CHAPTER 20 - Help Me Escape

68 10 2
                                    

CHAPTER 20

Help Me Escape


NAPAPITLAG ako sa marahas na pagbukas ng pintuan. Mayamaya'y pumasok ang tatay ni JC. Nakatarak ang mga matatalim nitong mata sa sulok kung saan ako nakasiksik. Pigil-hininga akong napatitig sa kanya. Doon ko namalayang umaga na dahil sa sinag ng araw mula sa maliit na bintana nitong basement. Hanggang ngayon, hindi pa rin nila ako pinakakawalan.

"You know what? Why don't you just kill me? You're only making things hard," sarkastiko kong pambasag ng katahimikan dahil akala niya, matatakot niya ako sa pagtitig lang.

"No. You are really the one who makes things complicated, hija." Dahil sa naging sagot niya'y napawi ang ngisi ko sa labi. Tila ata umurong ang dila ko nang maglakad siya sa pwesto ko at ilapag sa malamig na semento ang matalim na kutsilyo.

"Sadly, I won't do the crime that you deserve. You have to make it easy for me." Kumabog ang puso ko. Napatitig ako sa patalim na nasa aking paanan. Kumikinang pa ang talim nito na tila bagong hasa pa. Napalunok-laway ako at napatingala sa kanya. Gumuhit ang mala-demonyo niyang ngiti na siyang nagpadagdag kilabot sa aking sistema.

"Now, kill yourself for me," malamig niyang utos at pinakatitigan ako. Sinusubok niya ang kahinaan ko. Naging matalim rin ang titig ko sa kanya at hindi ko hinayaang mahalata niyang kinakabahan na ako.

"I am in your no-harm list, you should stick with your words," mariin kong sambit kaya hindi niya napigilang matawa.

"Listing you in the no-harm list doesn't make you exclude from sufferings. I make no promise that you will be saved. You are a drawback to us." Nandidilim na ang paningin niya at nakakuyom na ang kamao. Mas napasiksik ako sa sulok. Wala akong ibang matatakbuhan oras na maging bayolente na naman siya.

"And do you think I would really kill myself just because you told me to do it?" Napalunok-laway ako sabay ngisi ngunit pinawi ko rin iyon dahil naghahalo na ang nararamdaman kong emosyon. "No, I'm not."

Nakita ko ang bakas ng pagkadismaya sa mukha niya. Isang nagngangalit na sigaw ang pinakawalan niya kaya napapitlag ako at napapikit. Napahiyaw na rin ako nang sugurin niya ako ng isang napakalakas na suntok sa tagiliran. Hindi ko na napigilang mapaubo. Ayokong dumating sa punto na susuka na naman ako ng dugo dahil sa pambubugbog niya.

Ngunit tulad ng inaasahan, ang suntok na iyon ay nasundan ng sabunot at pananakal. Hindi ako makahinga. Nawawalan na ako ng hangin. Mas hinihigpitan niya ang pagkakahawak sa aking leeg. Napansinghap ako at pilit inaalis ang dalawang kamay niya.

"Get off me!" tili ko .

"Kill yourself!"

"I will kill you!" ganti ko. Humalakhak lamang siya.

"Can you do that?" He's challenging me. Naging mabilis ang aking paningin at inabot ng paa ang kutsilyong nakalapag lamang sa sahig malapit sa akin. Hindi pa rin niya ako binibitawan. May balak pa ata siyang patayin ako gamit ang kanyang maruruming kamay at hindi ako makakapayag sa ganito. Uunahan ko na siya.

Sa sobrang pagpipilit ay malapit ko nang makuha ang kutsilyo.

"You are more than of a stupid sheep," he whispered in my ears and to my shock, he already had the knife in his hand. My eyes widened as I feel the excruciating pain in my stomach. My lips parted. I can hardly breathe.

"It's a satisfying pain, right?" aniya pa. Halos maputol na ata ang mga bituka ko nang sinubukan niyang mas ibaon ang dulo nito. Sa takot na mawala na ng kamalayan, muli kong iginalaw ang namamanhid ko nang braso at gamit ang siko, nagawa kong patamaan ang mukha niya. Nabitawan niya ang kutsilyo na nakatarak pa rin sa sikmura ko. Gusto kong maiyak nang makita ito. Bumubulwak na ang sariwang dugo.

Napakagat-labi ako. Pinagpapawisan nang malamig. Sa isang iglap, buong lakas kong hinugot mula sa sikmura ang duguang kutsilyo. Napahiyaw ako sa sobrang sakit. Halos mamilipit ako sa sulok. Ginawa ko ang lahat upang maalis ang kadenang nakatali sa paa ko at nang makatakas na mula rito.

Hindi sapat ang pagkakasiko ko sa kanya. Nagawa pa niya akong balikan at sabunutan. Ngunit dahil hawak ko na ang kutsilyo, walang paligoy-ligoy kong dinaplisan ang braso niya. Napadaing rin siya sa sakit. Sinamantala ko iyon upang makatayo mula sa pagkakalugmok sa sulok. Matagumpay kong nabuksan ang padlock ng kadena. Sapo ang dumudugong sikmura, iika-ika akong naglakad palabas ng pintuan.

"You cannot escape this hell unless you will be gone forever."

Isang palo mula sa likuran ng ulo ang nagpatigil ng mundo ko. Napaawang ang bibig ko nang mas tumindi ang kirot na nararamdaman. Sa sobrang bigat ng ulo ko, parang gusto ko na lang pumikit. Umiikot na ang aking paningin at dumating sa puntong napahawak na ako sa pintuan upang suportahan ang sarili. Sa mismong pagtungo ko, naroon ang napakalapot na dugo.

Wala akong ibang nagawa kundi ang mapaiyak. Hinablot niya ako at akma nang iuuntog ang ulo sa pader nang isang kamay ang pumigil sa kanya.

"You should realize how bad you are in harming women. That's enough now, Dad. She's not Mom," malamig na kontra niya. Hinang-hina akong napatitig sa kalmadong si Jenis na mahigpit nang hawak ang braso ng kanyang ama.

Sa sobrang galit, iwinakli nito ang kamay ng anak at tinulak ako palayo sa kanilang dalawa. Doon na ako muling napasigaw nang si Jenis naman ang pagbuntunan niya ng galit. Sinuntok niya ang sariling anak na naging dahilan upang mapahiga ito sa sahig. Hindi pa siya nakontento at dinaganan pa ito.

"Run!" rinig kong sigaw ni Jenis kaya napaawang ang bibig ko at napasandal sa pader. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"I said run away and never come back!" hiyaw pa niya kasabay ng muling pagdapo ng suntok sa kanyang mukha mula sa kamao ng sariling ama.

Aligaga akong napaiwas ng tingin. Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga at ginawa ang inutos niya. Naging mabilis ang kilos ko at agad nagtatakbo palabas habang sapo ang sikmurang patuloy sa pagdugo.

Napakalaki nitong bahay. Hindi ko tuloy alam kung saan tutungo. Nanlalabo na rin ang paningin ko. Binabagabag rin ako ng konsensya na iwan sa Jenis roon habang binubugbog ng kanyang ama. Pero kailangan ko nang makaalis rito sa lalong madaling panahon. Ayokong abutan ng kamatayan sa loob ng impyernong ito.

Nagpalinga-linga ako. Parang akong nawawalang bata na hindi makita ang main door. Mayamaya'y napasigaw na ako nang may humablot na naman sa aking braso. Hindi na ako nakaangal pa nang simulan niya akong kaladkarin sa kung saang direksyon.



***

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon