Warning!
This chapter has typographical and grammatical errors. It hasn't been proof read yet. So I kindly ask for your consideration. Thank you. 💘
Bea's P.O.V
Napakalakas ng tibok ng puso ko ngayon. Sobra akong kinakabahan para saaming dalawa, ngunit pilit kong pinapatatag ang sarili upang di ako makaabala sakaniya. I know that I am safe as long as I'm with him and I won't let them hurt him as well. Matagal tagal na akong nag eensayo para sa mga magaganap na ganito. And looks like I have to show Ralph what I can really do. Sana lang talaga ligtas kaming makaalis.
Kung dala lang sana ni Ralph ang susi ng sasakyan niya kanina pa kami nakaalis. Ngunit sa kamalas-malasan ay naiwan daw niya ito dahil sa abala siya kaninang ihanda ang plano niya. Tss gusto ko mainis na matawa sa rason niya ngunit wala na kaming magagawa. Kaya napagdesisyunan nalang naming lumaban.
Nakayuko kaming tumakbo sa kabilang sasakyan at agad akong napasigaw nang umalingasaw ang putok ng baril sa kabilang dulo. Di nga kami nagkakamali, dun sila nanatili. Kaya naman dali dali kaming tumakbo palayo at mabilis naming naiiwasan ang mga ipinuputok nilang baril. Maya-maya pa ay tumayo si Ralph saka ipinutok ang hawak nitong baril. Di ko alam kung may natamaan siya basta ang mahalaga ay di siya nabaril.
Habang nakikipagsabayan siya sa barilan ay may naisip ako. Agad akong dumapa at sumilong sa van. Napangisi ako sa sarili nang di nga ako nagkakamali sa naisip ko. Iba't ibang paa at sapatos ang nakita ko sa bawat bukana sa ilalim ng dalawang sasakyan at agad kong inasinta ang mga ito. Napuno ng sigaw ang parke sa tuwing matatamaan ko ang kanilang mga binti at isa-isa silang napaluhod at ininda ang sakit.
Ngingisi-ngisi kong inasinta pa ang iba ngunit napasigaw ako ng muntik na akong matamaan ng bala. Napalingon ako sa kanan ko at nanlaki ang mga mata ko nang may nakadapa rin at inaasinta ako, feeling ko tumigil ang puso ko sa pagtibok. At bago pa ako matamaan ay naramdaman kong may humila sa aking mga paa at sumablay ang tama ng lalaki. Di na ako nagpaligoy pa at itinutok ang baril sa lalaki at kinalabit ang gatilyo at nasapol ang ulo nito. Nakahinga ako ng maluwag saka mabilis na umatras saka umupo at isinandal ang ulo sa likod ng sasakyan. My eyes found Ralph's, worried and I can sense that he got frightened. I tapped his cheek and smiled. "Ayos lang ako. Pwede na tayong tumakbo, di na nila tayo mahahabol pa." Hinihingal kong saad dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon.
I felt him hugged me tight and released me afterwards. "That was close. Don't you ever do that again." Matigas niyang sabi saakin na sinuklian ko lang ng ngiti. Nanlalambot parin ang mga tuhod ko nang tumayo kami upang lumayo sa mga humahabol saamin ngunit kinaya ko parin.
May mga iilan ding tao ang tumatakbo dito sa parke at nagsisi-sakayan sa kani-kanilang mga sasakyan. Kaya naman di na kami nahirapan pang makalayo.
Ngunit nang inaakala kong makakahinga na kami ng maluwag at malayo na sa panganib ay dun ako nagkakamali. Pagkaliko namin ay agad kaming napatigil dahil sa apat na tatlong armado at nakatutok ang kanilang mga baril saamin. Di ako makagalaw. Feeling ko ito na yung katapusan namin. Mga ilang segundo ang itinagal nang may humarang sa aming likuran na tatlong lalaki at malalaki ang kanilang mga katawan. Shit...
"Tingnan mo nga naman ang swerte. Kusang lumalapit saatin mga bata!" Nagtawanan silang lahat habang nanatiling nakatutok ang kanilang mga baril saamin. Naramdaman kong lumapit saakin si Ralph at pilit hinaharan ang kaniyang katawan. Sira ba ito? Magkabilaan yung may mga baril akala ba niya masasagip ako ng katawan niya? Tss.
"Sino ka!? At anong kailangan mo samin ha!" Pilit kong pinatitibay ang aking loob. If this is the end, then I deserve to know who's behind all of this!
YOU ARE READING
FILWMGB 2: Still Into You
Ficción GeneralMatapos ang masakit na nangyare sa buhay ni Bea ay umalis sya sa bansang pilipinas upang makalimot. But what if she finally decided to go back? Nandun parin ba ang sakit na naramdaman niya? Lalo na't ikakasal na ito sa ibang babae. What if she met...