CHAPTER 13 - She Won't Come Back Anymore

62 8 6
                                    


CHAPTER 13 -

She Won't Come Back
Anymore

"DRINK this coffee. It will make you feel better," sambit ni Maui at inilapag sa lamesita ang tasa ng umuusok pang kape. Nakatulala lamang si Ryan sa blangkong kisame habang nakabalot sa kumot at nakahilata sa sofa. Kanina pa ito walang imik at wala sa sarili. Hindi niya pinansin ang pag-upo ng kaibigan sa paanan niya.

"Via went to the town proper to buy you some medicines for your wounds. She'll be back in a minute with Makoy. Don't worry. You're safe now." Nanatiling tahimik si Ryan kaya napatango-tango lamang si Maui. Mukhang matatagalan pa ang kaibigan na bumalik sa dating sigla lalo na at halatang na-trauma ito sa pinagdaanan. Waring dinamdam ang mga masasakit na salitang nasabi ni Raihana kanina maging ang buhay niyang halos mahigit na ni Kamatayan kagabi. Ang dating masayahin na Ryan Bonagua ay hindi na makabasag-pinggan ngayon.

"Where is she?" halos pabulong na tanong ni Ryan. Blangko pa rin itong nakatitig sa puting kisame. Bumuntonghininga muna si Maui bago sumagot. Alam niyang si Raihana ang tinutukoy ng binata.

"Pinauwi ko na muna. Wala siya sa sapat na katinuan ngayon at baka kung ano pang magawa niya. Knowing Rai, nagiging bobo rin iyon pagdating sa pagdedesisyon. At isa pa, kailangan rin niya ng pahinga. Magdamag siyang walang tulog kakahintay sa inyo," paliwanag ni Maui. Matapos iyon, wala na siyang narinig pa mula kay Ryan.

"You know Raihana. Masakit siya magsalita but soonest, she will forgive you," aniya pa bilang pampalubag-loob.

"She will not forgive me anymore. She'll hate me for her entire life for leaving Mavi behind," sagot ni Bonagua. Kumurap-kurap ito. May namumuo na namang luha sa kanyang mga mata.

"C'mon, dude. Don't say that. Mavi's alive and she will return. She will still scold us for staying here in her house and not doing anything but messing in her kitchen, sala and bedroom." Nagawa pang magbiro ni Maui ngunit hindi iyon naging sapat para gumaan ang loob ng kaibigan. Mukhang nadagdagan pa nga ata ang lungkot nito.

"She won't come back anymore." Nawala ang ngiti ni Maui sa mga labi dahil sa sinabi ni Ryan. Pagak siyang natawa.

"Tell me what really happened that night which made you think that Mavi is already gone?"

"I witnessed how she died that night. I heard multiple gun shots." Napaawang ang bibig niya at hindi makapaniwalang napatingin kay Ryan. Sandali pa'y nagpatuloy ito sa pagkukwento.

"When I came back to my senses, I immediately went to the actual place where I saw her alive before she pushed me off the drainage," ani Ryan. Nahihirapan na siyang magsalita dahil sa iyak na kanina pa niya pinipigilan. Paulit-ulit siyang nagpakawala ng buntonghininga.

"But I see no body at all. There are bloodsheds. I know, those were from her. Gone was Maria Aviva."

Kusang tumulo ang mga luha ni Maui at napaiwas ng tingin sa kaibigan. Nakuyom nito ang mga kamao at sarkastiko pa ring ngumisi.

"Your words have no use. We haven't seen her body yet so don't deduct that she's already gone," pang-aalo niya sa sarili na parang ayaw paniwalaan ang kwento ni Ryan.

"Then you are wrong, Maui." Dahil sa sinabi ng binata, alinlangang napatingin muli si Maui sa kanya.

"The killer who tried to dispatch the two of us that night is the same killer who brings nightmare every night here in Pinecrest. So tell me now if there is someone who could even survive his dreadful hands?" Halos masapo ni Maui ang sariling mukha dahil sa mga naririnig.

"I wish I never had to see her fighting for my life just to save me and sacrifice her's. I wish I never had to hear the gun shots that ended her chance of survival. But I was there, Maui. I was there. All through her sufferings, I was still there. I did nothing. Fuck you, self."

Napatungo si Maui. Nakakuyom na ang dalawa niyang kamao. Narinig niya ang pagsinghot ng kaibigan. Umiiiyak na ito. Maging siya'y kumikirot na rin ang dibdib at sumasakit na ang lalamunan sa pagpigil ng iyak na gusto na rin niyang pakawalan.

"It's okay if you will spank me with your fist. I deserve that. I deserve your hate. I deserve to receive painful words from you, guys. Curse me all you want for letting Mavi succumbed that night, for leaving her, for not helping her, for being selfish. Raihana's right. I should be that one who croaked and not Mavi."

Walang imik si Maui. Hindi niya kayang magsalita. Napatiim-bagang na lamang siya at tumingala na rin sa kisame. Gusto niyang suntukin ang kaibigan dahil sa hinanakit na nararamdaman. Gusto niya itong sabihan ng mga masasakit na salita. Gusto niya itong isumpa.

"You really want to be hated by us, huh?" sarkastiko niyang sambit kaya napatingin sa kanya si Ryan.

"You already hate me. What else can I do? Put all the blame to me. I deserve it," wala nang reaksyon na sagot ni Bonagua.

Natatawang napailing si Maui sa kabila ng inis na nararamdaman.

"Hating you won't bring Mavi back. Kung pwede lang na ako na ang pumatay sa 'yo para masabing quits na. Pero hindi. Masama ang loob naming lahat sa 'yo. Pero hindi ibig sabihin noon, hindi ka na namin kaibigan."

Naipilig ni  Maui ang ulo dahil sa nagbabadyang luha. Ayaw talaga niya ng ganitong senaryo. Nagiging mahina ang puso niya pagdating sa mga kaibigan. Maging siya'y naguguluhan na rin kung sino ang kakampihan.

"Mavi won't be happy if she sees us hating you just because of your cowardice and careless actions. If she were in your shoe that night, she would probably do it too," aniya.

"Ang alin? Ang iligtas ako?"

"Hindi. Ang hayaan kang mamatay, gago." Sa kabila ng mabigat na kalooban, nagawa pa niyang biruin si Ryan kaya napangiwi ang huli.

"Blame yourself all you want, Bonagua. But things won't be the same way anymore. We should move forward. We are still mournful for the death of Cherus Ann. And now, it's the loss of Mavi. All we need to do now is to be together. There's no such thing as friendship," makahulugan pa nitong sambit at napabuntonghininga pagkuwa'y tumayo na.

"Drink your coffee now before it gets cold. Kung ako sa 'yo, magpapagaling ako nang masilayan ko man lang si Cherus Ann kahit sa huli niyang hantungan bukas."

Naglakad paalis ng sala si Maui. Naiwan ang tulalang si Ryan habang nakatitig sa tasa ng kapeng ngayon ay lumalamig na.





***

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon