CHAPTER 16 - Madness

65 9 0
                                    

CHAPTER 16

Madness


"WHAT's your name?" tanong ko sa batang umaalalay sa akin habang naglalakad. Ipapasyal raw kasi niya ako sa garden nila sa likod-bahay. Kahit tinatamaan ng kaba na baka makita ako ng tatay nila, minabuti ko pa ring pumayag dahil nabuburyong na ako sa loob ng kwarto. Hindi ko na kaya. Gusto ko na sanang gumawa ng paraan para makatakas pero hindi pa kaya ng katawan ko. Kailangan ko pang mas magpalakas.

"Justin Charles. Dad said, people from America were blessed and prestigious if they have the initials of J and C. So he named me after them." Sa sobrang talino ng pagsagot niya, umawang na lamang ang bibig ko sa dahil sa pagkamangha.

"How about the name of your brother?" usisa ko pa. Pamaya't maya pa akong napapangiwi dahil pakiramdam ko, bumubuka ang tahi ng tagiliran ko kapag gumagalaw.

"Jenis Balandra Cabantog Jr. Why are you asking?" Isang baritonong boses ang umagaw ng atensyon ko. Nakita ko na naman ang lalaking may kulay tangerine na buhok. Nakahiga ito sa Bermuda grass habang nakapatong sa kanyang buong mukha ang makapal na libro. Hindi mo mapaghahalataang mahilig magbasa ang isang ito. Tumikhim ako at napaiwas ng tingin. Ayokong nakikita siya dahil umiinit ang dugo ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang mismong garden na tinutukoy ng bata.

Iginala ko ang aking paningin sa kinaroroonan namin ngayon. Isang malawak na hardin na napaliligiran ng iba't ibang uri ng bulaklak. May ilang mga paru-paro rin na nagliliparan kaya hindi ko mapigilang ngumiti. Ang isang may kulay asul pa ang mga pakpak ang dumapo sa hintuturo ko. Mayamaya'y napakunot ako. Parang nangyari na ang ganitong senaryo dati. Hindi ko mapigilang maikumpara ang hardin ni Aayi sa hardin na kinaroroonan namin ngayon. Ganitong-ganito.

"This is so beautiful," I muttered and looked around. I can't believe that an insane father would have an elegant garden like this.

"Who takes care of this garden?" tanong ko pa. Napatingala ako sa kalangitan at minalas ang nakakasilaw na liwanag ng araw. Agad rin akong napapikit dahil ang sakit sa mata.

"My Mom used to take care of this but sadly daddy killed her," kalmadong sagot ng bata na hinahabol na ang mga paru-paro at tila nakikipaglaro. Dahil sa sinabi niya'y parang umurong ang mga dila ko.

"W-What did you say?" Natigil siya sa pagkatakbo at tiningnan ako gamit ang napakainosenteng pagmumukha.

"Daddy killed her," pag-uulit niya na mas lalo lang nagdala ng pagkabahala ko. Napalunok-laway ako at pinilit ikalma ang sarili.

"W-Why did you let your father killed someone you love, like your mother?" tanong ko pa. Parang wala lang sa kanya na nag-isip pa siya ng sagot.

"Because she cheated on him?" hula nito na parang hindi sigurado sa sinabi. Alinlangan akong napangiti dahil hindi ko na alam ang ire-react. Pakiramdam ko, isa rin siya sa mga nauto ng tatay niyang ayos lang pumatay ng tao. Napakabata pa niya para malaman at masaksihan iyon pero bakit parang wala lang sa kanya ang lahat? Bakit hindi siya apektado?

"Let's ride a swing! There's one over there!" masaya niyang turo at nanguna nang tumakbo sa direksyon na kanyang tinutukoy. Hindi lang pala ito basta hardin. May playground rin pala rito na para sa kanya. Matapos siyang makarating, lumingon siya sa akin kalakip ang napakalawak na ngiti.

"Come over here!" Sinenyasan pa niya ako gamit ang kanyang mga palad. Wala akong ibang nagawa kundi ang paika-ikang lumapit sa kanya. Napakahirap maglakad gamit ang saklay ko na pangsuporta. Feeling ko, baldado na agad ako. Kung makikita lang ako ng Rubber Duckies na ganito ang kalagayan, tiyak na tatawanan nila ako. Halos kumirot ang puso ko nang maalala sila. Hinahanap pa kaya nila ako matapos ang nangyari?

"Have a ride," alok niya. He even tapped his hand on the other swing telling me that I should have a ride too.

"Sure. But don't push me too hard. I have fractures," pag-amin ko.

"Let me help you," aniya pa at siya na ang umalalay sa akin para makaupo nang maayos sa swing na katapat ng kanya. Napangiwi ako dahil sa sakit ng kasu-kasuan at tagiliran.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang buong hardin. Paulit-ulit akong bumuntong-hininga.

"Does your father work at day time too?"

"Of course, he's a businessman," he answered.

"And a serial killer at night," dagdag ko sa sinabi niya kaya hindi niya napigilang tumitig sa akin. Hindi man ako nakatingin sa kanya, nakikita ko siya gilid ng mata ko. He looked so confuse. Kawawang bata. Hindi niya alam ang ginagawa ng ama niya sa mga inosenteng mamamayan.

"Did you know that your father is the talk of the town for killing innocent people of Pinecrest?"

And for killing my friend as well. Gusto ko pa itong sabihin ngunit pinigilan ko na ang bunganga ko. Lihim akong napatiim-bagang at nakuyom ang kamao.

"He doesn't kill people for fun. He kills for a reason." Putangina. Is this really coming from his son? That fucking killer really knows how to raise a son, huh? He's a manipulative monster. I smiled sarcastically. I looked up to the sky to find calmness so that I control myself from slapping the mouth of this little kid.

"Can you tell me that fucking reason why he kills?"

"He said Pinecrest people are sinners. They are bad." Halata sa boses ng bata na nagsasabi siya ng totoo. Ito marahil ang itinatak ng walanghiya niyang ama sa pag-uutak niya. Nanggigigil ako. Ayokong lumaki siya sa ganitong pag-iisip. Napakatalino niya para gawing mangmang ng sarili niyang pamilya.

"And you really believe him?" hindi makapaniwalang saad ko.

"Daddy is always telling the truth. He said to me that there is no room for lies here as long as I am inside this house," paliwanag niya at inosenteng itinulak mag-isa ang swing.

"What about him? He also belongs here in Pinecrest. Doesn't he think killing sinner people will not save him from being sinful? How ironic of him saying that. He's alleviating sinners but he, himself is also one." I gritted my teeth.

"Are you mad at daddy?"

Napalunok-laway ako at nagpasya nang tumayo. Hindi na talaga ako makakatagal sa pamilyang ito ng isang araw pa. Kailangan ko nang gumawa ng paraan para makaalis rito. Hindi ko na sinagot pa ang tanong niya.

"Where are you going?" tanong ni JC. Hinagilap ko na ang saklay ko at nagsimula nang maglakad papalayo sa kanya.

"I need a rest," tipid kong sagot.

I badly need a long rest for me to go out of here. Alive.



***

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon