Im so sorry for the late update!! I would like to dedicate this to my new readers and expecially kay nisel143. Sana magustuhan moooo. Muwah!Bea's P.O.V
Napahilot ako sa sintido ko nang makabalik ako sa opisina ko. Hindi ito sumasakit kundi feeling ko napakabigat neto dahil sa lahat ng iisipin. Hindi ko mapapalampas ang ginawa ng Alfonso na iyon sa pamilya ko. Kung natamaan ang kapatid ko sa nangyare baka pumutok ang pasensya ko at ako na mismo susugod sa pamamahay ng Alfonso na iyan.
I need to relax... baka sumakit ulit tong ulo ko mahirap na.
I pushed the button beside my table where a mini speaker placed in and speak. "Stacy can you come here please." Wala sa mood kong sabi saka sumandal sa swivel chair ko. Inaalala lahat ng nangyare kahapon. Kung di lang siguro kami sinugod ng mga pangit na mga lalaking iyon baka nasa resort pa kami ni Ralph ngayon at ineenjoy ang date.
Date....
Isang ngiti ang lumapat sa bibig ko nang maalala ko yung mga nangyare sa resort. Hindi ko aakalain na gagawin ng isang Ralph Sandroval III ang mga bagay na iyon. Before he was like a moutain full of Ice, untamed and cannot be moved. But that day, it seems like that mountain has been moved...by me.
Naputol ang pagmumuni muni ko nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan at pumasok ang sekretarya ko. Agad akong ngumiti bilang sukli sa mga ngiti niya. "Yes po Ma'am? Is there any appointment you want me to settle with?" She immediately asked and I waved my hand giving her a No sign.
Pinagsalukap ko ang mga kamay ko saka yumuko ng bahagya at ipinatong ang mga ito sa mesa saka tumingin sakaniya. "Have you settled a private schedule with Dr. Harrison?" I asked. Si Dr. Harrison ay isang specialist sa brain and mental health. He's the best doctor I've known since nakilala ko siya minsan sa Canada dahil pinacheck up namin si Lola sa iaang Hospital na pinagtrabahuan niya for a year.
Agad namang tumango ang sekretarya ko sa aking tanong. "Yes Ma'am. He's out of country for 3 days but I was told that you can meet him as soon as possible when he gets back." Nakangiti niyang saad na agad ko namang sinuklian ng tango saka tumayo at kinuha ang coat ko na nakapatong sa aking upuan at inayos ito sa mga balikat ko.
"Tapos ko nang pirmahan at aprubahan ang mga dapat aprubahan. Ikaw na muna bahala dito, kung may maghanap man sakin alam mo naman ang contact number ko. And please-" I stood in front of her and hold both of her shoulders. "Kapag pumunta dito si Alfonso. Lock my office. Don't let him come in even if he shouts at everyone. I'll be back later." Pagpapaalala ko sakaniya and she just nodded. Maaasahan ko naman to eh. Kaya nginitian ko lang siya saka naglakad na palabas ng opisina. Pagkalabas ko ay may mga bumati saakin nang nakangiti at sinuklian ko lang ang mga ito ng ngiti at tango.
Funny, cause I was once like them. Nagtatrabaho ng maigi at binabati ang mga mas nakakataas saamin. Hayyy namiss ko tuloy maging alalay at muchacha ng baklang iyon. Haha..
Pagkalabas ko ng elevator sa Ground floor ay agad kong tinawagan si Haze. Gusto ko magpasama sakaniya, may pupuntahan kasi kaming flower and candles shop. Nais ko kasing bisitahin yung puntod nila Mommy and Daddy, I miss them so much and I want to talk to them for a little.
"Bea." Saad niya agad.
"Haze! Where are you? Busy ka ba?" Tanong ko agad. Maraming bumabati saakin at tumutungo pa habang naglalakad at sinusuklian ko naman ang mga iyon ng tango. Maya-maya pa ay nakita ko na yung body guard kong nakabantay lang sa reception area. Napansin kong di parin sumasagot si Haze kaya nagsalita ulit ako. "Hello? Haze?"
YOU ARE READING
FILWMGB 2: Still Into You
Ficción GeneralMatapos ang masakit na nangyare sa buhay ni Bea ay umalis sya sa bansang pilipinas upang makalimot. But what if she finally decided to go back? Nandun parin ba ang sakit na naramdaman niya? Lalo na't ikakasal na ito sa ibang babae. What if she met...