CHAPTER 26 - Hostage

59 7 0
                                    

CHAPTER 26

Hostage


PAGBABA pa lamang ng sasakyan ay hinagilap na ng tingin ni Mavi ang pinangyarihan ng aksidente na sangkot ang kaibigang si Raihana.

"Mavi, dahan-dahan naman!" sigaw ni Ryan na nakasunod lamang sa kanya. Nag-aalala itong baka madulas ang dalaga dahil basa pa rin ang kalsada. Hindi pa ito matuyo-tuyo dahil panay ang buhos ng ulan nitong mga nakaraang araw. Ngunit hindi siya nito pinansin at dire-diretso lamang ang paglalakad, iniinda ang sakit ng katawan dulot ng pagkakabugbog.

Mayamaya'y hingal na hingal itong napatigil sa gilid ng tulay. Inaninaw niya ang bakas ng aksidente. May mga gasgas pa ang sementong nasa tabi niya. Napapikit ang dalaga nang maramdaman ang kakaibang lamig ng hangin. Tinatangay na nito ang maalon-alon niyang buhok. Saka lamang siya napamulat nang ipatong ni Ryan ang jacket sa kanyang balikat.

Nagkatitigan sila. Napatikhim si Bonagua.

"Anong tinitingnan mo?" nakataas-kilay na tanong ni Ryan. Muling pinasadahan ni Mavi ng tingin ang semento.

"Do you think that it is a planned accident? Or a frame-up?" halos pabulong na tanong rin ni Mavi. Napanganga si Ryan.

"T-They still want us to be dead," makahulugan niyang sambit na parang may napagtanto.

"The serial killer," ani pa ni Mavi. Nakuyom niya ang kamao at nagtiim-bagang.

"Anong gagawin natin?" Naguguluhan na rin si Ryan at hindi na makapag-isip ng tama. Malakas na rin ang kutob niyang hawak ng mga ito si Raihana.

"We need to take actions as possible. Raihana could be in a big danger right now. We need to save her," determinadong bulalas niya. Nagkatinginan  silang dalawa na waring nag-uusap gamit ang mga mata.

"H-How?"

Magsasalita pa sana si Mavi nang tumunog naman ang cellphone ni Ryan. May tumatawag rito. Dali-daling dinukot ng binata ang cellphone mula sa bulsa at naningkit ang mga mata nang mabasa ang pangalan ng tumatawag.

"Yare na. Hinahanap na ata tayo ni Maui," kagat-labi niyang wika at sinagot ang tawag.

"Gago ka, Bonagua! Saan mo naman dinala si Mavi? Alam mo namang delikado ngayong lumabas, hindi ba?!" Napangiwi si Ryan at napabuntong-hininga naman si Mavi. Sasagot na sana ang binata nang agawin ni Mavi ang cellphone at siya mismo ang sumagot.

"We're coming home, don't worry," tipid nitong sambit kay Maui sa kabilang linya.

"Dito ba sa hospital? Aba, dapat lang dahil hinahanap ka ng doktor kanina pa," sermon ng kaibigan.

"No, not there. To my home." Matapos sumagot ay pinatay niya ang tawag at hinagis kay Ryan ang cellphone. Inilabas niya ang sariling cellphone at kinuhanan ng litrato ang mga gasgas na nakita sa tulay. Nang makontento sa anggulo ay naglakad na siya palayo at hindi na hinintay pa si Ryan. Napakunot naman ang noo ni Bonagua. Kakaiba ang kinikilos ni Mavi nitong mga nakaraan at hindi iyon lingid sa kanyang kaalaman.

Marahil ay sanhi ito ng hirap na dinanas ng dalaga sa loob ng bahay ng mag-amang iyon.

"Teka, hindi ka babalik ng hospital?" pahabol ng tanong nito sa kaibigan na papasakay na ng kotse.

"Uuwi na ako," tipid na sagot nito sa kanya at ngumiti nang tipid.

"Sige, ihahatid na lang kita," pagsuko ni Ryan at tumango na lamang.








