Bea's P.O.V
"San mo ba ako dadalhin?" I asked, confusion can be seen in my expression. Kanina ang ganda ganda ng higa ko at nagbabasa lang ng libro habang nagsasayang ng oras. Hindi na bumalik yung sakit ng ulo ko, well di ko inaasahan na babantayan ako ni Ralph, and now we're sneaking out. Why are we even sneaking our way out? "What are we doing?" I asked again. Hindi niya ako pinansin bagkus nanatili lang ang hawak nya sa isa kong kamay, ayaw bitawan.
20 minutes earlier...
"Get up." Napaangat ang tingin ko mula sa libro nang pumasok si Ralph sa kwarto. Seriously, bakit hindi pa ito umuuwi eh magaling na ulo ko.
"Ha? Bakit?" Tanong ko agad. Di niya ako sinagot at pumunta sa walk-in closet ko at nangalkal. "Hoy! Anong ginagawa mo dyan!?" Mabilis akong sumunod sakanya. Jusko! Mga panty at bra ko nandun eh. Walang hiya talaga tong baklang to basta basta pumapasok sa closet ng may closet!
"What do you think you're doing-" I was cut off midway when he threw something in my face and I eventually caught it. It's my new white strapless floral dress and a soft cotton blazer. What the?- "Anong gagawin ko dito?" Pagkatanong kong yan ay tumaas ang isang kilay niya na parang may sinabi akong katangahan. What?"Itatapon mo siguro. Wear that in 15 minutes or I'll just drag you out wearing your night dress." Walang putol putol niyang sabi at iniwan ako sa loob ng closet ko. HAAA!?
Reality...
And now we're here sneaking like idiots. Duh? We could just walk through past them and go to our cars. Bakit may nalalaman pang ganito tong Ralph na to. "Ralph tinatanong kita-"
"Just trust me alright? And stay quiet." Strikto niyang sabi saka hinila ako sa kabilang haligi kung saan walang makakakita samin. Amazing, alam niya kung san nakalagay ang mga security cams at sa dinadaraanan namin ay di kami makikita. Hmm~ I'll add some later. Baka may makaalam neto at gayahin.
Nagpahila nalang ako sakaniya kahit sobrang katangahan na tong pinaggagagawa namin. Nang makalabas na kami sa mismong garden, kung saan ayokong may nagbabantay na mga tauhan namin kasi lagi lagi akong tumatambay dito. Plus, I made a secret passage na ako lang nakakaalam para kung sakali ay may escape way kami if ever na may kademonyohang pinagawa yang Alfonso na yan.
Wait, don't tell me he knows about it!? Nasagot din agad ang tanong ko nang hilain niya ang wall-like bush and it opened the way to a road behind my house. "How did you know about this?" Taka kong tanong sakanya.
He gave me a sly smirk and said, "I have ways Bea." Napairap ako sa sinabi niya at nagpahila nalang ulit. I saw a color black mustang not too far from where we are. "Seriously Ralph, why are sneaking out? You know we could just walk in my front yard." Mababatukan ko na talaga to.
Hindi parin niya ako pinansin at agad na binuksan yung passenger seat pagkalapit na pagkalapit namin sa sasakyan nya. Bago ako pumasok ay nagkatitigan muna kami ng ilang segundo, me almost glaring at him and him wearing his famous smile. Napairap nalang ako sa hangin at sumakay. This better be good or else I'll kick the shit out of him again.
Pagkasakay niya ay agad nya tong pinaharurot. "Is this kidnapping?" Natawa sya sa tanong ko. What?? Kanina pa niya di sinasabi yung rason ba't kailangan pang tumakas.
"I'm not kidnapping you Bea."
"Then what?"
He looked at me for a second before looking back at the road and said, "We're going on a Date." And he sped up the engine.
Date!? Date lang pala tapos may ganito pang nalalaman? Sarap batukan ng isang to. Pwede namang sabihin nalang kanina edi mas nakapaghanda pa ako.
-------------
YOU ARE READING
FILWMGB 2: Still Into You
Ficción GeneralMatapos ang masakit na nangyare sa buhay ni Bea ay umalis sya sa bansang pilipinas upang makalimot. But what if she finally decided to go back? Nandun parin ba ang sakit na naramdaman niya? Lalo na't ikakasal na ito sa ibang babae. What if she met...