Third Person's P.O.V
Pasakay na dapat si Haze sa kaniyang sasakyan nang may isang malakas na braso ang humila sa kaniyang balikat at pinaikot ito paharap sa nanghila sakaniya. Agad naman nakasalubong ng kaniyang mga mata ang kulay kayumangging mga mata at bakas dito ang inis at pagtataka. This person must have a lot of questions in his mind.
"Tell me the truth, who the hell sent you the paper?" Ralph asked.
"Mukhang marami kang mga tanong ngayon saakin pero di ko yan masasagot ngayon." matigas niyang sagot at tumalikod upang sumakay na sa kanina pang nakaparada niyang sasakyan. May aasikasuhin pa siya at ayaw niyang maudlot yun dahil lang dito sa lalaking ito.
Ngunit sadyang matigas ang ulo ng isa dahil hindi pa man nabubuhay ni Haze ang kaniyang sasakyan ay sumakay din si Ralph sa passenger seat at inosenteng inayos pa ang kaniyang seatbelt. Hindi makapaniwalang nakatingin sakaniya si Haze dahil sa inakto nito. Oh? Bakit ito sumasakay sa sasakyan ng may sasakyan? Wala ba syang sariling kotse? That's impossible.
"What are you doing?" takang tanong neto.
"You know what I want Wilford. Kung di mo masasagot ngayon pwes sasama ako sa kung san ka pupunta." pagmamatigas neto.
Napabuga ng hangin ang binata at di parin binuhay ang sasakyan. "Dude. Seriously? May aasikasuhin pa ako." sabay turo niya sa labas ng bintana at sinabing "kaya lumabas ka na. You're causing a lot of trouble now." Mas matigas nitong sabi.
Ngunit imbes na makinig ay pumikit pa ang kasama at isinandal ang katawan nito sa upuan at nagtulugan. Haze watched him sleep dumbfounded. Wala na talagang makakatalo sa tigas ng ulo at kulit ng isang Ralph Stephen III. He sighed defeatedly and started the engine, wala naman sigurong mangyayareng masama kung isasama neto ang binata sa kaniyang lakad. Huwag lang sana ito gumawa ng problema.
Habang nagmamaneho ay di niya mapigilang maalala ang reaction kanina ni Bea nang sabihin nito ang impormasyong ibinigay sakaniya. Inaasahan na niya ang ganong reaksiyon mula sa dalaga ngunit hindi mabura sa isipan niya ang mga matang naluluha nito. He still can't get over her, and it kills him watching her looking like that. At alam niya kung ano lang ang mkakapawi ng sakit ng nararamdaman neto, wala nang iba kung hindi hustisya para sa kaniyang pamilya sa kaniyang sarili. She's been living half of her life in hell - endless pain and doubts. Kaya sana naman ay hindi siya pagdudahan ng dalaga dahil wala na siyang iba pang mapagkakatiwalaan na iba kung hindi siya lang.
Wait...
May isa pa pala..
Bahagya niyang nilingon ang katabi at di inaasahang nakatitig ang lalaki sakaniya kaya naman agad siyang napaapak sa preno dahil sa gulat at yumuko, thanking God na buhay pa siya. "What the fuck!? Kung magpapakamatay ka Wilford wag mo ko idamay!" gulat din at bulalas ni Ralph sakaniya.
Inis niyang tinapunan ng tingin si Ralph at sumigaw na rin. "Bakit ka ba kasi nakatingin sakin!? nababakla ka na ba ha!?" he cursed under his breath and started to drive again. Buti nalang at hindi traffic ngayon sa dinaanan nila kung hindi nabangga sila ng wala sa oras.
YOU ARE READING
FILWMGB 2: Still Into You
Ficción GeneralMatapos ang masakit na nangyare sa buhay ni Bea ay umalis sya sa bansang pilipinas upang makalimot. But what if she finally decided to go back? Nandun parin ba ang sakit na naramdaman niya? Lalo na't ikakasal na ito sa ibang babae. What if she met...