CHAPTER 26: INTRUDER

31 1 0
                                    


Bea's P.O.V


Nakatulala lang ako habang nakatingin sa laptop at pilit isinisiksik sa isip ko ang lahat ng nalaman ko nung isang araw. Lumipas na ang dalawang araw ngunit parang naiwan parin yung kaluluwa ko sa araw na iyon. I still can't believe na ako yung tinutukoy na mission ni Haze at ang mas malala pa ay nang malaman kong si Ralph ang inatasan upang patayin ako. 


Funny, I'm in love with my own former assassin. At kahit na anong pilit kong iwasan na isipin si Ralph ay di ko magawa. Masakit at mahirap tanggapin dahil isa sya sa rason kung bakit nawala ang aking memorya at kung bakit nahiwalay ako sa aking Lola. Pero di ko naman yun pinagsisihan. Dahil nagkaroon ako ng pamilya kahit na hindi pa sila ang tunay kong magulang at kapatid ay nagpapasalamat parin ako. 


Pero bakit?


Bakit sa lahat ng taong nabubuhay ay bakit ako? Ganun mo na ba ako kafavorite Lord? Why me? 

meghad nakakabaliw...


But to think of it, aren't we too young to suffer that much? Napakabata pa ni Ralph para maatasang patayin ako and I'm too young to be murdered. Napakasama talaga ng Alfonsong iyon, hinding hindi ko sya mapapatawad. Mas tumitindi lang yung galit ko sakanya habang tumatagal. Masyado na siyang bida bida sa buhay ko. Putulin ko buntot nun eh.


Sa kakaisip ko ay may biglang pumitik sa ulo ako at nangiwi ako agad sa sakit na dulot neto na parang may sumusuntok at pumipiga sa magkabilaang sintido ko. Simula nung bumalik ang ala-ala ko bigla ko nalang to nararamdaman ng biglaan, ayokong magpacheck up dati dahil natatakot ako sa hospital at sa mababalitaan ko. Ngunit habang patagal ng patagal ay mas lalong sumasakit ang ulo ko. 


Grabe ka na talaga Lord!! wooooohh ansakit ng ulo ko jusko. Ano to? kung di ako mapapatay ni Alfonso mamamatay naman ako sa sakit ng ulo mhay ghad coconut.


Agad-agad kong inabot ang speaker na malapit saakin at agad na tinawag ang sekretarya ko. Kung di available yung Doctor ko ngayon sa iba nalang ako mang iistorbo! damn. 


-ack!


Pilit kong itinayo ang sarili ko para kunin yung blazer ko sa couch ngunit di ko pa man nalalapitan ang upuan ay nakaramdam ako ng grabeng pagkahilo at umiikot na ang paningin ko. And the next thing I see is pure black...






"Wake up princess.."

"D-Daddy..?" teka.. boses ba talaga yun ni Daddy..

"Princess..wake up"



"Dad-! ack...ah-aray" napahawak ako agad sa ulo ko dahil sa biglang pagpitik muli ng sakit neto. Damn this pain. Punong puno na ako sa sakit ah!


"Hey, hey it's alright. I'm here. You're safe." 


FILWMGB 2: Still Into YouWhere stories live. Discover now