CHAPTER 28 - Caught

115 7 2
                                    

CHAPTER 28

Caught

MAVI'S POV

"Gago, saan nga ba ang bodega rito?" sambit ko sa sarili habang nangangapa sa dilim. Iniingatan kong huwag makagawa ng ingay dahil kung hindi, katapusan ko na ngayong nag-uumpisa pa lamang ulit ako. Masyado na atang nabagok ang ulo ko at hindi ko na matandaan ang pasikot-sikot rito sa loob ng mansion na ito kahit nasaulo ko na ito dati.

Sa tulong ng liwanag ng screen ng cellphone ay nakuha kong maaninaw ang napakataas nilang hagdanan patungo sa mga kwarto nila. Napakatahimik rito sa loob at hindi mo maiisip na may kababalaghang nangyayari lagi rito sa tuwing may nabibiktima sila. Payuko akong naglakad habang pilit inaalala kung saan nga ba ang direksyon ng bodega kung saan nila ako kinulong dati. Nasisiguro kong doon rin nila dinala si Raihana.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makarinig ng boses sa ikalawang palapag. Gising pa sila sa mga oras na ito. Nanginig tuloy ang mga kamay ko at halos mabitawan na ang flashlight na hindi ko muna binuksan dahil nakakasilaw ang liwanag.

"Hoy."

"Ay potangena!" mahina kong mura nang may humawak sa balikat ko. Awtomatiko kong siniko ang kung sino mang nasa likuran ko at saka napaupo sa sahig.

"Shhh! Ako 'to, si Ryan!" aniya sa mababang tono ng boses. Ayaw pa rin paawat ng kaba ko at napatingin sa hagdanan dahil baka ano mang oras ay marinig nila kami at maisipang bumaba.

"Gago ka ba? Ba't ka sumunod? Saan ka pumasok?" sunod-sunod kong tanong. Napakamot siya sa ulo.

"Umakyat ako sa pader, ginaya kita," sagot niya at kahit madilim ang paligid, alam kong iginagala na niya ang tingin sa kabuuan ng sala kung saan kami naroon ngayon. "Gumagana ba ang CCTVs nila?" dagdag niyang tanong.

Napailing ako.

"I think they're not." Naningkit ang mga mata ko sa napagtanto. Posible kayang alam nilang mangyayari na ito kaya handa na sila?

Imposible.

"Saan ka na?" tanong pa ni Ryan.

"I'm looking for the stockroom. I am sure Raihana was there." Nagpatuloy ako sa pag-aninag ng mga posibleng pintuan nang hatakin muli ako ni Ryan pabalik at tinakpan ang bibig ko ng isa niyang palad. Hindi na ako nakapalag pa.

"Shhhh. Someone is coming," bulong niya. Mas nagwala ang dibdib ko. Nagtago kami sa likod ng pinakamalapit na cabinet. Isang pigura ng tao ang naaninaw kong bumababa na ngayon ng hagdanan. Kahit masyadong madilim ay sapat na ang palatandaang siya nga ang nakikita ko ngayon. Ang taong walang awang pumapatay ng mga inosenteng tao rito sa Pinecrest. Muli ko na namang nakuyom ang kamao dahil sa nararamdamang galit. Kung hindi lamang ako takot para sa buhay namin ngayon, kanina ko pa siya nasugod.

Narinig ko ang mababagal niyang mga yabag papalapit sa pwesto namin. Napapikit ako. Kahit ang paghinga ay pinipigilan ko na. Parang gusto nang sumabog ng puso ko sa bilis ng pagpintig. Mayamaya pa'y nagtungo ang lalaki sa direksyon ng switch ng ilaw. Nanlaki ang mga mata ko.

"Shit," I cussed between my heartbeats. Hindi niya dapat buksan ang ilaw dahil ano mang minuto, makikita niya kami rito. Wala akong ibang nagawa kundi ang mapahawak na lamang sa braso ni Ryan. Pilit naman niya akong pinapakalma.

"Dad! 'Tong bunso mo nagpapasaway na naman! Ayaw matulog!" Pinagmasdan ko ang lalaki na pumanaog na muli sa ikalawang palapag nang tawagin siya ni Jenis.

"C'mon, hurry up!" Agad akong gumapang at hindi na inantay pa na sumagot si Ryan mula sa likuran ko. Mula sa pinanggalingan, lumiko ako sa kaliwang pasilyo. Kahit papaano ay may kaunting liwanag na kaming tanglaw dahil sa malamlam na mga bumbilya. Nasisiguro kong malapit na kami sa bodega.

"Here we are," sambit ko at wala sa sariling pinihit ang seradura ngunit napagtanto kong naka-lock nga pala ito. Napalingon ako sa direksyon ni Ryan.

"We have no keys," nanlulumo kong balita sa kanya. Halos manlambot naman ang tuhod niya at parang gusto nang bumagsak sa sahig. Maging ako rin naman. Hindi nga namin masisiguro kung makakalabas pa ba kami ng buhay rito o matuloy na ang kamatayan namin na naudlot ng gabing iyon.

Kumapa-kapa siya sa kanyang bulsa. Ilang saglit lamang at iniabot niya sa akin ang isang hairpin. Napakunot ang noo ko sa pagtataka.

"Bakit ka mayroon nito?"

"Wala kasi akong sariling susi ng bahay namin o kaya duplicate key kaya iyan na lang ginagamit ko tuwing ginagabi ako ng uwi. Bilis na, natatae na ako sa kaba. Kunin na natin si Rai at umalis na tayo rito ngayon rin!" natataranta niyang sagot at lumingon pa sa dulong pasilyo upang masiguro na wala pang nakakasunod sa amin.

Aligaga ko namang ginamit ang hairpin para mabuksan ang kinakalawang nang doorknob. Nakahinga ako nang maluwag nang bumukas ito.

"Gumana?"

"Yeah, it worked," manghang-mangha kong wika.

Binuksan ko kaagad ang pinto. Kadiliman ang tumambad sa amin nang bumukas ito ngunit hinagilap ko agad ang dalang flashlight upang magkaroon ng liwanag.

"Rai?" Natutop ko ang aking bibig. Nakita ko ang isang babaeng walang malay sa bandang sulok. Bakas sa kanya ang paghihirap na naranasan. May busal siya sa bibig at tadtad ng galos ang braso. Nakagapos pa siya sa natumbang upuan. Hindi pa nakontento ang mga gago at tinalian pa pala siya ng kadena.

Napatiim-bagang ako at napatingala habang pinipigilan ang nagbabadyang luha. Hindi ako pwedeng maging mahina ngayon. Kailangan ako ng mga kaibigan ko. Hindi pa ngayon at hindi ngayong gabi. We need to get out of this. We need to get Raihana out of this hell.

"Rai, wake up." Inalog-alog ko ang balikat niya. Nang hindi kumibo, tinapik ko naman ang malamig niyang pisngi. "Raihana, you fudge. Get up!" Halos mag-crack na ang boses ko.

"Is she okay?" Dinaluhan na ako ni Bonagua. Napatingin ako sa kanya. May luha na sa mga mata ko.

"S-She's not moving," naiiyak kong tugon. Si Ryan na mismo ang lumapit at pinakiramdaman si Rai kung ano na ang lagay niya. Wala akong ibang nagawa kundi ang suminghot na lamang. Hindi ako makapag-isip ng tama dahil pinangungunahan na naman ako ng emosyon.

"She's still breathing yet she's unconscious. We have to wake her up as soon as possible. They might caught us." Ramdam ko ang kaba sa panginginig ng boses ni Ryan. Napatango na lamang ako.

"Raihana, wake up, please."

Sa kabila ng paggising ko sa kanya, wala pa rin kaming nakikitang senyales na magkakaroon agad siya ng malay.

"We have no time now. You lead the way, Mavi. I'll take her," suhestiyon ni Ryan.

"Kaya mo ba siyang buhatin?"

Bago pa siya makasagot ay nagkatinginan na kami nang makarinig ng isang malakas na putok ng baril.

"They're here."

Fuck, they already know.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon