Chapter 23: Her Assassin

37 4 3
                                    


Bea's P.O.V

"Andito ka nanaman?" Gulat kong tanong sa taong kakapasok lang ng opisina ko. Seriously? May sarili naman siyang kompanya bakit dito sya tumatambay?

Nagtataka akong nakatingin sa kaniya habang sya naman ay nakangiti lang saakin at feel at home na humiga sa sofa na di kalayuan saakin. "Seriously? Ano akala mo sa kompanya ko? Tambayan? Mr. Sandroval you have your company all to yourself so bakit ka pa pumupunta dito?" Yes! Si Ralph nga tinutukoy ko. Naging masamang habit na niya ang tumambay dito sa opisina ko sa loob ng tatlong linggo! Imagine my reaction and how self conscious I am while he's here. Damn. Tatlong linggo narin akong naiilang sa pagcheck ng mga papers. Well di naman ako laging nandito sa office eh.

Kaya ba to nandito dahil sa result ng check up ko nung mga nakaraang linggo? Eh di naman malala ang kalagayan ko ah? "Kung matutulog ka lang dito umuwi ka nalang. Marami pa akong aasikasuhin." Pagsusungit ko at agad na isinuot ang salamin na nirecommend saaking gamitin habang nagbabasa. This would lessen the possibility of having headaches according to my doctor.

Lumipas na ang ilang minuto at ang inaakala kong tulog na kasama ko ay hindi pala. Inangat ko ang aking ulo at agad na nakasalubong ko ang mga titig niya. Parang tumalon sa kaba ang puso ko kaya agad akong napababa ng tingin. Ugh! Tatlong linggo na kaming ganito. Susulyap ako at mahuhuli ko siyang nakatitig saakin tapos bababa ako ng tingin at mamumula ang tenga ko. Gah! Bakit ba kasi ito nandito!? Hello!? Kinikilig ako!


Pero kailangan wag ipahalata at maging masungit.


"Hindi ba sumasakit ulo mo? You've been busy with those papers na pwede mo namang ipagawa sa secretary or VP mo." Dinig kong sabi niya habang nakahiga sa sofa at nakapangko ang kamay nito sa kaniyang ulo upang suporta.



"Ayoko. Gusto ko pinaghihirapan ko lahat. Hindi dahil ako ang may ari ng kompanya ay dapat wala na akong ginagawa. It's not my type." Seryoso kong saad habang inaayos ang mga natapos ko nang pirmahan.



"You're making me fall in love with you even more deeper, Bea." Napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa kaniyang gawi. "But you should enjoy too. Di ka naman lagi sa opisina sa future eh." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig nitong sabihin?


"Bakit? Lagi mo kong guguluhin to the point na di na ako pupunta dito? Pwes mali ka ng iniisip." Inirapan ko pa siya naikinatawa niya. Baliw na talaga.

"No. What I mean is, you don't have to run a business anymore if you become my wife. Cause that's my job, not yours."


If you become my wife...

That's my job, not yours..

My wife...



Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko ng segundo at ang kasunod nito ay ang sunod sunod na tibok na akala mo ay tumakbo ako ng ilang milya. My heart is thumping so loud and it scared me that he might hear it. I swallowed the lump on my throat and blinked a lot of times. Di parin nag sisink in sa utak ko ang mga sinabi niya ngunit parang surang plakang paulit ulut sa utak ko naglalaro ang mga salita niya.


P-Pinagsasabi ng baklang to?



Umangat ang gilid ng mga labi niya at umayos ng upo mula sa pagkakahiga. Kita ko kung paano niya alisin ang kaniyang necktie na nakatali palibot sa kaniyang leeg at itinapon iyon sa kaniyang tabi. Napalunok ako muli nang dahan-dahan siyang tumayo at paisa-isang tinanggal ang tatlong butones neto habang naglalakad palapit saakin.

Di ako makapagsalita..

Ni hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko!

Nakasunod lang ang mga mata ko sakaniya at habang palapit sya ng palapit ay sya namang palakas ng palakas ng takot ko dahil baka marinig na niya talaga yung malalakas na tibok ng puso ko. Fucking hell! Bakit ba ang hot nya tingnan sa ginagawa niya!?

FILWMGB 2: Still Into YouWhere stories live. Discover now