Chapter 13: Untold story

61 5 0
                                    

A/N: Hi guys! Sa chapter po na ito ay flashbacks lang ng past ni Bea. Kung pano nga ba sya napunta sa foster parents nya and kung ano talaga ang background ng relationship ni Bea sa mga characters natin . Enjoy!

-------

Having a perfect family doesn't really exist. Because if there is, then it is bound to disaster making it imperfect. That is what happened to the family of Aviles, one of the most richest clan in the whole world. Mababait, matulungin, at kahit na laki man ang bawat pamilya na may ginto sa bunganga ay di nila nakalimutan ang maging makatao sa kapwa nila. That is their golden rule. Be wealthy and help people who's in need.

Actually simple lang ang business ng Pamilya Aviles dati. May malaki at sobrang silang lupain at inaalagaan nila yun na may maraming manggahan at iba't ibang tanim para ibenta sa syudad. Marami ang humanga sakanila. Lalo na sa anak-anakan nilang si Alfonso Afrendel-Aviles. Ito ang nagpalago ng negosyo ng mga Aviles. Pero di naglaon ay nalugi ito. Habang tunatanda kasi ang binatang Alfonso ay mas nalulong sya sa sugal at droga. Sinubukan din nyang pumasok sa drug world pero di na kinaya ng kanyang negosyo. His step-sister, Donya Mina Aviles tried to stop him but he never did. Hanggang sa nalugi na talaga ang negosyo ng Aviles at naalis sila sa top richest clan in the world.

Sa sobrang galit ng pamilya Aviles ay hindi nila ibinigay ang pamana nila kay Alfonso. Kung di kay Donya Mina lahat mapupunta. Sa sobrang galit ni Alfonso ay umalis ito at naglayas papuntang Manila. Years later, nag-asawa si Donya Mina at inalagaan ng mabuti ng kanyang asawa ang lupain ng Aviles. Naging payapa ang buhay nila lalo nung dumating sa buhay nila ang nag-iisa nilang anak na si Padrino Ferdinand Aviles at napangasawa nya si Constanza Emily Grino-Aviles na may isang anak na babae. Si Princess Gaile Griño-Aviles, she became their real princess and everyone in Sitio Masipag, Makatao, Caoayan, Bolo, and other barangays who lives above Aviles' land.

After years ay bumalik si Alfonso sa kanila at lahat ng tao ay nagulat sa pagbabalik nito. Ibang iba sya kay Donya Mina, nasa dugo ni Mina ang kabaitan at makatao subalit wala ito sa dugo ni Alfonso dahil malupit sya. Ngunit laking gulat nila nang may kasama itong asawa, mga anak at mga apo. Dumalaw lang sila upang magkamusta dahil babalik din sila agad sa Manila. Mula noon ay ganun na ang routine nila sa bahay, dumadalaw lang ang kaniyang pamilya kapag bakasyon ng kanyang mga apo.

And here where Bea's life starts..

17 years ago..

"Mommy! Daddy! Can I play!" Masaya sya nagpapaalam sa mga magulang nya na abala sa pag-inom ng kanilang tsaa sa kanilang verranda. Padrino smiled at his daughter request and glanced at Emily first.

"Let's wait for you cousins to arrive alright?" Maaliwalas na sagot ni Emily sa anak. Gaile pouted as she hugs her teddy and ran towards her room. Meaning hihintayin talaga nya ang mga pinsan nya.

Tumikhim si Emily at tinapunan ng tingin ang asawa. "Hon, are you sure about the business you're trying to launch? Napakalayo ng Manila dito saatin at ayaw naming malayo sayo ng anak mo." Saad neto. Napangiti naman si Padrino sa sinabi ng asawa nya,kahit kelan ay napaka-praning ng asawa nya at di mahiwalay sa tabi nya. Kaya naman matagal na nyang napag-isipan ang gagawin para sa desisyon nya.

"Sino ba ang nagsabing maiiwan kayo ni Princess dito?"

"Bakit, Hindi ba?" Tanong nya pabalik. Napangisi naman si Padrino at tumabi sa kanyang asawa. "Love, Ofcourse isasama ko kayo. I can't live a day without you and our daughter by my side. I will be needing your kisses and hugs, especially yung kay Princess. Kaya isasama ko kayo. Pumayag naman na si Lolo Alfonso na dun muna tayo tumira sakanira. Total malaki naman ang mansion nila sa Manila."

Pagpapaliwanag nya sa kanyang asawa. Ang kaninang ngiti sa mga labi ni Emily ay napalitan ng pangamba. Simula nung pinakilala ni Padrino sakanya ang Tito nito ay di na naalis sa loob nya ang pangamba. Parang may mali sa aura ng Alfonso na iyon. Parang mapanganib. Pero di nya yun sinasabi sa asawa nya dahil ayaw nitong masira ang relasyon sa kanyang Tito.

FILWMGB 2: Still Into YouWhere stories live. Discover now