CHAPTER 7 - Home of the Butcher

65 10 0
                                    

CHAPTER 7

Home of the Butcher


"JENIS, hindi ko kaya ang bigat niya. Pota! Bakit ba kasi kailangang buhatin pa natin 'to?"

"Tangeks! Malamang makakahalata sila sa atin kaya gawin mo na lang ang trabaho mo!"

"E, potangena. Pwede naman kasi nating itapon na lang ang katawan niya sa talahiban o kaya sa ilog para wala nang makakita."

"Kung may utak ka, sana inisip mong tulog lang 'yan at hindi pa patay. Ungas."

"Lagot ka sa daddy mo kapag nalaman niya ito."

"Ikaw ang malalagot kapag nalaman niyang inaagaw mo ang trabaho niya."

"Kasalanan niyang bubwit mong kapatid. Iyan tuloy, mapapahamak pa tayo."

Unti-unti kong iminulat ang mga mata. Sobrang dilim ng nakikita ko at kumikirot ang ulo. Bukod doon, nararamdaman ko pang buhat ako ng kung sino. Mayamaya'y nakarinig ako ng pagbukas at sarado ng pintuan ng sasakyan. Tangina, sa sobrang himbing ng tulog ko, hindi ko namalayang nakabiyahe na ako at hindi ko na alam kung nasaan ako ngayon.

Anong oras na ba? Ang tanging naaalala ko lang, binisita ko si Ken kanina. Pagkatapos noon, hindi na ako nakauwi. Kasalanan lahat ito ng batang iyon. Ako tuloy ang napahamak dahil sa kanya! Hindi ko alam kung kasama siya sa foul play kanina at siya lang ang ginawang pain para ma-kidnap ako. Basta ang alam ko lang, nanganganib na ang buhay ko!

Sinubukan kong magsalita ngunit hindi ko magawa dahil sa masking tape na nakalagay ngayon sa aking bibig. Ang tanging nagawa ko lamang ay ang magpumiglas kahit na buhat pa rin ako ng hindi ko kilalang lalaki.

"Gago, gising na nga, o! Tapusin na kaya natin 'to?" sambit ng lalaki kaya nanlaki ang mga mata ko. Mas nagpumiglas ako dahilan para bumitaw siya. Sinadya niya akong ibagsak sa Bermuda grass. Napadaing na lamang ako sa sakit ng katawan. Kaya pala hindi rin ako makagalaw. Nakatali na ang mga braso at binti ko.

"No! Don't hurt her! She's not bad!" Narinig ko ang pagsigaw ng batang lalaki kaya sa kanya natuon ang atensyon ko.

"Oo, alam ko kasi mas masama tayo. Punyemas ka kasi. Kung hindi ka pagala-gala at tatakas-takas ng bahay, hindi siya madadamay!" sermon ng isa pang lalaki sa batang balak ko sanang tulungan kanina. Natigilan ako nang mapagmasdan siya.

Tinanggal na niya ang suot na bonnet kaya mas nakita ko ang kabuuan niyang hitsura. Tangerine ang kulay ng buhok nito na nasisinagan lamang ng ilaw mula pa sa katapat na lamp post. Bukod doon, napakaputi rin ng balat niya na waring hindi lumalabas ng bahay. May hitsura naman siya. Matangos ang ilong at mahahaba ang pilik-mata. Pero mas nangibabaw ang pagkainis ko nang magtama ang mga titig namin. Siya iyong balak kumidnap kanina sa bata. Magkaano-ano sila ng batang 'to?

Shit. Na-scam nga ata ako at ako pa itong napahamak.

"You should let go of her. Wala siyang kasalanan," giit ng bata at pumadyak pa ang isang paa sa kinatatayuan. Nagpumiglas muli ako sa pag-aakalang luluwag ang lubid na nakatali sa akin.

"No. I'm not gonna do that, JC. Kailangang maturuan ng leksyon ang babaeng iyan sa balak na pag-kidnap sa 'yo," sambit ng lalaking may tangerine na buhok kaya napatingin ako sa kanya na parang hindi makapaniwala.

