Bea's P.O.V
"You really changed. Parang hindi na ikaw yung Bea na kababata ko at nakasama ko - o-oww! W-what was that for?" Reklamo nang suntukin ko sya sa braso. Nagbago daw. Porket medyo girly na ako nagbago na kaagad? Hindi ba pwedeng nahawa lang sa ugali at ways ng pamumuhay nila sa Canada? Porket balikbayan, ibang iba na? Haysss minsan nakakaasar yung mga ganung klaseng tao. Siguro oo, may nagbago saakin pero hindi naman sobra. I just learned how to dress properly and act real woman.
"Hindi ako nagbago. Tumahimik ka nga dyan." Asar kong sabi at ininom ang kape ko. Nandito kami sa starbucks. Nag-aya kasi itong si Haze na lumabas kami. Ofcourse pumayag ako. Namiss ko din tong kupal na to eh.
"Akala mo lang hindi. But you did changed Bea." Napatingin ako sakanya at di ko napansin na nakatingin pala sya sakin habang sinasabi ang mga salitang yun. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko habang nakatingin lang sakanya. Napadako ang tingin ko sa mga labi niya. Shit!
"P-Pano mo naman nasabi?" Tanong ko nang inangat ko ang tingin ko sa mga mata nya. Mali Bea. Wag na wag mo ulit tititigan ang mga labi niya. He's your bestfriend for godsake!
Ibinaba nya ang mga tingin niya mula sa ulo hanggang sa paa ko saka ngumiti nang ibalik nya ang tingin sa aking mga mata. "You're more prettier and matured now. Hindi ka na yung babaeng kilala ko na walang pake sa sinusuot. Na okay na sya sa malaking shirt at jeans. You're also the type of girl who doesn't wear high heels. And these -" natigilan ako nang maglean sya at inabot ang labi ko gamit ang kanyang kamay saka dahan dahan na hinaplos ang labi ko. Wait. Is he trying to earse my lipstick? "- you don't need make ups Bea. You're beautiful enough without them" pagkasabi nyang yun ay binawi na nya ang kanyang kamay at ngumiti sakin.
Thug. Dug
Thug. Dug
Thug. Dug
Thug. DugNapakurap ako ng ilang beses bago ako makaiwas sa tingin nya at itinuon nalang ang tingin ko sa kape. "Andami m-mong napapansin. Uminom ka na nga lang ng kape. Bangasan kita dyan eh" biro ko at ininom ang kape na kahit mainit pa ay tiniis ko na lang. Wahh! Ansakit!
Narinig ko syang tumawa at tiningnan ako. I can tell that his eyes are shining right now. "That's the Bea I knew" he smiled at me and drink his cup of coffee after winking at me. Shit. Bakit ang cute nya nung ginawa nya yun? Napaiwas tuloy ako ng tingin at tinago ang pagpula ng pisngi ko. Bakit ganun? I never felt this way towards Haze noon pero bakit ngayon nararamdaman ko ang mga ganitong emotions.
"So. Anong gusto mong gawin ngayong nandito ka na sa Pilipinas Miss Aviles?" Napaikot ako ng mga mata nang tawagin nya akong ganun. Oh puhlease. I may have that bloodline but I hate the surname itself.
"De Vera." I corrected him.
"Okay. Miss De Vera. What is your plan?" Tanong nya ulit saakin. Grabe nang-aasar ba tong lalaking to? Sarap kurutin pisngi nya. I mean! His arm okay? Walang nagsabing pisngi. Wala.
"Im planning on handling business or corporation. Especially the Aviles Corp. I need to take back what's mine"
Yeah that's right. Aviles Corporation was my father's possession. He's the one who build it. Who managed it. Who made it popular. And not some bullcrap adopted old man. Yeah, you heard me. That Alfonso Aviles isn't a real Aviles. He's nothing but a goner. And how dare him para nakawin ang pinaghirapan ng Daddy ko. At pilit kunin ito saamin. At nagkakamali syang hindi siguraduhing patay na ako nubg time na binaril nya ako at nahulog sa ilog. He's a murderer. He don't deserve mercy. He killed my parents. He tried to kill my grandmother just like how he killed my grandfather. I loathe him. And he will pay.
"Bea... Bea!" Napabalik ako sa realidad nang makaramdam ako ng tapik sa kaliwang balikat. "You're spacing out." Napakurap ako at tiningnan si Haze na nasa harapan ko.
YOU ARE READING
FILWMGB 2: Still Into You
General FictionMatapos ang masakit na nangyare sa buhay ni Bea ay umalis sya sa bansang pilipinas upang makalimot. But what if she finally decided to go back? Nandun parin ba ang sakit na naramdaman niya? Lalo na't ikakasal na ito sa ibang babae. What if she met...