Chapter 10: A pinch of Revenge

96 6 2
                                    




Let me remind you guys na maraming Grammatical error, typos and other errors po ang mga susunod na chapters. Excuted lang ako na ipublish at di ko na naiproof read hehe. Thank you sa unawa!










Third Person's P.O.V

What happened at the event has been broadcasted worldwide. Hanggang ngayon ay usapan parin ang nangyareng barilan sa kung saan naganap ang occassion ni Bea. Dahil sa mga press na nakakalat sa buong building at sa event ay nai-broadcast rin ang mga nangyare ng live.

Maliban sa nakakatakot na biglaang barilan ay marami ang nagtatanong kung bakit ngayon lang nagpakilala ang nawawalang anak ng mag-asawang Aviles. At kung pwede daw ba nilang ma-interview si Princess Gaile Griño-Aviles.  Pumutok na ang balita mula Pilipinas hanggang sa ibang bansa. Karamihan ay nagulat at nagtaka dito. Pero wala nang pake-alam si Bea kung maniniwala ang mga ito. Dahil mula ngayon sya na ang magiging isa sa mga board member ng Aviles Corporation dahil sya ang may pinakamalaking pera na naka-invest sa kompanya. Dapat nga sya ang CEO ngunit kailangan pa itong pagbotohan ng iba pang stock holder.

At iyon nga ang plano nya ngayon. Nakabihis na si Bea ng pang opisina para sa meeting na magaganap mamaya. It's a big one. Because of the tea that had spilled. She's wearing a black fitted turtle neck dress na yumayakap sa mala-hour glass netong katawan. Di rin maitatago ang malalaki nyang dibdib na dati ay tinatago lang nya sa maluluwang na shirts at minsan kinailangan pa nyang magsupporter para sa boobs upang maitago ang mga ito. Ang makikinis nyang balat ay mas dumagdag pa sa kanyang kagandahan at bumagay pa ito sa kulay ng kanyang dress.

She let her hair loosen up with curl ends and pinarehaan nya ang kanyang dress ng 5 inches na high heels na kulay itim din. Tiningnan nya ang sarili nya sa malaking salamin ng kanyang kwarto at napatitig ito sa sarili. She can't believe na ang dating nangangarap lang na dalaga dati na magkaroon ng sariling kompanya ay ngayon nagmamay-ari ng pinakamalaking stock sa Aviles Corp.

Flashbacks:

"Daddy! Daddy! Is this our company na? But Where's everyone?"

A little Bea or Princess Gaile asked her Dad as he give his baby girl a tour in their soon company building. Masaya namang tumango ito sakanya at sinagot ang tanong ng anak.

"Next week pa kasi ito mapupuno princess. And soon kapag malaki ka na, ikaw na ang mamamahala ng kompanya natin. Papalaguin ko ito at ipagpapatuloy mo itong palaguin anak" nakangiting sabi neto sa kanyang anak na kanyang buhat buhat habang papunta sila sa pinaka-opisina. His own office.

"Talaga po Daddy? Edi ako na magiging Princess ng kaharian na ito! I will fill it will unicorns,butterflies, and rainbows!" Sobrang excited netong sabi at nagtatalon ito nang ibaba ng kanyang Daddy dahil narating na nila ang CEO office.

Natawa naman ang ama neto habang nakitalon narin sa kanyang anak. Inabot din sila ng ilang minuto kakatalon at naglaro sa walang laman na espasyong opisina. Mahahalata mong sobrang saya nilang dilawa.

-End

Kung pwede lang sana bumalik si Bea sa mga araw na iyon ay gagawin niya. She wished na kasama parin nya ang Daddy at Mommy nya ngayon. Sana di nalang sila naaksidente. Sana maibabalik pa nya ang nakaraan. She wants to be with them ulit.

"Mommy, Daddy. I miss you na po" bulong nya sa sarili. A tear fell in her eye and she quickly wiped it off baka kasi masira ang mascara nya.

Ang sakit at lungkot na nararamdaman nya ay unti-unting napapalitan ng galit. Galit dahil sa mga taong naging dahilan kung bakit hindi sya lumaki na kasama ang mga totoong mga magulang neto at kung bakit andaming paghihirap ang naranasan nya.

FILWMGB 2: Still Into YouWhere stories live. Discover now