Dedicated to Darker2003 and NiSel_143
Sorry po for super duper late upload. Pero sana magustuhan nyo. And please support narin hehe. Love lots!
Bea's P.O.V
Sabog na sa balita ang nangyare kagabi. May mga press na naglive during the chaos and I can feel the fear through their eyes. Tsk. That Alfonso and his dramatic entrances. If only I could stay and help the task forces to defend those people. But I can't, one wrong move and everything will be ruin. Ayokong masira ang 3 years na pinaghandaan ko para mabawi ang kung ano ang dapat sakin. Ayokong mangyare nanaman ang nakaraan na wala akong magawa at hayaan na paglaruan ng maglolo na yang mga yan.
"Ate okay ka lang?" Napalingon ako sa kapatid ko na nagtitimpla ng kape sa mesa. Nandito ako ngayon sa bahay nila Tita sisil. Namiss ko kasi sila kaya di na muna ako umuuwi sa bahay ni Lola Mina. And namiss ko din kasi tumira sa ganitong bahay.
"Oo naman."
"Sinungaling. Napunta ka lang sa Canada marunong ka na magsinungaling. Tsk tsk tsk. " bwesit to. May gana pang mang asar.
"Pag sinabi ko bang hindi ako okay may maganda bang idudulot?" Tanong ko sakanya. Matapos nyang haluin ang kape nya ay lumapit sya sakin at nanood narin ng balita. Maigi syang uminom dito at tumingin sakin. Haha nakakatuwa, lalaking lalaki na tong kapatid ko. Hindi katulad dati na kitang kita ang pagkabinabae.
"Oo naman. Imbes na magkunware. Mas okay na aminin sa sarili natin na hindi tayo okay. Atsaka ano ka ba. Nandito lang kami nila Mama at Pala sa tabi mo. Wag mong sarilihin ang problema" awww.. napangiti ako sa sinabi ni Angelo kaya naman ginulo ko ang buhok nya sabay sabing "At kelan ka pa naging tagapayo ko? Ako lagi nagpapayo sayo ha!" Inirapan lang nya ako at ngumiti.
"Hal! Ang aga aga nanlalandi ka. Magtino ka ngaaaa"
"Alam mo namang umaga Mahal eh. Kailangan kitaaa"
"Hay naku Rogelio magtigil tigil ka dyan! Magluluto na ako para sa mga anak natin"
"Ugh. Bahala ka jan!"
Parang nanonood kami ng telenovela ni Gelo sa pinaggagagawa ng mga magulang namin. Jusme, dumaan na ang 3 years di parin sila nagbabago! Landian here Landian there Landian everywhere. Kabitter na ha.
Padabog na isinara ni Papa yung pintuan at hinayaan si mama. Pareho kaming umubo ni Gelo para malaman ni mama na kanina pa kami nanonood sakanila. She just gave us a smile and said "Oh gising na pala kayo. Gutom na ba kayo? Magluluto na ako"
"I think mas gutom si Papa, Mama" pabiro ni Gelo sabay inom ulit sa kape nya. Napangisi ako sa sinabi neto kasi naman parang dalaga si mama kung makablush hahahahaha!!
"Naku! Wag nyo nga pinapansin yang Papa nyo. Kwarenta (40) anyos na anlandi landi pa."
Sabay walk out ni Mama. Nagkatinginan kami ni Gelo saglit saka tumawa ng tumawa ng malakas.
"HAHAHAHAHAHAHAH!!" jusko hahahaha pareho lang naman silang naglalandian kahit may katandaan na 😂😂 .
Halos mamatay matay kami ni Gelo sa kakatawa at napapapunas nalang ng sariling luha. Ansakit ng tyan ko shet hahahha.
Hayy.. some things never change . I smiled in my head as I enjoy this.
Angelo's P.O.V
YOU ARE READING
FILWMGB 2: Still Into You
General FictionMatapos ang masakit na nangyare sa buhay ni Bea ay umalis sya sa bansang pilipinas upang makalimot. But what if she finally decided to go back? Nandun parin ba ang sakit na naramdaman niya? Lalo na't ikakasal na ito sa ibang babae. What if she met...