CHAPTER 15 - Flower For You

62 7 0
                                    

CHAPTER 15

Flower For You


MARIA AVIVA TRINITY DE VERA

"MAVI."

Napalingon ako sa nagsalita. May nakikita akong liwanag. Napatakip ako sa aking mga mata. Masyado itong nakakasilaw. Nahigit ko ang aking hininga nang maaninaw ang isang pigura ng tao. Napaawang ang bibig ko sa sobrang gulat.

"D-Daddy?"

Hindi siya sumagot. Sa halip, inilahad lamang niya ang kaliwang palad sa harapan ko. Waring inaaya na akong sumama sa kanya. Tiningnan ko siya sa mga mata. Hindi ko mapigilang mapaiyak. God knows how much I missed him. Sobrang tagal ko nang hindi siya nakikita at ganoon pa rin ang pangungulila ko na makasama siya. Ang sakit pa rin palang isipin na wala na siya at iniwan na ako. Nagsimula na akong humikbi.

"I'll go with you," walang pag-aalinlangan na sambit ko. Akma ko na sanang aabutin ang palad niya nang mahigit ko ang aking hininga. Naninikip na naman ang dibdib ko. Napaubo ako sabay singhap. Nawawalan ako ng hangin. Ngunit sa kabila ng paghihirap kong huminga, nagpumilit pa rin akong abutin ang kamay ni daddy. Hanggang sa ang daing ko dahil sa pananakit ng aking dibdib ay nauwi na sa isang sigaw.

"Dad!"

Tuluyan akong napaiyak. Tuluyan na siyang kinain ng nakakasilaw na liwanag.





OTOMATIKONG naimulat ko ang mga mata at kasabay noon ang sunod-sunod kong pag-ubo. Hindi ko mapigilang mapasinghap nang paulit-ulit dahil wala akong masagap na hangin.

"Why did you do that to her? You are such a bad guy!"

"I didn't do anything, little Stuart!"

"Yes, you do have! You just take off her oxygen! She can't breathe!"

"Get out of this room, now!"

"Oh, goodness! She's alive!"

"Bobo. Buhay pa naman talaga 'yan. Bwiset."

Nang mahimasmasan ako'y napatitig na lamang ako sa napakaputing kisame habang habol pa rin ang hininga. Sobrang sikip ng dibdib at pakiramdam ko'y anumang oras para na akong mahihimatay ulit. Bukod roon, ang sakit rin ng mga kasu-kasuan ko pati na rin ang bandang tagiliran. Hindi ko alam kung may tahi ba ito o butas na talaga. Napangiwi ako dahil sa kirot. Muli kong ipinikit ang aking mga mata nagbabakasakaling mas kakalma ang pakiramdam ko pero mali.

Naramdaman ko na lamang ang malakas na pintig ng puso nang may mapagtanto.

Buhay ako?

Mas nakumpirma ko ito matapos may humawak sa kamay ko at pisilin ito. Naibaling ko sa kung sino ang aking mga titig. There he stood beside my bed, looking at me directly in the eyes, while squeezing my left hand. Parang gusto kong maiyak nang makita ko ulit siya.

"I'm glad that you are alive and breathing," aniya sa napaka-cute na boses. Ngunit napawi ang ngiti sa labi ko dahil may naalala. Ang tatay niya mismo ang nagtangkang pumatay sa akin. Sa hindi malamang dahilan, agad kong iwinakli ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko at saka blangko siyang tiningnan. Nagulat man ang bata sa ginawa ko, nanatili siyang nakatitig sa akin na parang nag-aalala.

"JC, I said you get out of this room now or I'll lock you in the basement," pananakot ng lalaking may tangerine ang buhok. Nakasandal siya sa pader habang nakamasid sa amin. Sila palang magkapatid ang lumilikha ng ingay rito kanina pa.

Nakita ko ang pagrehistro ng takot sa kanyang mukha kaya agad siyang napaatras sa akin. Mayamaya pa'y tumalilis na siya palabas ng kwarto. Mas lalong naging tahimik ang buong paligid dahil sa pag-alis niya. Tanging ugong lang ng aircon ang maririnig at ang mabibigat kong butong-hininga. Umayos ako ng pagkakahiga. Tumihaya ako at ipinatong ang kanan na braso sa bandang ulo.

Sa gilid ng aking mga mata, nakita kong  naging abala na ang lalaking may tangerine ang buhok sa pagliligpit ng mga kalat na naiwan ng kapatid niya.

"You aren't afraid to die, aren't you?" Dahil sa naging tanong niya'y napapikit ako. Ayoko siyang makausap.

"My daddy should've killed you that night in the first place. But still, he let you live," aniya pa sa iritadong boses. Napapitlag ako nang itapon niya sa pwesto ko ang isang pares ng saklay.

"Did you know the reason why? Because your name belongs to the no-harm list. Yet you still have the guts to meddle with his plan."

Sa puntong iyon ay naluluha akong napatitig sa kanya. Bakas sa kanyang mga mata ang nararamdang inis na kanina pa niya waring gustong isumbat sa akin. Napalunok-laway ako bago sumagot.

"Bakit hindi na lang ikaw ang pumatay sa akin ngayon? Afterall, you're dying to kill me, right?" I said sarcastically that made him look puzzled. Ngunit nabawi rin niya ang pagkagulat na iyon pagkuwa'y ngumisi siya.

"This is your second life now. Baka kapag pumangatlo na, ako na ang tuluyang pumatay sa 'yo," babala niya pero hindi man lang ako tinamaan ng kaba. Sa halip, ngumisi na lamang ako at pagak na natawa.

"You're wrong. This is my third life now, actually."

Nakita ko muli ang gulat sa kanyang mukha ngunit hindi na ako nagsalita pa. Ipinikit ko muli ang aking mga mata. Nakarinig ako ng yabag at padabog na pagsarado ng pinto. Nakaalis na siya.

Doon ko lamang nailabas ang hikbing kanina ko pa pinipigilan. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Upang hindi masyadong marinig, napakagat-labi ako't mas napaiyak.

After what happened that night, I thought I would forever perish. I know the wounds he caused me were too deep to the point that it's impossible for me to survive. Those gun shots, I can still remember the sounds of each bullet being released and pulled by his trigger. I can still picture out his demonic face. I can still hear Ryan's voice calling my name when I told him to save himself. If ever I had the chance to escape with him that night, I would not suffer like this.

Bumagal ang tibok ng puso ko. Parang pinipiga ito.

Mayamaya pa'y agad ko na ring pinahid ang mga luha ko bago pa tuluyang bumukas muli ang pinto. Bumungad sa akin ang inosenteng mukha ng bata. Nakatago ang mga kamay nito sa kanyang likuran.

"How are you? Are you crying?" tanong niya. Napangiti ako at umiling bilang sagot. How could a demon be the father of this sweetest angel in front of me? I pity this boy for having a depraved family. He doesn't deserve this.

"I told daddy to let you go after your recovery. Honestly, I want to you to stay here. However, I don't want you to see lonely and crying because you miss your family." Parang gusto ko nang maglaho dahil sa mga sinasabi niya. Napakatalino at sensitibo niyang bata.

Umawang ang bibig ko upang magsalita pero hindi ko mahanap ang tamang sasabihin.

"You don't have to talk. I know you're in pain right now." His little voice sounds sweet as he held my hand and squeezed it. Is he aware that his father is  serial killer?

"He will not harm you at all. Just please, don't do it anymore, will you?" Hindi na ako nakasagot pa nang iabot niya sa aking kamay ang isang piraso ng lantay na bulaklak. Napatitig ako sa kanyang mga mata.

"My kuya did pick it from somewhere, maybe in the park. He wanted me to give it to you. That's the sweetest move my kuya ever did to a girl. I'm glad that  it was you!" pumapalakpak niyang sambit dahilan para mapakunot ang noo ko at titigan ang puting bulaklak na sobrang tuyot na.

It's the same old white flower I used to bring to my deceased friends. I swallowed hard and think for a second. My heart beat goes up as I looked at the child in front of me.

He has no idea about this thing. And I also have no idea why they are doing this to me.



***

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon