Hindi inaasahan na inabot sila ng 3 years sa Manila dahil pinaayos pa nila ang biniling building para sa Aviles Corp. at bakas sa mukha ng mag-asawa ang saya dahil sa wakas ay nakagawa ng sariling pangalan si Padrino para sa kaniyang pamilya. Sariling pangalan, sariling pera at sariling pawis. 3 taon na hindi sya makatulog ng maayos sa gabi dahil sa abala syang ilakad lahat ng papeles at maghanap ng mga mapagkakatiwalaang investors and partners para sa kaniyang Corporation. And after 2 and a half years! Finally! Natapos din ang paghihirap nya at papalaguin nya ito ng sobra para sakanyang anak na si Princess. He wants her to manage it soon after she graduate college. Para sakanya talaga ang kompanya na pinaghirapan nyang itayo.
"Princess I'm home!" Masaya nyang bati sakanyang anak na busy sa paglalaro ng kanyang mga laruan. Wala ang mga pinsan nya ngayon sa mansion dahil weekdays kaya naman mag-isa lang nyang naglalaro. Bakas ang kasiyahan sa mukha ng anak nya nung makita sya neto at agad na tinakbo ang distansya saka niyakap neto ang paa nya. Natatawa naman sya sa way ng pagbati ng kanyang anak sakanya.
"Daddy's here! Daddy's here!" Ang tinis ng kanyang boses. Pero hindi nakakasawang pakinggan. Ang kyut kyut pa. Kakalabas lang ni Emily galing sa kusina at nakita ang asawa na kakarating kasama ang anak. Napangiti sya ng malawak at mabilis na nilapitan ang mag-ama nya saka niyakap ang asawa.
"Mabuti naman at nakauwi ka na. Akala ko nambabae ka na eh" sabi ni Emily sabay hila sa ilong ng asawa at hinalikan sa labi. Natawa naman si Padrino at siniil ng halik ang babaeng kaharap nya. "Magagawa ko ba yun sa napakaganda at mahal na mahal kong reyna?" Bola neto. Napangiti nalang si Emily at namula agad ang kanyang mga pisngi at hinalikan ulit ang asawa. Ang sweet nila.
"Ewwww!!" Natawa ang mag-asawa nang magtakip ng mga mata ang bata. "Hahaha Oops! I didn't see you there Princess" binuhat ni Padrino ang kanyang anak habang sinasabi nya yun.
"Hmpf! Im a big girl daddy. How can chu not see me?" Angal ni Princess at nagcross arms pa. Napangiti ang mag-asawa.
"You will always be our little Princess. Princess" niyakap ng mag-asawa ang anak habang karga karga ni Padrino. Marami ang nanonood sakanila na mga katulong, at isa na dun ay si Alfonso. Napahigpit ang kapit nya sa riles ng kanyang veranda mula sa pangalawang palapag habang nakamanman sa mga ito. Inggit at galit ang namuo sa kanyang puso. Hindi nya maatim na panoorin ang tatlo dahil sa nakikita nyang saya sa mga ito. Bakit sila masaya? Bakit sya hindi! Bakit mapupunta ang yaman ng Aviles sa lalaking yan!? Eh halos sya naman ang tumulong dito para magkaroon ng investors. He deserve the Company and the privilege to control the wealth and power of Aviles. Hindi katulad ni Padrino na masyadong maawain at mabait sa mga tao!
--
Napahagikhik si Princess habang tumatakbo at naghahanap ng mapagtataguan. Naglalaro kasi sila ni Haze ng tagu-taguan habang hinihintay si Kelly. Magmula kasi noong umalis yung lalaking nakasuot ng puting suit sa mansion ay minsan nalang dumadalaw si Kelly sa mansion. Halos hindi na nga sya makadalaw tapos laging gustong umalis na agad. Nagtatampo man si Princess sa pag-iiba ng ugali ni Kelly pero lagi naman syang pinapasaya ni Haze para di malungkot.
Nakailang liko na ang bata sa bawat haligi ng mansion at napadpad sya sa pinakalikod ng bahay at nagtago sa mataas na bush. Pilit nyang siniksik ang katawan para hindi talaga sya mahanap ng pinsan. Bahagya pa nyang tinakpan ang kanyang bunganga para hindi mapabungisngis.
Maya-maya ay natigil sya sa pagbungisngis ng tahimik nang may nagsalita sa harapan nya. May tatlong tao na naglakad sa harapan nya at nag-uusap.
"How's the plan Nick" boses yun ng Lolo nya!
"It's all clear Old Man"
"Call me Old Man. Then I'll kill you"
"You need me. Don't forget the deal"
YOU ARE READING
FILWMGB 2: Still Into You
General FictionMatapos ang masakit na nangyare sa buhay ni Bea ay umalis sya sa bansang pilipinas upang makalimot. But what if she finally decided to go back? Nandun parin ba ang sakit na naramdaman niya? Lalo na't ikakasal na ito sa ibang babae. What if she met...