What the fuck is he saying? Ako pa itong balak kumidnap? Potangina talaga!

"May sinasabi ata. Alisin mo ang busal sa bibig. Ang sakit sa tenga ng ungol," iritadong wika pa ng lalaki kaya mas nanggigil ako sa galit. Habol ko ang hininga nang makasagap ng preskong hangin.

"Let go of me, you, assholes!" sigaw ko kaya napatitig siya sa akin. May kung ano sa mga mata niya na nagpatigil sa pagwawala ko. Sobrang lalim niyang tumingin na animo'y lulunurin ka kapag hindi ka umiwas.

"Pakakawalan lang kita kapag naging bangkay ka na," aniya sa seryosong tinig na naging dahilan para matigalgal ako sa pagkakaupo. Sandaling katahimikan at humagalpak ng tawa ang lalaking katabi ko.

"Nice one, bro!"

"Jenis, what's happening here? Anong nangyari sa anak ko?"

Kapwa kami napatingin sa isa pang lalaki na mas may edad kaysa sa kanila. Matangkad rin ito at matikas ang pangangatawan ngunit bakas na roon ang katandaan. Nanlamig ako nang makita ang hawak niya. Isang bagong hasa pa ata na palakol. Parang gusto ko na lang lumubog rito sa kinaroroonan upang makatakas sa kanilang lahat. Hindi pa ako pwedeng mamatay. Hindi pa ako handa na makita sina mommy at daddy. At mas lalong hindi ko gustong mamatay sa brutal na paraan.

"Dad, this girl attempted to kidnap JC," boring niyang sagot. Pinanlisikan ko siya ng mga mata.

"I didn't kidnap your son," matigas kong giit sa matandang lalaki at akma nang tatayo ngunit sumakit naman ang mga binti ko. Para akong na-paddle ng ilang beses.

"Dad, she's not bad. She even helped me." The child interfered.

"Sasagot ka pa, ha?"

"Kuya, I'm telling the truth." Pinagdaop pa ng bata ang marungis niyang mga kamay at tumingala sa lalaking tinawag niyang kuya. So magkapatid sila. At itong lalaki na may dalang palakol ang ama?

Sumasakit ang ulo kong isipin kung sino sila at bakit lahat sila nakasuot ng itim?

"Miyembro ba kayo ng kulto?"

Sabay-sabay silang napatitig sa akin na may naguguluhang mga mata.

"No, we're not. But my daddy is a serial killer."

Dahil sinabi niya, kulang na lang ay maupos ako sa kinauupuan. Nanigas ang mga kalamnan ko at bumagal ang tibok ng puso. Nasilayan ko ang pagdilim ng aura ng matandang lalaki at pagtalim ng titig sa akin. Unti-unti siyang lumalapit.

"Quit it, Jenis. Now, I have to kill her too because of your talkative tongue."

Mas naging dahilan iyon para manlaki ang mga mata ko. Kumislap ang talim ng palakol sa liwanag ng lamp post. Isang tili ang pinakawalan ko at kasabay noon ay ang pagsigaw rin ng bata.

"Don't kill her! I told you that she's not bad! Please, dad. Don't do that to her." Ang munting tinig niya ang nagpadurog ng puso ko pero mas nanghina ako nang lumapit siya at yakapin ako habang humihikbi. Hindi ko na napigilan pang mapaiyak at yumakap pabalik.

Sa hindi malamang dahilan, naramdaman ko ang comfort na hinahanap ko at sa isang bata pa. May kakaiba sa yakap niya. Mas napahikbi ako. Naramdaman ko na naman ang pangungulila sa isang kapatid.

Nakita ko ang unti-unti pagbaba ng lalaki sa hawak niyang palakol at napabuntong-hininga.

"Rovan, take her inside the house. Make sure she can't escape. Ayokong paghinalaan na naman tayo ng mga siraulong 'yon," utos niya sa lalaking katabi ko. Pagkatapos noon, sapilitan niya akong inilayo sa bata at kinaladkad papasok ng malaking bahay.




***

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon