CHAPTER 22 - Found and Saved

67 9 3
                                    


CHAPTER 22

Found and Saved

PINILIT kong imulat ang mabibigat ko pa ring mga talukap. Nakakasilaw ang liwanag ng langit sa kabila ng patak ng ulan. Maya't maya akong napapangiwi. Napatingin ako sa paanan ko. Nakita ko si Rovan na pilit akong hinihila. Sa sobrang putik ng lupa, naging mas mabilis lang sa kanya na hatakin ako pababa sa napakalalim na hukay. Pinagplanuhan talaga nila ang gagawin sa akin.

Gusto kong sumigaw. Ngunit pakiramdam ko'y may nakabara na sa lalamunan ko. Ang tanging nagawa ko na lamang ay maiyak sa sobrang takot at pangamba. Naging mas malakas ang hikbi ko nang mapagtantong narito kami sa gitna ng tahimik na sementeryo at kami lamang ang dalawa ang tao. Saan at kanino ako makakahingi ng tulong? Alam kong balak na niya akong ilibing nang buhay.

Napapikit ako. Sobrang hapdi sa mata ng bawat patak ng ulan. Hindi na ako makagalaw dahil bukod sa nababaon na ako sa putik, napakasakit na rin ng aking mga kalamnan. Ramdam ko na ang pagtilapon ng mga putik sa katawan ko. Nagsisimula na naman siyang maghukay. Sa puntong ito, tuluyan na talaga niya akong ibabaon.

"Tulong!" impit kong sigaw kahit alam kong wala nang makakarinig sa akin. Narinig ko siyang humalakhak. Mas lumalakas na ang ulan at hindi ko na marinig ang sarili kong boses. Walang bisa ang paghingi ko ng tulong. Ito na ata ang katapusan ko.

"Tulong!" Gusto ko nang wakasan ang paghihirap ko. Gusto ko nang mamatay pero hindi sa ganitong paraan na maghihirap pa ako bago malagutan ng hininga. Putangina.

"Sige lang, humingi ka pa ng tulong hangga't may oras ka pa," hamon niya sa akin. Isang napakalakas na tili ang pinakawalan ko na halos ikalabas ng litid ko sa leeg. Parang naipon na lahat ng emosyon ko na hindi ko mailabas. I can't die like this.

Mas nagpumilit akong bumangon at pilit inaalis ang malalagkit na putik na itinatapon niya sa akin. Nang makatayo, agad kong hinablot ang kabila niyang paa ngunit naging dahilan lang ito upang ipukpok niya ang dulo ng pala sa bandang ulo ko. Mas nahilo ako at napaatras. Sa kabila noon, naging determinado akong makaakyat.

"Get off from her!"

Isang pamilyar na boses ang nagpabalik sa akin sa huwisyo. Nananaginip ata ako nang marinig ang boses ni Makoy.

"At sino ka namang pakialamero ka?!" Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat. Hindi ako pwedeng magkamali. Nasa itaas ngayon si Makoy at pilit inaagaw ang maputik na pala mula kay Rovan.

"Tigilan mo ako o ililibing rin kita nang buhay?!" sigaw ni Rovan ngunit masyadong mapilit itong si Makoy at ayaw siyang tigilan. Nagpambuno na sila sa ibabaw at narito pa rin ako sa hukay.

"Mavi, umahon ka na, bilis!" Doon lang ako mas natauhan nang sigawan na ako ni Makoy. Nag-panic na ako. Mas lumalakas ang ulan. Ang agos ng kalawanging tubig ang dahilan sa pagtaas ng baha rito sa kinaroroonan ko. Hindi magtatagal at sa pagkalunod naman ata ang magiging dahilan ng pagkasawi ko rito.

"Mavi, please!" sigaw pa ni Makoy kaya dali-dali na akong gumawa ng paraan para makaakyat. Napakahirap. Wala akong mahawakan bilang pangsuporta upang makaahon.

"Kahit sa peligro talaga, sasamahan mo ang kaibigan mo 'no? Sige, pagbibigyan kita," ani Rovan kaya doon na ako napasigaw. Nakadagan na siya kay Makoy at ano mang oras ay pwede na niya itong hampasin ng pala sa mismong mukha. Hindi maaaring may madamay na naman dahil sa akin.

"Makoy!" tili ko. Nakaiwas siya sa unang atake. Halos kumawala na ang puso ko mula sa dibdib sa sobrang bilis ng tibok nito.

Isang bagay ang kumuha ng atensyon ko na nalaglag mula sa bulsa ng jacket ni Rovan. Dire-diretso itong nahulog sa hukay kung saan ako naroon. Naningkit ang aking mga mata. Isa itong baril.

Mabilis pa sa alas-kwatrong pinulot ko ito kahit nanginginig ang mga kamay. Walang paligoy-ligoy na ikinasa ko at itinutok kay Rovan. Halos manlabo na ang mata ko sa sobrang hilo at napakalakas na rin ng ulan.

"Iputok mo na!" nanggigigil na sambit ni Rovan at iniharang ang lupaypay na katawan ni Makoy upang hindi siya ang matamaan. Naluha ako. Hindi ito dapat nangyayari. Ngunit kung ano man ang ginagawa ni Makoy rito sa loob ng sementeryo, pananagutan ko na rin siya kung sakaling sa kanya tumama ang bala nitong baril na hawak ko.

Ayokong may mawawala na naman na buhay sa mga kaibigan ko. Napailing ako habang naka-kagat-labi. Alanganin kung kanino ko pa ito itututok?

"Just shoot him!" Isa pang sigaw ni Rovan ang nagpalakas ng adrenaline rush ko at kusa kong napindot ang gatilyo. Napapikit ako sa sobrang lakas ng putok. Otomatiko kong nabitawan ang baril at napasigaw.

Mayamaya'y napapitlag si Makoy at hinampas ng matigas na kahoy si Rovan na nakatulala na at hindi makakilos. Natamaan ko siya sa dibdib. Napaatras ako sa sobrang takot.

Nabaril ko siya. Nakapatay ako.

Walang pasubaling tumayo ang nanghihinang si Makoy at tinadyakan si Rovan hanggang sa mahulog ang katawan nito pababa ng hukay. Patungo sa paanan ko. Doon na ako muling napasigaw sa takot. Nakita kong dilat na ang mga mata niya at luwa pa.

"Mavi, come over here!" Boses ni Makoy ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Naipilig ko ang aking ulo at nagtungo sa direksyon niya. Inaabot niya ang kamay ko. Hindi ko mapigilang mapalingon sa hindi na kumikibong si Rovan dahil baka higitin na lang niyang bigla ang binti ko habang umaakyat. Ayaw pa rin paawat ng kabog ng puso ko hanggang sa makaakyat ako. Kusa akong napahiga sa maputik na lupa habang humihingal.

Habol ang hiningang nakatunganga si Makoy sa tapat ng libingan. Mayamaya'y kinuha niya ang pala at nagsimula nang maghukay ng lupa. Napakunot ang noo ko.

"What are you doing?"

Muli siyang nagpala ng lupa at hinagis ito sa hukay. Nasundan pa ito ng ilang beses bago siya tuluyang sumagot.

"I'm burying him for torturing you alive," mapait niyang sagot na naging dahilan para kumirot ang puso ko at hindi mapigilang maluha.

"M-Makoy," tawag ko habang naiiyak. Tumigil si Makoy sa ginagawa ngunit hindi niya ako hinaharap. Alam kong naiiyak na rin siya. Sandali pa'y nilingon niya ako. May luha na sa kanyang mga mata.

"Goodness, we thought you're already gone. You scared us to death, Maria Aviva," he cried in tears as the rain pours heavy than before while the lightning strikes in the dark sky.

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon