that you are exempted from your death? Are you all kidding me? Mula nang dumating ka, naging bobo na ang magkapatid na 'yon! Dati rati, sumusunod pa ang mga iyon kay tito! Ikaw ang puno't dulo ng lahat!" Isang sigaw ang pinakawalan niya at napahigpit ang kapit sa manibela. Nagsimula na siyang bumusina sa kasabay naming sasakyan. Sinubukan kong katukin ang bintana at sumigaw na rin para makahingi ng tulong ngunit tinawanan lamang niya ako.
"Sumigaw ka hangga't gusto mo. Akala mo may makakarinig sa 'yo?" sarkastiko niyang hamon kaya napahikbi ako at muling kinatok ang saradong bintana.

"Help!"

"Help! Nye! Nye!"

Sa sobrang inis na nararamdaman, sinubukan kong hilahin ang braso niya para mawala ang focus niya sa pagmamaneho. Isang sapak ang natanggap ko mula sa kanya.

"Tumahimik na sabi!" Paulit-ulit niyang inumpog ang ulo ko sa napakatigas na bintana ng kotse. Upang hindi mapuruhan, ginawa kong pangsalag ang likod ng palad ko. Umiyak na ako nang tuluyan sa sobrang sakit.

"Look at your face! Such a tortured lady, right?" Humalakhak siya at iniharap sa akin ang isang munting salamin. Mas napahagulhol ako. Hindi na ako 'to.

"Why don't you just die?" aniya na siyang nagpatigil muli ng mundo ko. Sa mismong pag-angat ko ng tingin, nakita ko ang isang baseball bat na nakaangat na rin sa ere. Kalakip nito ang malademonyo niyang ngiti.

"Kung hindi ka nila kaya, ako mismo ang magdadala sa huling hantungan mo." Isang napakalakas na palo sa ulo ang muling nagpaikot ng paningin ko. Sinubukan ko pang makapalag ngunit nangingibabaw na talaga ang panibagong pagkahilo. Napakurap-kurap ako ngunit malabo na. Gusto kong lumaban. Ngunit alam kong hindi na sapat ang lakas ko. Maging ang tuhod ko, parang tinakasan na ng lakas. Binitawan niya ang baseball bat at tinulak ako sa upuan. Para akong lantay na gulay na napasuksok sa sulok.

"Bring your stupidity on your grave, Maria Aviva."

Isa pang palo ang siyang nagtapos ng aking kamalayan. Ramdam ko pa rin ang bagal ng tibok ng puso ko hanggang sa wala na akong maramdaman pa.



***

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon