CHAPTER 19 - Killing and Compassion

64 9 5
                                    

CHAPTER 19

Killing and Compassion


KUMURAP-KURAP ako sa gitna ng dilim. Wala akong maaninaw. Ang tanging naririnig ko lamang ay ang mabagal na pintig ng puso ko. May humuhuni na mga insekto. Ang patak ng tubig mula sa sirang tubo ay tila naging musika sa pandinig ko kaya muli kong ipinikit ang mga mata. Nakakaramdam ako ng antok kahit kakagising ko pa lang mula sa isang napakahabang tulog. Sobrang sakit ng mga kalamnan ko. Para akong paulit-ulit na binugbog. Hindi ko mapigilang mapangiwi dahil sa kirot ng bawat paggalaw.

Napansin kong hindi na ako nakaupo sa silya ngayon. Nakahiga na ako rito sa napakaruming sahig ng basement. Pinilit kong igalaw ang aking mga paa. Namamanhid na ito. Halos mamilipit ako mula sa pagkakahiga. Doon ko napagtantong nakagapos pa rin ako ngunit hindi gamit ang lubid. Kadena na ang nakatali sa aking mga binti.

Nagpakawala ako ng impit na pag-iyak. Hindi ko akalaing darating na naman ako sa puntong wala akong ibang masasandalan kundi ang sarili ko. Sa isang iglap, nakarinig ako ng mga yabag. Isang pag-ingit ng pinto ang sumunod. Muli kong ipinikit ang aking mga mata at nagkunwaring natutulog. Hindi ko na pinansin kung sino man ang pumasok rito sa basement. Sa kabila noon, malakas ang pakiramdam kong hindi ito ang tatay ni JC.

Nagpakawala siya ng isang buntonghininga matapos itapat sa akin ang flashlight at makita ang kalagayan ko.

"I know you're awake. Here, eat this," aniya sa mababang tono ng boses. Umalingawngaw ang babasaging pinggan, kutsara at tinidor nang ibaba niya ito sa sementadong sahig malapit sa tabi ko. Mas ipinikit ko ang aking mga mata. Ayoko siyang makita. Akala niya hindi ko malilimutan na siya ang kumidnap sa amin kanina sa park. Hindi ako madaling makalimot. Siya ang dahilan kung bakit narito na naman ako ngayon sa kamay ng tatay niyang demonyo.

"You should be dead by now. That no-harm list is nonsense anyway," sambit pa niya. Napatiim-bagang ako dahil sa galit.

"What did I ever do to you to treat me like this?" halos-pabulong kong tanong at kahit hirap na hirap, nagpumilit na akong bumangon para umupo. Hindi ko na kayang magpanggap na walang pakialam sa mga sinasabi niya. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya.

"Why are you letting your father to kill everyone wherein fact you can do something to stop him?" sambit ko pa. Doon na kusang tumulo ang mga luha ko. Nanatili siyang tahimik habang nakatunghay sa akin.

Sa hindi malamang dahilan, pinatay niya ang flashlight na hawak at padabog na isinarado ang pinto. Napapitlag ako sa sobrang gulat. Naglakad siya palapit sa akin. Hindi ko man sigurado dahil sa sobrang dilim, ramdam kong nakatitig na siya sa mga mata ko. Iyon na ang naging dahilan upang mas bumilis ang tibok ng aking puso.

Napangisi ako at mayamaya'y napahalakhak.

"Papatayin mo na ba ako?"

"Hinahamon mo ba ako?" Napataas-noo ako dahil sa naging tanong niya pabalik sa akin.

"Just so you know, I am not afraid of my death," determinado kong sagot na naging dahilan para mapahalakhak rin siya.

"You have no idea how much I've suffered from my first life. We've been tortured inside the hell. Some of us died, few of us survived. Now, tell me if I would suffer the worst than before?" Napakagat-labi ako at pinipigilang tumulo ang luha dahila sa sobrang emosyon na nararamdaman. Hindi na ako natatakot sa kahahantungan ko. Nakakaramdam lang ako ng inis sa sarili ko dahil hindi ko man lang magawang protektahan ang Rubber Duckies. Nakuyom ko ang aking kamao at napatitig sa munting bintana ng basement. Wala akong nakikitang ni katiting na liwanag. Ibig sabihin ba noon, wala na akong pag-asa na makatakas pa rito?

Nabalot ng nakakabinging katahimikan ang buong paligid. Walang nagsasalita ni isa sa amin ni Jenis pero ramdam ko rin ang mabibigat niya hininga.

"Eat now. You need these nutrients for your weak body." Dahil sa sinabi niya'y napatitig ako sa kanya habang nakaawang ang bibig. Bakit ganito niya ako itrato?

"Why are you helping me?" Ibinaba niya ang hawak flashlight na naging dahilan para muling dumilim ang paligid namin. Tinitigan niya ako sa mga mata.

"I'm not helping you. I'm just returning the favor of how you treat my brother," diretsahan niyang sagot at pinaglaruan na ang nakapatay na flashlight.

"I never do any good for him. In fact, I just drag him to danger," kontra ko.

"I can see how happy he was when he's with you. It's because the happiness that you give to him was realistic like my Mom's. I am his brother but I can't really protect him." Halos mapipi ako sa mga sinasabi niya. Hindi na ako nakatiis pa at tinitigan ko na siya sa mga mata.

"Just tell me why are you treating me like this? Don't use your brother for your acting scene. It will not work on me, you liar!" sigaw ko at tinitigan siya ng masama. Ngunit wala akong natanggap na reaksyon mula sa kanya.

"When my Mom died, I saw how helpless we are without her. I witnessed my own father tortured the woman he loved the most." Napansin ko ang paka-crack ng boses niya. Doon na ako natahimik. Hindi siya nagsisinungaling sa sinasabi niya ngayon.

"And now, we're living with the demon that put her life to misery. I thought I can't forgive him. But it's the only way to make us both alive. To live and to follow his order for us to live longer." Alam ako ang tinutukoy niya rito. Silang magkapatid. Napatiim-bagang siya at mayamaya'y napatitig na rin sa kawalan tulad ko. Sa hindi malamang dahilan, nag-iiyakan na kami pareho rito.

"That's why I am not helping you. I'm just trying my best that I can do to make you alive. No-harm list of my father is nonsense. It will just torture you for the rest of your life until you die." Mas kumirot ang puso ko sa aking mga naririnig.

"And I don't want to see another woman died in the in front of my father anymore. Mom is enough to make me realize that we are in a bad hand. So please, just do everything to survive, Maria Aviva."

Halos manlaki ang mga mata ko nang tawagin niya ako sa totoo kong pangalan. Ni hindi ko maalala kong kailan ko sinabi ang pangalan ko sa kanya. Sa sobrang gulat ko'y hindi ko namalayang nakatayo na pala siya at nakalabas na ng basement.

Naiwan na naman akong tulala at luhaan. Ngunit may parte sa akin na medyo naliwanagan na. Hindi siya gaano kasama tulad ng inaasahan ko. Mas masahol pa rin ang tatay nila.

Napabuga ako ng hangin at mayamaya'y inusog ang plato ng pagkain na iniwan niya para sa akin. Kahit nahihirapan, nakuha ko pa ring mapangiti kahit isang saglit.


***

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon