Bea's P.O.V
I don't know what to feel right now. Nasa harapan na ako ng pintuan kung saan alam ko kung ano na ang nangyayare sa likod ng pintuan na ito. And I know na nagkakagulo na sa loob lalo pa't lumabas na ang totoo na ako talaga ang tagapag-mana ng lahat ng meron ang Aviles.
Because Im the only heiress.
Malalamig at pinagpapawisan ang mga palad ko nung binuksan ni Haze ang pintuan. I can hear voices shouting and asking questions inside the room. They wanna know who am I and what is really my intention. Im waiting for someone's voice. Yung boses na matagal tagal ko naring hindi naririnig. Mukhang pinipili nyang tumahimik kesa sagutin ang mga tanong ng mga board members.
Napangisi ako sa loob ko. Paano sya sasagot eh sya ang may dahilan kung bakit ngayon ako bumabawi sa lahat ng kalapastangang ginawa nya sa buhay ko.
Pagkabukas ng pintuan ay unti-unting humina hanggang sa tumahimik ang mga taong nasa loob. They knew that I am here. Kinakabahan man pero alam kong nasa tabi ko si Haze at walang mangyayare sakin na masama kahit na nandito pa si Alfonso, ay naglakad ako papasok ng meeting room at taas noong hinarap ang lahat.
"Sorry if I am late. I got pre-occupied earlier while I'm on my way. Anyway, Goodmorning." Matapang kong bati sakanila.
They all just looked at me and I can see some of them are interested to know me more. A hunger for power and I know that I have their attention. Bumati ang ilan sakin na mga unang nakabawi sa paghanga sa akin. Hindi naman ako bago sa mga ganito, I've been once a personal secretary and sa mga oras na nagstay ako sa Canada ay ilang beses narin akong nakapasok sa mga ganitong meeting. Im a little bit nervous but I can handle the tense.
Sa gitna ng pagbati nila sakin ay sa wakas narinig ko din ang boses ng taong kanina ko pa hinihintay magsalita. But it wasn't like before. May pagkalambing ito at tuwa, but I know better. He's faking it.
"Goodmorning apo! It's fine kung nalate ka. We know that you're still enjoying the attention. Come sit here beside your Lolo"
I want to smirk at his approach. Apo? Lolo? Is he trying to make me laugh? Cause it's really effective. I gave him a loopsided smile and ignored his way of approach. Im not here to negotiate with his plasticity. I am here to TAKE what's mine.
Kaya imbes na lapitan ko sya ay pumunta ako sa harapan at tumayo ng matuwid. All eyes are on me and I have the feeling that Im liking it. Dati sobra sobra ang kaba ko sa mga ganitong sitwasyon. Pero ngayon, may confident ako na medyo kinakabahan.
"I didn't come here to have a good talk to you Alfonso." Madiin kong sabi.
Ang kaninang mainit na ngiti ng matanda ay nawala sa mga labi nya. Gusto kong ngumisi pero mamaya na yun.
"I am here to take back what's mine. Because I am the only heiress who has the privilege of owning the property of Aviles Corp. And not some presumptuous person." I said in my very own serious tone while looking at the man who's at frontward, Alfonso.
Halata sa mukha nya na ayaw na nya ang mga sinasabi ko at pansin ko ring mahigpit ang pagkakahawak nya sa dala dala nyang baston. Oh? Bat parang gusto na ata nyang sumabog eh warm up palang naman yung mga sinasabi ko. Wala pa ako sa pinaka-point pero parang give up na ang matanda. In that case, I wanna laugh.
"What do you mean? And pano ka naman naging heiress ng pamilya Aviles eh wala namang naipakilala saamin na anak ng original na nagmamay-ari ng Company?" Saad ng isa na nasa kaliwa ko habang nakahawak ito sa kanyang baba na tila nag-iisip. Napangiti ako sa tanong nya.
YOU ARE READING
FILWMGB 2: Still Into You
General FictionMatapos ang masakit na nangyare sa buhay ni Bea ay umalis sya sa bansang pilipinas upang makalimot. But what if she finally decided to go back? Nandun parin ba ang sakit na naramdaman niya? Lalo na't ikakasal na ito sa ibang babae. What if she met...