Chapter 12: Going out with Him

86 4 0
                                    

Third Person's P.O.V

   Ipinarada ni Ralph ang kanyang sasakyan sa malapit na restaurant kung tawagin ay Deliciae diner na pagmamay-ari ng isa sa pinakasuccessful na chef sa buong Pilipinas. Dito madalas kumakain si Ralph simula nung umalis ng bansa si Bea. At dahil dito ay nakilala nya si Jacob Wicko, A half german and half polish man.

Naunang bumaba si Ralph at pinagbuksan ang nakasimangot na si Bea. Di nya kasi parin alam ang dahilan kung bakit sya inaya neto kumain. Sinapian ba ang binata? Pagkatapos ng lahat ng ginawa nya sakanyang pag-papaasa?

Nakasimangot parin si Bea habang nakasunod kay Ralph na pumasok sa loob at amoy agad ang aroma ng american-dishes dito. Biglang naglaway ang bagang ni Bea sa naaamoy at ramdam nyang natatakam sya dito.

"Table for two please." Saad ni Ralph sa babaeng nasa entrance. Tumango naman ito at iginaya sila sa pwesto.

"Bakit mo ba ako dinala dito? Pwede naman na sa simpleng kainan nalang tayo." Pagsusungit ni Bea nang marating na nila ang kanilang table at mabilis na umupo sa kanyang upuan. Ayaw nyang hintayin na paghilain pa sya ni Ralph ng upuan. Aba, kaya naman nya kasi yun at di na nya kailangan ang tulong ng binata.

"I told you, Im hungry. And dito na talaga ako kumakain, they got the most satisfying dishes here. You'll love it. Matakaw ka naman diba?" Pang-aasar ni Ralph sakanya.

Napabuga nalang si Bea ng hangin dahil sa pang-insulto ng binata sakanya. Di nya matanggap na tinawag syang matakaw! Masarap lang kumain pero hindi sya matakaw! "Kung pinilit mo kong kumain kasama ka para insultuhin lang ako ay aalis nalang ako." Puno ng inis niyang sabi at nagbabadyang tumayo. But Ralph gripped her wrist to stop her from getting up.

"Sorry. I didn't mean to insult you, namiss ko lang siguro na asarin ka." Paghihingi neto ng tawad.

Huminga ng malalim si Bea bago umayos ng upo at inilagay ang kanyang bag sa hita. Humingi na ng tawad ang binata, sino ba naman sya para magpaka-inarte diba? At saka kanina pa sya nagugutom sayang naman ang libre ng binata. Kaya naman nanatili nalang sya alang-alang sa libre. Pero libre nga ba talaga ang dahilan kung bakit nanatili sya? Or baka naman may iba pang rason, ayaw lang nyang sabihin sa sarili.

"Thank you. So anong gusto mo? Just order anything, it's my treat" nakangiti nyang sabi.

Bea stared at him as he give her a sincere smile. After 3 years ay nakita nya ulit ang ngiting minsan nang nagpahulig sa kanyang loob. Actually kahit naman noong di pa nya nakikilala si Ralph at tanging sa magazine lang nya nakikita ang binata ay hulog na hulog na sya sa mga ngiti neto. But that was before, when she's still naive and too stupid of love. Kaya siguro naninibago ulit sya dahil sa ngiti ng binata.

"Anything huh, since ikaw naman ang matagal ng kumakain dito eh di ikaw nalang mag-order para sakin. Siguraduhin mong super satisfying ang mga lasa ng oorderin mo or else iiwan kita dito" Mataray nyang saad sa binata at ibinaba ang kanyang tingin sa telepono. Gusto nyang malaman kung kamusta yung lakad ni Haze.

Tumikhim si Ralph para kunin ang attention ng dalaga na nakatungo sa cellphone neto. Agad namang nag-angat ng tingin si Bea at natagpuang nakatingin sakanya ang binata. Medyo nailangan naman sya agad kaya itinago nya ang kanyang telepono sa loob ng bag bago umupo ng maayos saka nagsalita. "Mag-uusap na ba tayo?" Tanong neto.

"Kanina pa tayo nag-uusap diba?" Tanong din pabalik ni Ralph. Napatirik ng mata si Bea dahil sa sagot niya.

"Kanina pa ba?"

"Bakit? Hindi nga ba?"

Nairap ulit sa hangin si Bea dahil naiinis na sya sa way ng pananagot ni Ralph sa tanong nya. "Bakit ba sinasagot mo ang tanong ko ng isa pang tanong?" Naiinis na tanong nya ulit. Konti nalang iiwan na nya ito dito sa restaurant at maghahanap nalang sya ng mapagkakainan na sya lang!

FILWMGB 2: Still Into YouWhere stories live. Discover now