SA nanlalabong paningin ni Raihana ay may naaaninaw siyang dalawang pigura ng tao na tila nagtatalo. May naririnig siyang sigawan ngunit hindi iyon klaro sa kanyang pandinig. Sinubukan niyang igalaw ang mga kamay at paa. Napadaing siya sa sobrang sakit ng kalamnan. Wala siyang maalala sa nangyari. Ang tanging alam lang niya'y may nakabangga ang kotse niya. Pagkatapos noon, hindi na niya alam kung saan siya napadpad. Isa lang ang nasisiguro niya. Wala siya sa ospital ngayon. Wala siyang naririnig ni boses ng isa sa kanyang mga kaibigan. Sa halip, boses ito ng dalawang lalaki na waring nag-aaway at isang iyak ng bata.

"Dad, I told you to stop doing this! She's not worth of our time!"

"She's just as sinful as her friends! Walang magbabago doon. Lahat sila papatayin ko. Ngayon, kung ayaw mong pumanig sa akin, papatayin rin kita!"

Muli siyang gumalaw at sa puntong iyon ay napasigaw na siya dahil sa nararamdamang kirot. Dahil doon, naudlot ang pagtatalo ng mag-ama. Nakuha niya ang atensyon ng mga ito. Unti-unti niyang iminulat nang tuluyang ang mga mata. Hindi nga siya nagkamali.

Ang akma niyang pagbangon ay naudlot. Para siyang naparalisa at nagsimulang maiyak nang makitang lumalapit na sa kanya ang matandang lalaki. Nakangisi ito habang bitbit ang isang napakatalim na kutsilyo.

Naiiling siyang napaiyak.

"Gising ka na pala, hija. May naalala ka ba sa nangyari? Naaksidente ka. Natatandaan mo na?" Mas lumakas ang pag-agos ng luha ng dalaga dahil sa nararamdamang takot para sa sarili. Kinakabahan siya sa posibleng mangyari o gawin sa kanya ng dalawang ito.

"H-help!" Sa wakas ay nagkaroon siya ng pagkakataon na sumigaw ngunit umalingawngaw lang ang boses niya sa apat na sulok ng kwarto. Nagpakawala ng halakhak ang matanda. Nanatili namang tahimik si Jenis na nakasandal lamang sa sulok. Wala itong magawa kundi panoorin ang ama na pahirapan si Raihana.

"Wala ang mga kaibigan mo para iligtas ka kaya kung ako sa 'yo, tatahimik na lang ako. Hindi na iyon darating dahil pagkatapos kitang patayin, sila naman ang pupuntiryahin ko. O pwede ring sila ang mauna kaysa sa 'yo. Mamili ka? Tutal ikaw naman ang ipapalit ko sa kaibigan mong nakatakas rito," mahabang litanya ng matanda kaya napaigtad siya sa kaba.

"Don't you ever harm Mavi again or I'll kick your balls out!" Nanlisik ang kanyang mga mata. Hindi niya hahayaang may mapahamak o mawala na naman sa mga kaibigan niya. "She has been through hell and I won't let that happen again. You, shit!"

Napasigaw siya nang awtomatikong dumapo sa kanyang mukha ang palad ng matanda. Sinampal siya nito na halos ikamanhid na ng buong pisngi niya.

"At ngayon, ikaw naman ang makakaranas ng impyerno sa pamamahay na ito."

Napahikbi si Raihana.

"Why are you doing this to us? Wala kaming ginagawang masama sa inyo!"

"Dahil makasalanan kayong lahat. Tinutulungan ko lang ang bayang ito na makalaya sa mga kasalanang ginawa n'yo!"

"Mas baliw ka pa pala sa inaakala ko!" bwelta ng umiiyak na si Raihana. Dahil sa sinigaw niya'y nakatanggap siya ng suntok mula sa nagtitimping si Jenis.

"Walang baliw sa pamilya namin!" kontra nito. Sinamaan lamang siya ng tingin ng dalaga kahit nagdurugo na ang nguso niya.

"You are just crazy shit. Pinecrest must get rid from the two of you. I can't wait for your death, assholes!"

Hindi na nakapagpigil pa ang mag-ama at pinagtulungang sikmuraan ang kaawa-awang dalaga.


***

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon