CHAPTER 10 - Failed

71 8 2
                                    

CHAPTER 10

Failed

"MAVI, you should not do this," angal ni Makoy habang kausap ko siya sa kabilang linya. May takot at pangamba sa boses niya. Agad kong inayos ang suot kong itim na T-shirt na pinaibabawan ng denim jacket bago sinubukang ngumiti sa harap ng salamin. Napawi ang ngiti ko nang makita ko ang buo kong hitsura. Mugto ang aking mga mata dahil sa kakaiyak buong magdamag. Hindi ako pinatulog ng lungkot at pagluluksa sa pagkawala ni Cherus Ann. Ang daming bagay na sumasagi sa isip ko tulad ng ni hindi ko man lang siya nakausap bago mangyari sa kanya ang krimen na iyon.

"Mavi? Are you still on the line? Maria Aviva, listen to me." Boses ni Makoy ang nagpabalik-huwisyo sa akin.

"I'm still here." My voice was so husky right now. I can't talk normally. I'm also having a hard time to swallow even my saliva.

"You need to be here tonight in Cherus Ann's funeral wake. Kahit ngayon lang maging kompleto sana tayo."

"Makoy, you are the only person that I can trust for now so please do understand my plan. Just tell the other Rubber Duckies that I can't come tonight. Don't tell anything to Raihana," pakiusap ko.

"I can't do that. Ipapahamak mo lang ang buhay mo. Tapos ako pa ang masisisi kapag nalaman nilang hinayaan kitang maghanap ng mamamatay-tao---"

"Lower your voice! They might hear you there," suway ko.

"Mavi, makinig ka naman sa akin," aniya pa pero hindi ako nagpatinag.

"I'll buy you one box of pizza," pampalubag-loob ko sa pag-asang baka pumayag siya sa aking alok.

Matagal siya bago nakasagot. Naririnig ko ang sunod-sunod niyang buntong-hininga. May iba-ibang boses rin akong naririnig senyales na dumarami na ang tao sa lamay ni Cherus Ann.

"I'll cover you if you'll make it three," sambit niya kaya halos masapo ko ang aking noo at napailing.

"You really know how to scam, don't you?" I sound disappointed. I heard him laugh.

"With free cans of soda. Deal or no deal?" tanong pa niya kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag dahil tumatakbo na ang oras at kailangan ko nang makaalis ngayong gabi.

"Okay, deal. Just promise me you won't spill our tea."

"Madali akong kausap, Mavi. Sana ikaw rin," hamon niya.

"Good boy, Makoy. Now, ask Bonagua if he has the key of his motorcycle," maotoridad kong utos kaya napasigaw siya sa sobrang gulat.

"Pota! Magkasabwat kayo ni Bonagua? Paano mo napapayag ang hinayupak na 'yon? Budol ka talaga, Maria Aviva!"

I immediately ended up the call when I heard a loud growl of motorcycle outside. I slipped the phone in the pocket of my jeans and ran to the main door leaving it secured and locked.

"You came. Kakatawag ko pa lang kay Makoy. Napakabilis mo!" puri ko at pumalakpak pa sa sobrang tuwa na sasamahan niya ako ngayong gabi kahit napakadelikado. Hinubad muna niya ang suot na helmet bago ako titigan sa mga mata at sumagot.

"I'm against your plan, Mavi." Nawala ang ngiti ko sa mga labi nang sabihin niya iyon.

"But I just can't let you do it alone. Sasamahan kita hanggang sa kamatayan," aniya sa seryosong tinig na naging dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

Napangiwi ako at hindi alam ang sasabihin.

"Are you trying to sound sweet?"

Nakuha naman agad niya ang ibig kong sabihin kaya halos masamid siya.

"Nevermind. Let's go," pag-iiba niya ng usapan at muli nang pinaandar ang sasakyan. Puno man ng pag-aalala para sa plano namin ngayong gabi, hindi ko mapigilang mapangiti sa hindi malamang dahilan.

Ang alam ko lang, hindi ako mag-isa sa paghahanap ng hustisya para kay Cherus Ann dahil kasama ko si Bonagua. Sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang kasiguraduhan sa tabi niya.






"SURE ka ba sa plano mo? Paano mo naman nalaman na dito nakatira iyong source ng death card? Siya rin ba ang pumapatay?" sunod-sunod na tanong ni Bonagua.

"Shut up for a moment. We came here just to find leads. Not to meet the killer," palusot ko pa nang maalalang hindi ko ito dapat gagawin. Mamamatay ako kung sakaling malaman nila.

"Ang gulo mo. Ano ba talaga itong pinasok natin? Hindi mo naman pinaliwanag nang maayos," naiirita niyang reklamo.

"Basta ang usapan, ako lang ang papasok sa bahay at maghihintay ka rito sa labas," giit ko. Hindi ko mapigilang mapangiwi dahil napakasakit sa puwetan ang lubak-lubak na kalsadang aming dinaraanan.

Mayamaya pa, ipinarada ni Ryan ang minamaneho niyang motorsiklo ilang metro ang layo sa napakalaking bahay. Inilabas ko ang dala kong telescope at agad itong sinipat-sipat.

"Sinong baliw ang magtatayo ng bahay rito sa masukal na parte ng Pinecrest?" tanong niya at napangiwi. Ibinaba ko ang telescope pagkuwa'y iniabot sa kanya.

"Do you remember Aayi who founded a home for the orphans in the middle of the forest? Same as this crazy family who kills innocent people for fun," nanggigigil kong sagot. Hindi ko mapigilang makuyom ang kamao nang maalala na sila ang pumatay kay Cherus Ann at sa iba pang mamamayan nitong Pinecrest. Isa silang salot rito.

"What? Mavi, hindi mo sinabing narito na tayo sa bahay ng totoong killer. Huwag mong sabihin na papasukin---"

Bago pa niya maituloy ang sasabihin, tinakpan ko na ang bibig niya gamit ang kabila kong kamay at hinatak patago sa pinakamalagong halamanan sa gilid. May narinig akong paparating na sasakyan. Hindi nga ako nagkamali. Nanlaki ang mga mata ko nang tumigil ang itim na kotse sa tapat mismo ng nakaparadang motor ni Ryan. Lumabas roon ang matandang lalaki.

Kapwa kami nagkatinginan ni Bonagua at ginawa ang lahat upang huwag makagawa ng ingay.

"May nakaligaw pang magiging biktima. Rovan!" tawag niya sa isa pang lalaki na kung hindi ako nagkakamali, kaibigan ito noong may lalaking may tangerine ang buhok. Gusto nang lumabas ng puso ko sa sobrang kaba na nararamdaman.

"Pakiabot ang palakol," utos niya.

"Yes, bossing!" Sa tulong ng liwanag ng buwan, nakita ko ang pagsaludo niya bago gawin ang inutos ng lalaki. Pagbalik ng inutusan, walang awa niyang inihampas ang talim nito sa mismong gulong, rear view mirror, at buong motor ni Bonagua.

"Pota, ang motor ko!"

Isang sigaw na mula sa kanya ang nagpatigil ng tibok ng puso ko. Patay na. Huli na nang masenyasan ko siyang tumahimik. Namalayan na lang namin na nakatutok na sa amin ang liwanag ng isang flashlight at narinig ko ang pagkasa ng isang de-kalibreng baril.

"Tingnan mo nga naman at mga palay na ang lumalapit sa manok," nanunuksong sambit nito pagkuwa'y humalakhak. Halos hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngunit minabuti kong hatakin pa rin palayo si Bonagua.

"Fuck! Run!" tili ko kasabay ng takbuhan namin sa malalagong talahiban na hindi ko na alam kung saan papunta. Ang tanging alam ko na lang ngayong gabi, tumatakbo ako para sa buhay ko at palpak na agad ang plano namin.




***

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon