Angelo's (Gelai) P.O.VMag-iisang buwan na at wala parin kaming balita kay ate. Sobrang nag-aalala na kaming lahat at wala pa kaming maayos na tulog simula noong nabalitaan namin ang nangyare sa hospital na kung saan natangay ang ate.
Bakit kasi siya pa?? Mas maganda naman ako at sexy dun ahh?? Chariz, lalaki na nga pala ako at macho na ngayon ang maricakes. Pero di ko parin talaga maalis ang pagiging maarte ko minsan eh.
Kung sino man ang dumakip kay ate magkaalmuranas sana pwet at bayag nya! huhu-
"Love, wala parin bang balita sa ate mo?" napabaling ang atensyon ko sa kayakap ko ngayon sa kama, syempre sino pa nga ba eh di yung pinakamaganda sakanilang lahat. Swerte ko dito sa bruhang to eh.
Bahagya akong napailing at hinigpitan ang yakap ko sakanya dahil hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito. Yung kaba ko ay nadadagdagan bawat segundo, pano pa kaya sila Mama? Gabi-gabi ko pa naman sya naririnig na umiiyak tuwing napapadaan ako sa kwarto nila.
Sana naman hindi nila chinopchop si ate, huhuhu.
Naramdaman kong humigpit ang yakap sakin ni Ice at napapikit ako nang dumampi ang kaniyang labi sa may bandang leeg ko, medyo nakakakiliti pero medyo nabawasan yung kaba sa puso ko. Landi ni tomboyy, chars. "Mahahanap din nila si ate Bea, tiwala lang tayo kay Lord okay? For sure gumagawa na ng paraan sila Kuya Ralph para mahanap na sya." pagpapakalma niya saakin na ikinatango ko nalang at hinigpitan pa ang yakap sakanya.
"Kung alam ko lang na mangyayare iyon noong gabing yun sana pala nagpumilit nalang akong magstay para naprotektahan ko si ate. Naging lalaki na nga ako pero di ko man lang sya naipagtanggol." mahina kong saad.
"At paano mo naman matutulungan si ate Bea abir?? Eh hindi ka marunong sa bakbakan, baliw ka ba?" Inis niyang sabi. Oh bakit to tinotoyo??
"Alangan naman sabihin kong buti nalang wala ako dun nung time na yun eh di narape ako, ganun ba?" arte kong sabi sakanya. Napaaray ako nang hilain niya yung dulo ng buhok ko. Huhu help! Sadista tong girlfriend kooo!
"Eh kung suntukin kaya kita? Rape rape ka dyan, bakla ka parin ba ha??" hala syaaaa tinotoyo nga ang babaita!
"Kung bakla parin ba ako yayakapin ba kita at hahalikan ng ilang beses ha?" Balik kong tanong. Isa lang ang paraan para mapaamo ang tigreng ito eh. "Halikan kaya kita dyan, gusto mo?" hamok ko saknya.
Napangisi ako sa isip isip ko nang makita ko kung paano mamula ang kaniyang mga pisngi kaya naman nanggigil akong pinaghahalik halik sya sa pisngi na mas ikinapula ng mukha niya.
"Ano baaaaa, ang harot mo Angelo! akala ko ba nag-aalala ka kay ate mo ha!?" nahihiyang reklamo niya saka nagbabalak tumayo ng kama para iwasan ako kaso mahaba ang brason ko kaya nahila ko sya agad at ikinulong sa bisig ko saka huminga ng malalim. "Stay." bulong ko.
Nanatili lang sya sa pwesto niya ng ilang segundo ngunit niyakap din niya ako pabalik at kahit papaano ay kumakalma yung puso ko. Kahit ano atang gawin kong distraction ay maiisip at maiisip ko parin si ate. Kamusta kaya siya? Hindi ba sya binubugbog ngayon? Pero sa pagkamaton ni ate baka sya pa yung bubugbog eh.
"She'll be fine. Kuya Ralph and Haze are there for her. Wakarimasu ka? (Do you understand?)" malambot ang boses niyang isinaad habang niyayakap ako ng mahigpit na ikinatango ko nalang para di din siya mag-alala.
YOU ARE READING
FILWMGB 2: Still Into You
Fiksi UmumMatapos ang masakit na nangyare sa buhay ni Bea ay umalis sya sa bansang pilipinas upang makalimot. But what if she finally decided to go back? Nandun parin ba ang sakit na naramdaman niya? Lalo na't ikakasal na ito sa ibang babae. What if she met...